SMTASMP 4: Disaster

88 4 0
                                    

Chapter 4

Sofia's POV

"Kyaaaaahhh!!!..."

"Ay! Kabayo!" Nagulat ako ng may biglang nalang may sumigaw mula sa likuran ko..

Kahit hindi na ako lumingon, alam na kung sino 'yong tumili sa likod ko. Paano ko nasabi? Pagtili palang kabisado ko na noh!

"Porket bakla lang ang tumili? Kabayo na kaagad? Hindi ba pwedeng dyosa muna? Kalurkey ka beks!" Oh? Alam nyo na kung sino ang nagsalita? Eh, sino paba edi si harold

Lumingon ako sa kanya at saka ako umakyat ulit papunta sa kanya. Mukhang sinundan nya ako sa paglabas

"Eh.. Bakit ka naman po kasi pa bigla-biglang tumitili ha? Mr. RAYMUNDO HAROLD CRUZ!?" talagang diniinan ko sa dulo yung kanyang full name, ay! nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na may raymundo pa pala sa name nya.

Ayaw nya lang kasi ipabanggit ng buo dahil lalaking-lalaki daw ang name nya, napipikon nga yan sa akin kapag tinatawag ko na sya sa buong pangalan nya

Alam nyo bang napapatili nalang yan bigla-bigla kapag nakakakita sya ng gwapo sa kanyang harapan at alam nyo na kung bakit sya napatili? Dahil nga naman sa gwapo ang nasa harapan ko ay! Este.. namin pala

"Aba! Wagas ka naman makatawag sa buong pangalan ko MS. SOFIA IRKINZ LEBRILLA? Hiyang-hiya naman ako sa balat mo noh?! Hmp!"
sabi nya habang palapit sya sa akin. Let me correct, kay gwapo pala na nasa likuran ko

Tumigil sya sa paghakbang at nilipat-lipat nya ang tingin nya sa amin, tapos.. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa

Take note, nakapamewang habang pinapaypayan ang sa sarili nya, patay! Mukhang alam ko na kung bakit ganyan sya makatingin, for sure galit si gurl sa akin diba nga tinakasan ko lang sya

Paano ko kamo nasabi na galit?eh, kasi po.. umaasim na yung mukha nya, at ito pa ah! Nakataas ba naman ang isang kilay nya habang pinapaikotan nya ako ng masama nyang tingin

Teka? Akala mo naman papatayin na ako sa mga tingin nya. Sa ginagawa nya parang ang laki ng kasalanan ng ginawa ko sa kanya?

Wait? Siguro kaya sya ganyan makatingin eh, dahil.. Nakita nya kami ni kuya gwapo

Ibubuka ko palang sana ang bibig ko para magtanong kung nakita nya ba yung nangyari kanina ng bigla nalang nya sinarado ang kanyang pamaypay at ginamit nyang pangpause sa itatanong ko sana

"Hep! Bago ka muna magsalita.. Ladies first muna at ako 'yon!" Nang tanggalin na nya yung pamaypay mula sa bibig ko bigla ko nalang kaagad kinuha ang panyo ko sa bulsa at saka ko kinuskusan ang bibig ko

Grabe!! Ang pait ah.. Ilang taon naba nya ginagamit yang pamaypay na yan?

"Eh.. Paano naman yung tunay na lady?" asar ko sa kanya.. Hala ka!! Mukhang lalong umasim ang mukha nya

"May sinasabi ka?" sabi ko nga eh.. shut up na ako.. ikaw naman kasi sofia hindi mo kayang pigilin yang bibig mo

"Ha?.. ahh.. W-wala.. wala kaya ako sinasabi diba kuya?.." bigla ako napatingin kay kuya gwapo at saka ko sya kinindatan sana makiayon nalang sya.. kahit medyo nakita kong mukhang naguguluhan sya sa mga nangyayari sa amin naku! Wag sana maiinis si kuya gwapo sa amin

"Ah yeah.." sabay smile ni kuya gwapo, SHOCKS!! Ang gwapo nya talaga (*o*)

"Ahhh.. ganern ba.. Ahhihihi shige na nga.. shabe mo eh.." aba! Mukhang kinilig ang loka, sabay napahawi sya sa kanyang tenga, tss.. obvious naman maiksi lang naman ang buhok nya. Bangs lang naman ang mahaba sa kanya eh. Grabe! Hindi halatang nagpapacute lang sya? (Parang ang sarcastic ko don ah)

Si Mr.Torpe At Si Ms.PakipotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon