A/N: No Edit again
Tamad mag edit guiz kayo na bahala sa wrong spelling <3<3Chapter 3
SKY POV
*Clap,Clap, Clap
Tapos nang mag perform ang apat ngunit may kakaiba akong nararamdaman na para bang may nakatingin sakin. Diko alam kung sino dahil sa sobrang dami ng tao dito sa loob ng bar. Nilibot ko ang aking paningin sa paligiod pero ni isa wala akong makita na nakatingin sakin, ang weird lang. Epekto yata to sa alak, naka walong baso na kasi ako. Mabilis na tumakbo ang oras 8:35pm na uuwi pa naman ako, mag-aabang pa ako ng taxi. Si Seo-ah ayun na wala. Ano paba ang gagawin nun kundi maghahanap lang ng lalaki hahaha kawawang mga bata.
"Oh! Sky bat ka nag-iisa dito? San ba si Seo-ah" kakasabi kulang.
"Ano kaba tito hindi kapaba na sanay dyan sa pamangkin mo. Eh ang daming lalaki dito kaya naghahanap na naman yun na magpaglaruan"
"Balang araw titino din yang babaeng yan HAHAHA" kailan pa? Tch.
"Hanggang maranasan na nyang mahulog sa lalaking pinaglaruan niya at yun ang makapagbago sa kanya" Nabasa niya yung nasa isip ko? Pero ano daw? Diko gets Sana kayo din
Tumabi muna sakin si tito. Maya-maya lang ay dumating din yung apat at sunod naman si Seo-ah na kanina pang nawawala.
"Boys ang galing nyo ha. Hoy ikaw Ivan ang suplado ng mukha mo pero ang galing mo palang kumanta? Wow ha" kakarating lang bibig agad. Pero totoo naman ang galing nilang kumanta lalo na si Iv-- este Jeremy.
"Magaling din akong kumanta" sabat ni Jeremy and I agree
Tinaas ko ang kanan kung kamay "Agree ako dyan ang galing mo Jeremy hehehe"
"Alam ko Sky noong bata pa ako ang dami ng humahanga sakin" hindi ko tinanong.
"Sapag kanta mo?"
"Oo, lahat ata ng business partner ni daddy pinapakilala ako sakanila kaya lalong gumanda yung boses ko" business partner? Aba! Yayamanin ata tong lalaking to sabagay lahat naman ata sa kanila. Sa totoo lang magaling kumanta tong si Jeremy pero iba ding kumanta si Ivan may ibat-iba silang teknik sa pagkanta. Pero hindi ko alam kung bakit iba ang dating ni Ivan kanina nakuha niya yung atensyon ko at nakita ko kanina na feel na feel niya talaga yung kanta na parang may pinagdaanan siya na hindi niya makakalimutan.
"Hahaha ulol pre dun lalo gumanda ang boses mo?" Rocco said. Aba! Himala akala ko hindi to nagsasalita.
"Oo dun ko lalo ginalingan para hindi ko mapahiya yung family ko at yung sarili ko" may halong lungkot ang pagkakasabi niya.
Tito Andrew cleared his throat.
"Guys! Good job kayo dun. Lahat kayo ang gagaling niyo at ikaw----"
"Tama ang gagaling niyo lalo kana Ivan hehehe" siniko ko siya.
"Hindi pa tapos magsalita yung tao kaya wag kang sumabat" kalmado niyang sabi. Pasalamat ka hindi ka pinagalitan.
"Sorry tito" nahihiya siyang napayoko saglit "Pero tito may tanong si Sky sakin kanina kung okay lang po ba sa inyo na mag-aaply siya nang trabaho dito, dito sa bar niyo"
O_________O
Tangina ako yata yung nahiya.
"Mag-aaply ka ng trabaho sakin?" Ay hindi po kayo po ang mag-aaply sakin.
"Sky alam mo namang bawal magtrabaho sa bar ang 17 years old diba?" Alam ko.
"Alam ko po. Pero tito, pwede naman atang lihim lang basta hindi lang malalaman ng principal or teacher namin ni Seo-ah." Walang pag alinlangan kung sagot.