CHAPTER 5

13 0 0
                                    

A/N: NO EDIT!

Chapter 5

SKY POV

Ng makapasok na ako sa 'Andrew's Bar' hinanap ko agad si Seo-ah sa loob nagbakasakali na nandito siya. Pero wala siya dito sina Jeremy, Liam at Tito Andrew at ako lang ang tao sa loob ng bar. Akala ko pa naman ay mag-ce-celebrate kami. Tumabi ako kay Jeremy syempre mas kampante ako sakanya kaysa ni Liam.

"Oh Sky nandito na pala kayo. Kumusta yung ina-applyan mong trabaho?" sabi ni Tito Drew habang nagpupunas ng kanyang kamay ng tissue.

"Sa tuesday na ako magsimula"

"Good luck" umupo siya sa tabi ni Liam at ngayon magkaharap na kaming apat.

"Sky let's talk" seryoso nyang sabi. Nag nod lang ako at sabay kaming tumayo pero nauna siya sakin at sumunod nalang ako sakanya na kami lang dalawa ang makarinig sa pag-uusapan namin.

"Ano po yun tito"

"Umuwi nayong parents ni Seo-ah" Huminga muna siya ng malalim "Dadalhin siya ng parents nya sa U.S."

O____________O

What? Why?

"Hindi yun alam ni Seo-ah pero yun ang plano nila na dalhin siya sa U.S" dagdag niya pa.

"Bakit?" Naguguluhan na ako bakit naman dalhin nila si Seo-ah dun ang layo kaya nung U.S nayan.

"Dahil sa arranged marriage nayan" Tito drew still serious.

Arranged marriage? Sa U.S with whom?

"Eh? Tito ang bata pa ni Seo-ah para dyan"

"Wala na tayong magawa yun ang desisyon ng parents niya"

"Meron po tito. Kakausapin ko si Tita Serina. Alam ko din na nahihirapan si Seo-ah sa gusto nila"

"Sana nga.. Sana madali lang kausapin si Tita Serina pero yung daddy ni Seo-ah ang hindi papayag"

I know na napipilitan lang si Seo-ah dahil always masusunod ang sinabi ng ama kaysa anak kagaya ni.... daddy ko kaya nga ako naglayas ako ng dahil sa kanya hindi ko na kinaya yung mga sinabi niya at siya palagi yung masusunod hindi naman niya buhay to. 'Buhay ko to kaya nasa akin ang desisyon'.

"Pupuntahan ko po si Seo-ah alam ko po na ako yung kailangan niya." Hinawakan ni tito yung kanan kong balikat.

"Please...don't leave her Sky" Tumango lang ako at lumabas. Nakita ko din na tumayo si Jeremy alam kung na curious na din yun kung saan ako pupunta. Hindi na ako sasakay sayo psh.

Sumakay na ako ng taxi. Good that my phone and wallet is here sa bag ko. Kung wala talaga tong wallet ko mangungutang nalang ako kay manong.

"Saan po tayo ma'am?"

Hindi ko alam kung saan siya ngayon pero isa lang ang sigurado ako nasa 'mansyon' siya ng pamilya niya. Hindi siya dun nakatira dahil ayaw niyang tumira lalo nang siya lang mag-isa. Pero hindi naman nakakatakot dun dahil madami namang maid at butler.

"Sa mansyon ng mga Park"

Kailangan ba talaga yang arranged marriage nayan? Sa taong stranger or ka business partner ng daddy niya? Iba na talaga ang panahon ngayon nasisilaw na sa pera. Nung panahon pa nina lola may harana-harana pa tas mahal nila ang isat-isa at ginalang din ni lolo ang pagkababae ni lola. Tas ngayon iba na talaga.

"Nandito na po tayo ma'am"

SEO-AH POV

I didn't expect na uuwi sila mommy at daddy. I'm so happy dahil maka pag bonding na ulit kami. Oh. Bago ko makalimutan ngayon na pala si Sky mag-aaply na maging secretary ni Mr. Smith. I promised to her na mag celebrate kami mamaya. Hindi ko muna siya masamahan dahil uuwi ngayon si mommy at daddy dapat may kaunting handa ako para sa kanila. Syempre ako dapat yung magluluto, alam ko na pareho nilang favorite yung Ginseng Chicken Soup. Today gamitin ko yung special skills ko sa pagluto.

The SecretaryWhere stories live. Discover now