Chapter 6
SKY POV
"Manong bayad ko" abot ko sa pera.
Bababa na sana ako ng makita ko si Seo-ah na kakalabas lang ng kanilang mansyon at akmang bubuksan na yung pintuan ng kanyang sasakyan.
"Manong wait lang po"
Dali-dali akong bumaba sa taxi para maabutan si Seo-ah. Nasa tapat na ako ng kanilang malaking gate.
"Psssssttt hoy Seo-ah" pero hindi niya ako narinig kaya nilakasan ko na "SEO-AH" sigaw ko
*takip bibig* >_> -- <_<
Heh! Napalakas ata. Pero nakuha ko naman ang kanyang atensyon. "Sky? Sky ikaw bayan? Bakit ka nandito?" Tsk daming tanong.
"Buti naman at narinig mo ko"
"Of course. I'm not bingi naman"
"Lumabas ka na nga diyan" nasa loob pa kasi siya nag-uusap kami sa tapat ng gate. Lumabas na man siya.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Lakas kasi kutob ko na nandito ka hehehe.
"Maya ka na magtanong sakay muna tayo may taxi na nag-aantay. Madami pa akong tanong sayo"
•
•
•
•
Nandito kami sa malaking ground tanging mga bata lang ang naglalaro kasama ang kanilang mga magulang.
Mahangin naman dito kaya dito ko siya dinala sabi niya gusto niya muna daw mag-isip isip. Umupo kami sa damuhan na naka indian seat.
"So......Anong napag-usapan niyo ni Tita Serina at Tito Alexander?" tanong ko.
Narinig ko siyang nagbuntong hininga "Ayun. Nagkasagutan kami at nasampal ako ni daddy. Pero parang wala na akong magagawa sabi ko nga sa sarili ko na hindi siya ang masusunod...kaso...kaso Sky si daddy yun eh."
Alam ko daddy mo yun hindi ko naman yun daddy e - sabi ko sa isip ko.
"Anong plano mo?"
"Ang lakas ng loob ko kaninang suwayin ko si dad tsk"
Wait! Parang napanood ko ang ganitong eksina sa kdrama hehe.
"Alam ko na" sabi ko habang nakataas ang isang kamay "Kung mag-bo-boyfriend ka kaya tas sabihin mo sa kanila tita na Mahal mo siya so wala na silang magagawa kundi ipakasal ka sa taong yun...or...sabihin mo na buntis ka tas mapipilitan silang ipakasal ka sa lalaking yun at laking posibilidad na hindi ka nila ipadala sa U.S" mahabang paliwanag ko sa kanya.
"Ang hirap naman niyan. Sa tingin mo ba kung mag-bo-boyfriend ako kanino naman? At Sino? At kung mabuntis ako sinong ama? At ayaw ko pang maging ina" yan ang hirap sayo e.
"Alam ko na kung sino ang lalaking yun?" sabi ko habang kinindatan siya at siya naman ay nakasimangot lang at hinihintay ang sasabihin ko.
"Si Liam—oo tama si Liam. Siya ang maging boyfriend mo at siya ang makatulong sayo" ang galing ko talaga.
"WHAT? Yung gagong yun ang maging boyfriend ko? Hell no" sabi niya na akmang tatayo kaya hinawakan ko ang braso niya.
"Teka nga. Mag a-act lang naman kayong dalawa na boyfriend mo siya....oh sige nga sagutin mo ang mga tanong ko"
"Ano?" Walang gana niyang sagot.
"Mahal mo ba ang sarili mo?"
"Anong klaseng tanong yan? Malamang oo" mahal naman pala e nagreklamo pa tch.
"Gusto mo bang mapunta sa U.S?"
"Hindi"
"Good. Gusto mo bang maikasal sa lalaking hindi mo kilala/kakilala at higit sa lahat hindi mo Mahal?"
"Of course not"
"Yun naman pala e. Sundin mo nalang yung sinabi ko" tama naman ata ako e.
"Hindi ko naman type yung lalaking yun at hindi ko mahal yun at hindi ko gusto"
"May sinabi ba ako na type mo siya?" Aangal pa sana siya.
"Alam mo?...aishhh... Bahala na nga, Okay. Gagawin ko yan para hindi ako maikasal sa lalaking yun" Nginitian ko lang siya.
Sabi ko na nga ba e. Ang talino ko talaga sa huli papayag din naman.
"Kamusta pala yung pinuntahan niyo kanina ni Jeremy?" Biglang sabi niya. Change topic lang?
"Okay na okay. Sa tuesday na ang simula ko" masaya kong sabi. Akalain mo yun sa dinami dami ko nang inaplayang trabaho hindi ako nakuha at ito ang pinakamalaking trabaho ang binigay sakin?
"Sorry. Kasi hindi tayo nakapag celebrate. Hindi ko naman akalain na ganito pala ang mangyayari" malungkot niyang sabi habang nakatingin sa mga ulap ang ganda ng panahon ngayon. Parang sarap lumipad.
"Alam mo hindi ka dapat mag sorry e kasi hindi ko naman kailangan yang celebrate-celebrate nayan tsaka hindi ko naman birthday para mag-celebrate"
"Bakit? Birthday lang ba ang kailangan mag-celebrate?" Tinaasan ko siya nang kilay.
May sinabi ba akong sa birthday lang ang pwedeng mag-celebrate? Bobo na nga. Bingi pa.
"So. Nakita mo naba ang boss mo?" Kung siya nalang kaya ang ipa-secretary ko noh? Siya lang kasi ang atat na makilala or makita yung boss ko.
"Hindi pa. Sayang nga e kaso may important meeting daw siya kanina pero alam mo naiimagine ko itchura niya matanda, mataba, maasim in short pange---"
*Poink
"ARAYYY! Para san yun?" Sabi ko habang hinimas-himas ang kawawang noo ko karma na ata to sa ginawa ko kanina kay Jeremy sa kanyang tenga.
"Ang sama mo. Alam mo kung maririnig niya yan halatang wala pang 5 seconds tanggal kana sa trabaho mo. Sa tingin ko maling-mali ang pag-iimagine mo sa kanya dahil sa name palang 'KAIZER SMITH' ang astig na tas halatang mukha nito ay sobrang gwapo" kinilig niyang sabi habang yakap ang kanyang sarili. Eww.
Tumayo na ako at siya parin mukhang tanga yakap yakap ang sarili kaya hindi ako napansin na tumayo. Nang malayo-layo na ako sa kanya dinig ko ang kaniyang pagtawag sa maganda kong pangalan. Hayyst. Bahala ka dyan.
Nakita ko ang maliit na tindahan ng cotton candy kaya lumapit ako dito kung sabagay matagal-tagal din naman akong hindi naka kain ng mga sweets.
"Hi po ma'am Ilan po ang bilhin niyo?" Tanong niya sakin mukhang ka edad ko lang siya. Maganda, may maamong mukha. Working student kaya siya? Heh! Ewan.
"Ahm. Apat magkano ba?"
"15 pesos lang po. 60 po kung apat" kinuha niya ang cotton candy na nasa harap niya nakalagay at binigay sakin.
"Wag kanang mag 'po'. Same age lang naman tayo e" feel ko kasi kapag may mag 'po' or 'opo' sakin na ka age ko lang ang tanda ko na ayaw ko naman nun.
"Sorry, Ako pala si Ayanna Vasquez. 17 years old" pagpakilala niya. Hindi ko naman sinabi na magpakilala siya diba? Inabot niya ang isang kamay para makepag shake hands. Kaya yung bayad ko muna ang binigay ko sa kamay niya hehehe saka