Chapter Two

2 0 0
                                    

II.

"Wait up, papaalam lang ako kay coach." Sabi ni Liam bago tumakbo papasok ng gym.1 hour pa naman bago yung after class training niya kaya sasamahan daw muna niya ko sa firing range.

I adjusted the zipper of my varsity jacket.Nakalagay na to agad sa locker pati yung jogging pants at tshirt.Bago kasi magtransfer, nag-apply na ko sa shooting program nila, nang matanggap ako inayos na namin lahat kaya naka-ready na pagkalipat ko.Yung pistol na lang pero hindi naman kasi namin yon mauuwi.

"Bang Bang!"

Liningon ko 'yong dalawang lalaki.Naabutan ko pang hipan nung isa yung dulo ng daliri niya  na nakapormang baril.

"Hi Miss... Escudero." Sabi niya habang nakasmirk pagkatapos silipin 'yong apelido ko sa likod ng jacket.

"Uh, hi po." Balik ko kahit medyo nag-aalangan ako kasi mukha siyang... ewan ko parang 'yong nga napapanuod ko na nananapak bigla.May maliit na sugat siya sa may gilid ng labi tapos may pasa yung bandang jaw area niya.Pero kasi sabi nila mama wag daw akong nanghuhusga agad agad.

He just stared at me ,still smirking.'Yong isang kasama niya naman ay busy lang sa cellphone niya.

"Do you need anything?" I asked dahil hindi pa din siya umaalis.

"You?" He said playfully.Hindi kaya nangangawit 'yong labi niya?Hindi kaya siya nasasaktan e may sugat pa siya doon?

"Douche." Bulong nong katabi niya.Pareho sila ng jacket, so baka basketball players din.Ganyan din 'yong kay Liam e.

"Eli, tigilan mo bestfriend ko.Layo." Biglang sulpot ni Liam.

Tinaas naman agad nong Eli 'yong dalawang kamay niya.

"Ooh.Does Sanya knows you're hanging out with other girl?"

Dirediretso si Liam sa gitna namin at tinago ako sa likod niya."Stick your nose to where it belongs, Montescarlos." Liam replied to the guy before pulling me with my right hand.

"Let's go, Tiera."

"So its Tiera, huh." Ayaw paawat nong Eli.

"Santi, do me a favor." Sabi ni Liam don sa kasama ni Eli.Inangat lang naman ni Santi yung tingin niya kay Liam.

"Keep that mad dog on a tight leash.He keeps on barking, its getting annoying already." Sabi ni Liam bago ako hinila ng tuluyan.

The Fall of SelenaWhere stories live. Discover now