"Please call when you get there hija.You take care okay?"
I smiled at my mom."Opo."
"Call me kung may ayaw ka sa condo mo.Or sa sasakyan mo.If you need anything just ask anak." Sabi ni Papa habang pinapasok sa SUV yung mga maleta ko.
"Opo.Don't worry about me Pa, Ma, Liam is there naman po."
"Oo nga pala, yung mga bagnet na request ni Liam wag mong kakalimutan." Sabi ni papa dahil nakailang tawag ata si Liam sa kanya para doon.
I hop in the car after I hug my parents before leaving Sorsogon.Iniisip ko kung may nakalimutan ba ko pero parang wala naman.Okay na din yung requirements ko para makapagtransfer sa Teran International School.Sila lang kasi ang may maayos at malawak ng sports program dito sa Pilipinas.
Ang tagal pang konsiderasyon ang ginawa ng magulang ko para pumayag silang lumipat ako ng school.Nasa Sorsogon ang una kong University.Nakadalawang taon din naman ako.Pero wala sila nung gusto ko.
Ang gusto ko, bumaril.
You see, I was born with asthma.Its nothing serious naman.Yon nga lang, mag-isa akong babae saming tatlong magkakapatid.Kaya protective sila mama sakin.Growing up I was always exempted for PE dahil naprint na agad ang medical certificates ko.So I would always watch Liam run on the court and feel jealous that he was so sporty.
I have never been jealous of anything.Growing up, tinuruan ako nila mama na makuntento at magpasalamat sa kung anong meron ako.Na wag mainggit sa iba at pumalakpak sa mga achievements ng ibang tao.
Isa pa, they provided me everything I needed, I could not even complain of anything.
Iyon lang.Tuwing PE lang.
Pakiramdam ko kasi, kaya ko naman.Hindi ko lang sinusubukan.
At ayoko ng hindi ako sumusubok.Pakiramdam ko, maraming nawawala sakin.
But then Senior High school came and we needed to choose one elective for our Sports and Wellness subject.And thats when I discovered shooting.
I fell in love with guns.
Kaya ako magtatransfer.I wanna do what I love while studying.Madami namang gumagawa non.Kaya ko din naman siguro.Marami akong kilalang athletes, kinakaya naman nilang pagsabayin.Si Liam naman napagsasabay ang BS Biology at basketball.
And there's nothing wrong on pursuing your passion and future at the same time.
Kasi pwede ka namang maging masaya at successful ng sabay, kailangan mo lang subukan.