Chapter Four

0 0 0
                                    

"Hi!Bago ka dito?I like your eyes, contact lens ba yan or brown talaga?Transferee o shiftie?" Dirediretsong tanong ng babae.Ngayon ko lang siya nakita kahit isang linggo na mula ng mag-umpisa 'yong klase kaya nakakapagtaka na ako 'yong tinatanong niya ko kung bago ako.

"Ah!Sorry, I'm Saha, block mate mo ko kaya lang madalas akong hindi makaka-attend ng classes dahil sa taping."

She flip her hair and flashed a wide smile."Yes.Ako yung kapatid ni Nadine sa movie niya.I know, I know sobrang  galing ko don sa sagutan part namin ni Nadine.Ang ganda ng timing ng camera nakuhaan yung pagtulo ng tears ko, right?Feeling ko nga dahil don, mag susunod sunod na yung offer sakin para bumida na sa mga movies e.You think so?"

I blink my eyes.

Grabe.Ang daldal niya.

Ngumiti na lang ako dahil hindi ko naman napanuod iyong movie na sinasabi niya.Ayoko naman sabihin na hindi ko pa napapanuod kasi ayokong mafeel nya na napahiya siya.

"Ano pala ang elective mo?" She asked.Wala ata iyong prof namin kasi halos paubos na yung grace period hindi pa siya dumadating.

"Shooting." I answered.

"Wow.You look so innocent to fire a gun, huh?"

"Ikaw?" I asked back kasi ganon daw yon dapat.Kapag tinanong ka, ibalik mo iyong tanong.Respeto daw yon e.

"Ako?Hindi naman kasi ako sporty so nasa Esports ako.Ayoko ng pinapawisan.Valorant."She shrugged.

"Bakit ka business student?May BS Esports naman dito." I asked.

"Ay sis, hindi naman ako magpopro player.Pinili ko lang yon kasi required na may elective tapos ayoko ng napapagod.Kaya napunta ko don.You know, upo upo ka lang sa harap ng computer, tapos laro laro kahit hindi ko naman talaga naiintindihan."She said while looking at her manicure.

"Tapos nagkalat kasi ang pogi don!My gosh, yon lang pinapasok ko dito e."

I just nodded.Wala naman kasi akong masabi.

"So, anong name mo?Kanina pa tayo nag-uusap e."She asked.

"Sorry.I'm Tiera Selena Escudero.Ikaw?"

"Saha Aurora Marcos."

"Yes, the Marcos family of Ilocos." Sabi niya dahil nahalata ata niya sa mukha ko na her family name rang a bell to me.

I just nodded.

"Ikaw?Is your Escudero the Escuderos of Sorsogon?"

"Ah, oo."

She shrugged."So parehong family of politicians tayo.Napaka-eventful."

"Bakit eventful?"

"Wala lang, eventful naman talaga ang politics.One minute you live in a perfect loving family, next minute you'd be amazed how that family is actually rotten.Not all.But you know, marami."

Naintindihan ko naman yon.Nakita ko 'yong nangyari kila tito Viktor at tita Shiela.Grade 1 ata ako nong umalis sila ng Sorsogon kasama sila kuya Traven kasi kailangan sa Maynila si Tito.Usec palang siya dati ng DOST.

I'm thankful enough na after ng term ni papa sa pagiging Governor sa Sorsogon hindi na ulit siya tumakbo.Kahit tita ko pa din naman ang pumalit kay papa at mga Escudero pa rin ang may hawak ng Sorsogon, at least hindi na direkta sa pamilya namin.Sabi ni papa ayaw niya daw akong makita isang araw na nagrarally kalsada laban sa kanya.Hindi niya daw kaya yon.

"Alam mo, feeling ko magiging best friends tayo.At dahil jan bibigyan kita ng gift!" She suddenly shifted her mood.

"Gift?"

She wiggled her perfect eyebrows and smiled naughtily.

"Boylet!"

She giggled.

"H-ha?"

"Ipapakilala kita don sa friend ko na BS Esports!Don't worry, pogi yon.Pogi 'yong mga nandon!"

"Hala, teka lang hindi naman ako-

"Tara na!Hindi na dadating si Ms. Cua." Sabay kuha sa palapulsuhan ko at hila sakin.Tinignan niya saglit ang wrist watch niya at may tinawagan sa phone.

"Wait lang Saha baka dumating yung prof."

"Relax ka lang lampas na ng grace period, hindi na dadating yon.Oy Tri!"

Nagulat ako ng i-loud speaker niya iyong tawag.

"Ano?Wala si Loki, naki-thirdwheel kay Kesa at Apollo.Wala kang mapapala sakin ngayon."Sabi ng lalaki sa phone.Ayoko naman sanang marinig kaya lang kasi hindi ko naman mapigilang marinig e.

"Sakin may mapapala ka." Sagot ni Saha.

"Hoy hindi kita type." Biglang sabi nong Tri.

"Hindi din kita type Tristan!On mo video call may papakita ako sayo.Bilis!"

Pagka-on ng VC nong Tri hinarap agad sakin ni Saha iyong phone.Nagpanic ako kaya tinakpan ko iyong mukha ko.

Ano ba dapat ang gagawin?Dapat ba mag-hi ako?Pero hindi ko naman siya kilala.

Pero kasi parang bastos naman kung hindi ko batiin?

"Ganda no?" Rinig kong sabi ni Saha.

"Baliw anong trip mo?" Sagot nong Tri.Hindi na talaga ako kumportable na naririnig ko iyong pinag-uusapan nila.Pakiramdam ko nakakaviolate ako ng privacy.

"Kita tayo sa Because Coffee.Pakilala ko sayo."

"Ikaw ba nagpaalam jan sa bitbit mo na binubugaw mo siya ha?"

"Gusto mo ba ibugaw ko to sa iba ang dami mo pang sinasabi?"

"10 minutes.Because Coffee.Takas lang ako."

Saha automatically smirk.

"Alam mo ba na lahat ng plinay cupid ko nagkakatuluyan?" She suddenly told me.

"Saha, ano... hindi naman kasi ako naghahanap ng boyfriend."

"Ay weh?Bakit?!"

"Gusto ko lang mag-aral at maging part ng national shooting team."

She narrowed her eyes."Friend, gusto mong magkaboyfriend, di mo pa lang narerealize." She said and wink at me.

The Fall of SelenaWhere stories live. Discover now