Chapter 1 : His Name is Peter

29 1 0
                                        

Chapter 1 : HIS NAME IS PETER

Nate's POV

Kaagad kong pinatay ang alarm clock ng magising ako. Tapos na ang bakasyon at simula na naman ng paggawa ng mga assignments, projects, at research. Isang taon na lang at matatapos ko na ang senior high. Makakaalis na din ako sa lugar na ito! I took a deep breath before finally getting up.

I can't see any light in my room, madilim ang bawat sulok dahil pinatanggal ko ang mga ilaw sa loob maliban sa led lights na hindi ko rin naman nagagamit. Ewan ko ba kung bakit nagtatago ako sa dilim marahil sa dilim ko lang nararamdaman na payapa ang aking buhay. I want peace, I want to be alone and hide in the dark where no one can see me. Pakiramdam ko kasi malaya kong nagagawa ang mga bagay kapag nasa dilim ako.

To be honest, I'm not as active as other teenagers, I prefer to stay locked up and be alone. I'm not the type of person who likes to socialize and make friends, because for me socializing with other people is just a waste of time. Hindi rin ako active sa lahat ng bagay, ang boring nga ng buhay ko eh. Pakiramdam ko lagi na lang ako nag-iisa na lumalaban sa buhay. Even my family, wala silang pakialam sa akin. Hindi nila ako mahal.

I looked up at my bedroom door when I heard a soft knock coming from outside.

"Nathan?" Ang saad ni Manang.

I opened the door and saw Manang outside. Manang is one of our stewards at home, he devoted almost half of his life to serving us. I can't say anything about her because she's like a mother to me since I was little, she's the one who nurtured and raised me. Alam niya kung ano ang kahinaan ko.

"Malilate ka na. Nakahain na din ang almusal mo. Kilos na!" Ang saad niya.

"Manang, hindi niyo na po kailangan pang asikasuhin ako. I'm turning 19 na, kaya ko na po ang sarili ko." Ang nayayamot kong tugon.

"Ikaw talagang bata ka. Kumilos na, iinitin ko lang ang gatas mo. Sige na iho." Ang saad niya. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na sumagot pa.

I took the towel she was holding and walked to the bathroom to take a shower. I turned on the shower and let the cold water fall on my body. 'Ano na naman kayang bago ngayon school year.'

Mabilis akong nagbihis dahil mayamaya ang tawag sa akin ni Manang, sanay na sa akin si Manang dahil halos kami lang naiiwan sa bahay.

"Si Mama?" Ang saad ko ng maupo ako sa may mesa para kumain ng agahan.

"Maagang umalis ang Mama mo," inilapag niya ang isang baso ng gatas sa gilid ng aking pinggan. "Alam mo naman ang mama mo pag tungkol sa simbahan ay talagang hindi pwedeng hindi siya pupunta."

Nalungkot ako ng bahagya at halos hindi ko manguya ang kinakain ko. All this time, wala pa din silang oras para sa akin. Lagi silang busy sa kanikanilang mga businesses.

"Si Papa?" Ang mahinang saad ko.

"Ang Papa mo naman nasa hacienda."

Iniwas ko ang aking tingin kay Manang ng dumako ang kanyang tingin sa akin. Alam ni Manang kung ano ang nararamdaman ko, halos lumaki ako ng hindi ko man lang naramdaman ang kalinga ng isang magulang. Lumapit si Manang sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa mga magulang mo. Lahat ng ginagawa nila ay para din sayo."

I didn't answer what Manang said. I also don't understand why businesses and serving the church are more important to them. It's just sad that they seem to have forgotten that they have a child, they can't even say hello to me especially now that it's the first day of school. Nagpaalam na lang ako kay Manang at hindi na tinapos pa ang aking kinakain. Nakakawalang gana.

Loving PETERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon