Chapter 7 : The Candidates
Nate's POV
Isang buwan to be exact, ganoon kabilis ang mga araw na hindi ko naman alintana na ganoon kadali ang lumipas. Hindi ko maramdaman ang pagpalit ng araw dahil nakapukos ako sa mga masasayang sandali na nangyare sa buhay ko. Kami ni Peter ay patuloy na nagpapatuloy mas lalo pang tumibay ang pundasyon kung anong meron sa aming dalawa. Masaya ako na nakilala ko si Peter. Hindi ko rin maikakaila na sa paglipas ng mga araw ay mas lalo kong nakikilala ang isang Peter na may madilim na nakaraan. May mga oras na hindi ko maintindihan ang ugali niya, minsan naman ay masayahin, napakamoody niya. Ganon pa man ay mas naniniwala ako sa pagtangi na meron ako sa kanya kahit pa minsan ay naiinis ako.
Pumasok ako sa loob ng klase, kahit paano ay may mga nagiging kaclose naman ako. Ngayon ko lang din nalaman na pwede naman pala akong makipagkapwa-tao sa mga kaedad ko. Nagagawa ko na ding makihalubilo at makipag-usap sa iba. Malayo na nga ako sa dating ako, in just a short period of time ay malaki na ang pinagbago ko. Ganito nga siguro ang nagagawa ng pag-irog. Hindi! Mali ako ng iniisip.
"Inaantok pa ako." Ang tinatamad na sabi ni Peter. Wala namang bago sa sinabi niya, lagi siyang inaantok kapag oras na ng discussion.
"Nagpuyat ka na naman siguro." Ang saad ko habang nagsusulat sa notebook.
Napabuntong hininga na lamang siya at nanatiling nakatingin sa akin na para bang pinagmamasdan ang ginagawa ko.
"Bakit?" Ang usisa ko saka tumingin sa kanya. "Kanina mo pa ako pinagmamasdan."
"Ang bait mo kasing tingnan." Ang tila pabiro niyang sabi. Nakaramdam ako ng konting pamumula sa aking mukha. Simpleng salita pero sobrang lakas ng impact sa akin. "Napaka inosente mo, halos lahat sayo bago."
Napangiti ako ng bahagya dahil sa mga sinabi niya. Sinaway ko pa siya na tigilan na niya ako dahil kung ano ano ang sinasabi niya pero deep inside gusto kong naririnig iyon sa kanya.
"Alam niyo ang ingay ingay niyo!" Ang saway sa amin ni Jess, sabay naman kaming napatawa dahil sa reaksyon ni Jess. "Ikaw Nathan, hindi ka naman ganyan dati ngayon nakikipagdaldalan ka na. Pero sa totoo lang, mas gusto ko ang Nathan ngayon." Sabay kurot niya sa akin.
"Aray!" Ang saad ko na siyang dahilan para irapan niya ako.
"Arte nito!"
Natahimik kami ng biglang pumasok si Mrs. Piñaflor, umalis lang ito saglit kanina dahil nagkaroon ng meeting sa guidance office.
"Class listen, I have an announcement. Makinig! Makinig kayo at hindi ko na ito uulitin pa. Sa susunod na buwan at buwan ng Wika. Boys, this is your time to shine, magkakaroon tayo ng Ginoong Lakan 2023. Piliin niyo na ang sa tingin ninyo ay pwedeng mag representa ng acting section."
Marami ang natuwa dahil sa anunsyo ni Mrs. Piñaflor, ang buwan ng Wika ang isa sa inaabangan sa aming paaralan, maraming mga aktibidad ang ginaganap kapag buwan ng Wika. Noong nakaraang taon ay una ng naisagawa ang Binibining Lakam at ngayong taon naman gaganapin ang Ginoong Lakan.
Iginala ko ang aking tingin sa mga kaklase ko na halata ang pananabik sa kanilang mga mata, ang malapad na mga ngiti nila dahil sa sobrang excitement at nababakas ko iyon sa mga mukha nila. Biniro pa kami ng ilan sa mga kaklase na baka pwedeng isa sa amin ni Peter ang magrepresenta. Kaagad akong tumanggi sa nais ng ilan dahil sa totoo lang takot ako sa maraming tao. Tinawanan lang ako ni Peter at pinilit na ako na lang dahil sa matalino raw ako.
"Ayuko." Ang saad ko.
"Kaya mo 'yan. Sayang naman ang gandang lalaki mo kung hindi ikaw ang magrepresenta ng ating section." Saad pa ni Peter habang nakangiting nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Loving PETER
Romance"There's nothing wrong with you. There's a lot wrong with the world you live in. " Date Starts : March 16 2023