CHAPTER 6 : UNDENIABLY
Nate's POV
***
Gulat na gulat ang mukha ni Peter ng sabihin kung dito ako nakatira at halos hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.
"Ang laki pala ng bahay ninyo."
"Para ka namang ngayon lang nakakita ng malaking bahay." Saad ko at pasimpleng ngumiti.
"Seryuso, dito ka nakatira?" Ang hindi pa makapaniwalang sambit niya. He told me that he had been inside the house, once his Aunt took him with her. Tinanong niya ako kung bakit hindi niya ako nakita, I just pretended that I was at the hacienda even though the truth was that I was in the room at that time and I saw him. "Tama nga ang naririnig ko tungkol sayo, mayaman ka talaga."
"Hindi. Ang mga magulang ko ang mayaman at hindi ako. Sigurado ka ayaw mo pumasok?" Ang saad ko. Nagpasya si Peter na ihatid ako matapos naming tumambay sa may pier at kumain ng fishball. He declined my offer to come inside to drink coffee and a small talk. Napahagikhik na lamang ako ng tawa dahil sa kanyang reaksyon.
"Sige mauna na ko." Ang paalam niya sa akin saka sumakay sa kanyang motorsiklo.
"Peter," saad ko bago pa man siya umalis. Tumingin siya sa akin, napakaaliwas ng kanyang mga tingin na parang tinutunaw ako. "Salamat."
***
I took a deep breath because I couldn't take my thoughts anymore. I am confused by everything that is happening in my personality right now. Ibinaling ko ang aking higa kaharap sa may dingding habang patuloy na ginugulo ng aking isipan ang aking pagkatao. Hindi ko rin magawang ipikit ang aking mga mata dahil may kusang naglalaro sa aking isipan. Ang mga sinabi ni Paloma.
***
"Paloma," huminga ako ng malalim at inipon ang lahat ng lakas ko para sa tanong na gusto kong malaman ang sagot. "Alam ko, masyadong personal ang itatanong ko pero sana hindi ka ma-offend." Ang seryusong sabi ko.
"Hindi naman ako naooffend Sir Nathan, sanay na ho ako." Ang pabiro pa niyang sabi.
Natahimik ako ng ilang segundo, wondering if I should continue with what I want to know. Ang hirap!
"Kailan mo nalaman na isa kang barbie?" Ang nahihiya ko pang tanong.
"Sir?" Marahil ay naguguluhan din si Paloma sa tanong ko.
"I mean, kailan mo nalaman na isa kang bakla?" Iniwas ko ang aking tingin sa kanya dahil bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa tanong ko. "I'm sorry. Okay lang kung hindi mo masasagot."
"Aysus, akala ko naman kung ano na itatanong mo Sir." Muli kong ibinalik ang aking tingin kay Paloma. "Bata pa lang daw ako, alam na nila na bakla ako. Bata pa lang daw ako kitang-kita na nila ang pilantik ng buntot ko. Tinanggap ko na lang kung ano at sino ako kaysa itago. Ayuko din namang lukohin ang sarili ko gaya ng iba."
Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko, ako ang pinapatamaan niya kahit hindi naman. Masyado akong natatamaan.
"Eh ang mga magulang mo, anong naging reaksyon nila?" Ang tanong ko pa.
"Very supportive naman si Mader saka si Pudra. Wala akong narinig na masama sa kanila tungkol sa pagkatao ko. Anak nila ako kaya tanggap nila kung ano ako." Pagpapatuloy niya. I couldn't say anything because Paloma didn't want to think badly of me either. "Bakit mo pala tinatanong ang tungkol sa pagiging bakla Sir?"
BINABASA MO ANG
Loving PETER
Romance"There's nothing wrong with you. There's a lot wrong with the world you live in. " Date Starts : March 16 2023
