Chapter 5 : Words of Confusion

13 1 0
                                        

CHAPTER 5 : WORDS OF CONFUSION

Nate's POV

I slowly went down the stairs while looking at Mama who was busy fixing her face. Nasa line of 40's na si Mama pero hindi halata sa itsura niya dahil marahil ay marunong mag-ayos si Mama kaya mukha pa rin siyang bata kung titingnan.

"Tanghali ka na naman gumising Nathaniel! Hindi porket sabado ngayon ay tatanghaliin ka ng gising. Ang ibang tao gumagawa na ng pera ikaw nakahilata pa kung hindi pa kita pinagising kay Manang hindi ka pa babangon. Paano ka matututo niyan sa realidad kung ganyan ka kumilos. Ngayon pa lang sanayin mo na ang sarili mo, kami ng ama mo hindi pa sumisikat ang araw gising na." Ang walang prenong sabi ni Mama habang naglalagay ng hikaw sa kanyang tenga.

Naupo naman ako sa may mesa para mag-almusal.

"Napakaswerte niyo dahil gigising ka ng may makakain samantalang ang ibang kabataan diyan ni walang almusal at trabaho ang inuuna. Ikaw, aywan ko ba!"

"Ma tama na. Para naman kayong alarm clock." Ang nayayamot kung sabi. Hindi ko rin maintindihan si Mama, bibihira na nga lang kami kung magtagpo sa bahay kung ano ano pang mga sinasabi.

"Ito ang gatas mo iho." Ang saad ni Manang marahil ay iniiwas niya lang ako kay Mama.

"Lahat ng sinasabi ko ay para rin naman sayo. Maiintindihan mo din kami ng Papa mo balang araw." Tiningnan ako ni Mama ng matagal na para bang ngayon lang ako nakita. "Hay naku Nathaniel." Saka niya iniwas ang tingin sa akin at binalik ang tingin sa harap ng salamin. "Sa nga pala, ihatid mo 'tong mga documents sa Papa mo at kakailanganin niya raw ito."

"Hindi pa ba umuuwi si Papa?" Ang walang gana kong tanong.

"Marami siyang kailangang ayusin sa hacienda, marami ang kailangan anihin ngayon. Alam mo naman ang Papa mo masyadong hands on sa mga productong iluluwas sa buong bansa."

Napailing na lamang ako dahil hindi ko lubusang maintindihan kung bakit sila nagtatrabaho ng nagtatrabaho kahit na may edad na sila. In fact, we have trustees who can manage, but Papa is too focused on everything. Mama, on the other hand, never stops volunteering at church events even though she gets nothing in return for her service.

Napabuntong hininga na lamang ako ng umalis si Mama. I just didn't pay attention to her leaving because I'm used to them not being home all the time. As soon as we step into the right age, they seem to have forgotten their responsibility towards us. Mabuti pa si Kuya kahit anong gawin niya sa States, malaya niyang nagagawa samantalang ako.

Hays. Ayuko na lang magsalita.

Uminom ako ng gatas saka nag-umpisang kumain. Hindi rin ako makakain ng maayos dahil wala akong gana hindi katulad noon na sabay sabay kaming kumakain sa hapag, nagtatawanan at nagkukwentohan. Sana bata na lang ulit ako.

I called Manang because I was going to ask her to do something. Kailangan ko na din kasing kumilos dahil pupunta pa ako sa hacienda.

"Manang, pakipalitan naman ng puting kurtina ang mga bintana sa kwarto ko." Ang deretsong saad ko na siyang kinagulat niya naman.

"Totoo ba ang narinig ko?" Ang pabirong sabi ni Manang na nakangiting hinuhuli ako. Manang knew that I like dark rooms and I was not surprised when she asked me about it. I nodded in response and she said she would take the curtains that were in the empty room. "Nakakagulat ka naman iho, sa pagkakaalam ko ayaw na ayaw mong maliwanag ang loob ng kwarto mo."

"Manang naman. Nagpabili na rin ako kay Mang Ben ng ilaw."

"Nakakapanibago ka iho." Ang halatang naguguluhang saad ni Manang.

Loving PETERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon