Chapter 8 : Taste of Silence

9 1 0
                                        

Chapter 8 : Taste of Silence

Sa loob ng dalawang linggo ay naging abala ako sa mga rehearsal at practice para sa talent. Madalang na lang din ako umattend ng klase dahil exempted ako sa lahat ng subject kaya madalas hindi na kami nagkikita ni Peter o nagkakasama. Nakakapanibago sa totoo lang, nasanay na ako na lagi siyang kasama. May mga pagkakaton naman na sumama si Peter sa rehearsal para manuod at sumupurta sa akin. Aaminin ko, hindi ko mapigilan ang kiligin kahit sa simpleng bagay na ginagawa niya. Hindi ko maitatanggi iyon.

Napabuntong hininga ako ng malalim habang nakatingin sa kawalan, lagi kong iniisip si Peter. Nitong mga nakaraang araw ay lagi nasasangkot sa gulo si Peter dahilan para magkaroon siya ng record sa guidance. Lagi ko namang sinasabi sa kanya na kung maaari ay umiwas na lamang since graduating kami baka iyon pa ang maging dahilan upang hindi siya makagraduate.

Sa dalawang linggo na madalang kami magkita ay marami akong natuklasan sa ugali ni Peter. Madalas ay lagi siyang galit at iritable sa tuwing napupuna ko ang mga maling ginagawa niya. Mas mabuti pa raw na hayaan ko na lang siya. Sino ba daw ako para pagsabihan siya ng kung anong gusto niyang gawin. May mga pagkakaton naman na bumabalik ang Peter na kilala ko, masayahin, pilyo at mataas ang sense of humor.

Tumingin ako sa harap ng salamin at malayang pinagmamasdan ang aking sarili, suot ang kulay puting damit at short na kulay berde. Paulit-ulit akong tumingin sa harap ng salamin na tila ba ay hinahanap ko kung nasaan ang dumi sa aking mukha. Huminga pa ako upang masiguradong hindi mabaho ang hininga ko. Ngayon araw kasi ay birthday ni Peter at inimbitahan niya akong pumunta sa kanila. Hindi nga ako magkandarapa sa kung anong dapat kung gawin, anong dapat kung suotin. Napapailing na lamang ako dahil sa kakaibang nangyayare sa akin.

Ilang sandali pa ay umalis na din agad ako ng bahay. Tinanong pa ako ni Mama kung saan ako pupunta, akala ko papagalitan na naman niya ako. Sinabi ko sa kanya na pupunta ako sa kaibigan. Nagtaka pa nga ako ng ngumiti si Mama sa akin dahil sa sinabi ko.

"Mabuti naman at may mga kaibigan ka na. Binata na ang anak ko. Bakit hindi mo imbitahan ang mga kaibigan mo dito para naman sa ganon ay makilala ko." Ang pahayag ni Mama.

"Ma, kailan ka pa nagkaroon ng interes sa mga kaibigan ko?" Ang deretsong sabi ko saka ko kinuha ang bag ko na nasa sofa. "Alis na ko Ma."

"Mag-iingat ka anak. Huwag kang magpapagabi."

Napailing na lamang ako bago lumabas ng bahay. Hindi na ako bata para laging pagsabihan ng kung ano ang tama at hindi. Hindi na nila ako dapat pinaaalalahanan kung anong gusto kong gawin. Sinalubong ako ni Manang at inihatid sa may gate.

"Ingat ka iho." Saad ni Manang ngunit naging tikom lang ang bibig ko. Naiinis lang ako kay Mama, sobrang mapagpanggap.

"Oh, bakit ganyan ang itsura mo?" Ang saad ni Peter na nag-aantay sa labas ng bahay. Umiling lang ako saka sumakay sa motorsiklo niya. "Bakit?"

"Wala!" Ang disappointed kung sabi. Natahimik na lang si Peter at hindi nagpumilit na alamin kung bakit ako nagkakaganito. Nakaramdam naman ako ng guilt dahil sa ginawa ko. Mukhang ako pa yata ang sisira sa birthday ni Peter.

Tahimik lang ako habang nakasakay sa motor niya. Tahimik din siya na para bang pinakikiramdam ako hanggang sa itinigil niya ang pagpapatakbo ng motor. Tanging matataas na maisan ang nakikita ko sa paligid na ngayon ko lang napagmasdan. Sinabihan niya ako na bumaba ng motorsiklo at kaagad naman akong sumunod.

"Bakit? Bakit ka nagkakaganyan?" Ang tanong niya.

"Wala nga. Ang kulit mo."

"Hindi tayo aalis hanggat hindi mo sinasabi. Tingnan mo oh, bagay pa naman sayo ang suot mo. Sayang naman kung sisimangot ka lang. Sige na sabihin mo na."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving PETERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon