Chapter 2 : CALL ME NATE
Nate's POV
I stood in line at the canteen and ordered something to eat for my lunch. I'm too lazy to go home to eat at home, I won't catch anything there because I'm sure Mom and Dad won't be there. Si Manang lang ulit ang madadatnan ko kung sakaling umuwi ako. Pangatlong araw na ng klase, everything is okay pa naman. Usual scenario ng buhay estudyante.
Naupo ako sa pinakasulok na table at inilapag ang tray na may lamang pagkain. I looked up at Jess who was still at the counter until now. I invited her to eat with me and I will pay. Ayuko din namang kumain mag-isa dahil nahihiya akong maraming nakatingin sa akin. Kahit kailan talaga napakakupad niyang kumilos.
Inilapag ko ang aking bag sa kabilang upuan at inayos ang aking sarili. Dalawang oras pa ang kailangan kong hintayin bago matapos ang araw na ito.
"Pwedeng maki-join?" I looked up and was surprised to see him. Napakaaliwas ng kanyang mga tingin na ipinupukol sa akin dahilan para makaramdam naman ako ng kakaiba sa aking katawan.
Bago pa man ako makapagsalita ay naupo na siya agad at inilapag ang kanyang pagkain.
"Thank you ha." Saad niya saka binuksan ang mineral water na hawak niya. "Bakit hindi ka umuwi ngayon?"
"Ha? Ah, tinatamad ako." Ang medyo nahihiya ko pang tugon sa kanya. He smiled deeply so I easily looked away from him. I felt my cheeks suddenly warm because of his smiles. Bakit masyadong malakas ang appeal ni Peter!
"Alam mo bang gusto kitang makasabay kumain kaso umuuwi ka pala minsan."
"Bakit gusto mo akong makasabay kumain?" Ang tanong ko pa. Aaminin ko may tila kuryenteng dumaloy sa aking katawan dahil sa mga sinabi niya. Natutuwa ako dahil gusto niya akong makasabay kahit pa umiiwas ako sa kanya.
"Syempre! Gusto kitang maging kaibigan eh!" Ang pabiro niyang sabi sabay ngiti niya.
What is happening to me!? Every time he smiles at me, a strange emotion envelops my being. Nalilito ako kung bakit nakakaramdam ako ng ganito.
Niyaya niya akong kumain na, ngumiti lang ako ng bahagya bilang tugon. I was able to observe him freely while he was eating, napakasimple niyang tingnan pero bakit sobrang napaka attractive niya.
"Thank you nga pala ha. Pinakopya mo ko sa Math kanina. Medyo mahina talaga ang utak ko at hindi nakakasabay. Buti ka pa nga eh, ang talino mo, ang galing pa." Ang seryusong sabi niya.
Bakit ba kaysarap marinig mula sa kanya ang mga salitang binitawan niya. Tila isang musika sa aking pandinig ang matatamis na salitang sinabi niya.
"Anytime pwede kang kumopya sa akin." Ang buong tiwala kong sabi sa kanya na siyang kinagulat ko naman.
I am not the type of student who copies my answer instead I let them get the logic behind the answer. Ayukong lagi silang nakadepende sa akin. Kapag pinagbigyan ng isang beses, paulit-ulit na nilang gagawin. Pero si Peter, ako pa ang nag-insist na okay lang sa akin na kumopya siya.
"Kaya gusto kita eh." Ang nakangiting sabi niya.
"Huh?" Ang pagtataka kong sabi.
"I mean, gusto kitang maging kaibigan. Ano nga ulit ang pangalan mo? Na-tha----"
"Nate!" Bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay mabilis na akong nagsalita. "Call me Nate." Ang saad ko.
Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Napatingin pa ako sa kanya na para bang binabasa ko kung ano ang nasa isipan niya. I was ashamed to remember what I did to him when he met me, he extended his hand but I ignored it.
BINABASA MO ANG
Loving PETER
Romansa"There's nothing wrong with you. There's a lot wrong with the world you live in. " Date Starts : March 16 2023
