Chapter 20

86 4 0
                                    

Tag-ulan na naman, keep safe everyone!

Chapter 20

KASALUKUYAN siyang nasa ospital habang binabantayan si Telma na payapang natutulog sa hospital bed. Mabuti na lamang at nadala agad ito sa ospital dahil kung hindi, maaaring nawalan na ito ng buhay dahil sa natamong saksak nito sa tagiliran at hita na kagagawan ni James.

Samantalang si Thunder naman ay siyang nasa Police Station upang magbigay ng statement. Ito na raw ang bahalang mag-ayos tungkol sa nangyari lalo pa't abogado rin naman ito.

Sinabihan niya naman ito na magpagamot muna pero umayaw ito dahil hindi naman daw ito mamatay sa galos sa mukha nito. Wala naman siyang nagawa kundi ang tumalima na lamang sapagkat mukhang hindi niya talaga ito maaawat.

"Telma, ang ganda mo 'pag tulog pero mas maganda ka kapag gising," pabirong  ika niya sa dalagang walang malay.

"Pasensya ka na ha? Nadamay ka pa sa masalimuot kong lovelife," dagdag pa niya.

Pansamantalang wala siyang kasama sa kuwarto dahil umalis si Mang Agosto upang bumili ng kakainin nila.

"F-fury,"

Napamulagat siya nang marinig itong nagsalita. "Telma! Salamat naman at nagising ka na! Teka lang, tatawag ako ng nurse." Palabas na sana siya pero hinawakan nito ang isang kamay niya.

"H-huwag na, kuwentuhan muna tayo. Alam mo, ang dami kong nalaman tungkol kay sir at k-kay James." Iminulat na nito ang mga mata.

Naupo siya sa silyang nasa tabi nito. "Anong sinasabi mo?" Nagugulumihan niyang tanong.

"Hindi ko pa kayang ikuwento lahat, kaya 'yung kay sir na lang muna."

"Ano bang sinasabi mo?"

"Ang suwerte mo, sa dinami-rami ng babae sa mundo, sa 'yo nahulog si Sir."

Biglang hindi siya mapakali sa kaniyang inuupuan. "H-ha? Anong sinasabi mo? Nag-ha-hallucinate ka lang siguro."

Ayaw niya mang aminin sa sarili pero nakahahalata na rin nga siya sa lalaki. At saka kung may pagtingin man ito sa kanya,  baka hindi niya magawang suklian ang pagmamahal nito. . . lalo pa't katatapos lang ng relasyon niya sa yumaon niyang ex boyfriend. Aaminin niyang in peace siya 'pag kasama ang binata, pero hindi naman iyon sapat na dahilan upang suklian niya ang pagmamahal nito.

Napaisip siya, bakit ba iyon agad ang iniisip niya? Gayong hindi naman siya sigurado sa damdamin ng lalaki at maaaring nag-ha-hallucinate lamang talaga si Telma. Pagkumbinsi niya sa sarili.

"Hindi naman siguro nabagok ulo mo, ano?" pabiro niyang sabi rito.

Mahina itong tumawa. "Nasaksak ako, Fury. Hindi nabagok ang ulo."

"Magpahinga ka na lang kaya muna?" suhestyon niya.

"Ayoko. Teka nga, nasaan si tatay?" Nilinga-linga nito ang paligid.

"Lumabas sandali upang bumili ng pagkain. Matutuwa 'yon for sure kapag nakita ka niyang gising na," nakangiti niyang wika rito.

"Ah, balik tayo sa sinasabi ko. Alam mo bang sinabi ni Sir doon sa sumaksak sa 'kin na mahal ka niya? At sinabi niya na ang pagmamahal ay hindi nakakasakit, hindi nakakasakal."

Pilit siyang tumawa. "E-ewan ko sa 'yo! Kung anu-ano ang sinasabi mo."

"Totoo 'yon. Kahit hindi ko maimulat ang mga mata ko noong oras na iyon ay naririnig ko naman ang usapan nila. Sinabi pa nga ni Sir na — "

"I'm glad you're awake, Telma."

Kapwa sila napatingin ng babae sa may pintuan at nakitang nakatayo roon ang binata na may bondage na nakalagay sa kanang pisngi at ilong. Mukha rin itong pagod na pagod dahil nangingitim na ang ilalim ng mga mata nito.

Hear Me CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon