HB 02

50 15 37
                                    

"Anong mayroon sa silid na iyon?" tanong ko kay Arthur. Saglit niya itong pinagmasdan at sunod na bumaling ng tingin sa akin. "Iyan ang kwarto ni Lady Ruby. Sa pagkakaalam ko ay iyan din ang magiging kwarto mo," sagot nito at muling naglakad.


Sa totoo lamang ay maganda ang lokasyon ng kwartong iyon kaya higit itong nakaagaw sa aking pansin, hindi ko naman sukat akalain na iyon pala ang silid ni Ruby.


"P'wede ko bang malaman kung nasaan ang kwarto ni Eliseo o kaya nama'y kung nasaan siya ngayon?" tanong ko muli rito. Gusto ko lamang makilala ang aking magiging kapatid at mas mabuti kung makakausap ko siya ngayon kung bakante ang oras nito. "Nasa study room, gusto mo ba siyang puntahan?" Agad akong tumango at kasabay n'on ang paglalakad ni Arthur na sinundan ko na lamang.


May pagka-masungit rin itong si Arthur, ano? Sayang naman ang kanyang mukha kung susungitan niya ang mga taong nakapaligid sa kanya. Benta pa naman ang itsurang 'yan sa mga kababaihan, hindi ko nga lamang sigurado kung pati ang ugali nito'y bebenta rin.


Nang makarating kami sa isang silid, sinenyasan ako ni Arthur na kumatok nang sa gayon ay hindi ko biglang magambala ang pag-aaral ng aking magiging kapatid. Sa pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang batang lalaki na sa tingin ko'y nasa tatlong gulang pa lamang na tinuturuan ng guro nito kung paano magsagot ng matematika.


Nakaramdam ako ng hiya sa sarili dahil kung iisipin kahit simpleng matematika o kaya nama'y agham ay hindi ko napag-aralan kahit ngayong ako'y may kaedaran na. "Nakagagambala ba ako sa inyong pag-aaral?" tanong ko sa guro nito, ngunit hindi naman ako sinagot nito at sa halip ay binalingan ng tingin si Arthur at umalis na lamang.


"Eliseo, kumusta ka na?" Umupo ako sa harapan nito at napadapo ang tingin ko sa kanyang mga pinag-aaralan, at kahit isa sa mga nakasulat doon ay wala akong maintindihan. "Ruby?" patanong na tawag nito sa akin. Tumingin ako kay Arthur at sinenyasan ako nitong sumang-ayon na lamang ako sa bata. Hindi na rin siguro nito napansin na hindi ako ang kanyang kapatid dahil sa pagkakahawig namin at dagdag pa na bata pa lamang siya.


"Bakit, Eliseo? May problema ba?" Dahan-dahan itong umiling at yumuko. "Miss ka na ni mama, where have you been? She's been crying almost everyday since papa said that you left the villa for good." Napaawang ang aking labi sa kanyang inusal at tanging mapagpasensyang ngiti na lamang ang aking nagawa.


Paano ba naman kasi ako sasagot? Ni wala akong naintidihan sa sinambit niyang mga salita. Mama lang 'yung nakuha ko, ano na namang gagawin ko doon? Kailangan niya ba ng tyupon?


"Lord Jaeger, your sister is still tired from the long ride. I suggest to save your talk for tomorrow," singit ni Arthur sa aming usapan. Tumango na lamang si Eliseo at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Tumayo na ako sa aking kinauupuan dahil ramdam kong doon na nagtatapos ang aming usapan.


Nang makalabas ako ng kwarto, agad akong nagpakawala ng buntong hininga dahilan na rin upang matawa si Arthur. "Maalam ka palang ngumiti?" birong tanong ko rito na nagpatigil sa kanyang tawa at bumalik sa dating ekspresyon nito. "Oh bakit ka tumigil? Wala namang masama maging masaya minsan. Madalang lang 'yang maranasan ng isang tao." Nginitian ko ito at mahinang tinapik ang kaniyang balikat.


Tahimik kaming nagpatuloy sa paglalakad nang bigla niyang basagin ang katahimikan sa pagitan namin, "Gusto mo ba mag-aral?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa kanyang katanungan. "Bakit mo naman iyan naitanong?" Sumandal ito sa kalapit nitong pader atsaka ako tinignan, "May napansin lang ako kanina habang naroon ako sa silid at tinitignan  mo ang ginagawa ng iyong kapatid," sagot nito.

Her BladeWhere stories live. Discover now