HB 04

31 10 28
                                    

Trigger Warning: Violence, D3ath


"Ruby, you look so pretty even for an aspiring knight." Mama smiled as she traced my braids made by Lorea. "Mama, don't look at me like we're not going to see each other anymore. Babalik pa ako," I comforted her, just to reassure her. "When I get back, I'll help you host your tea party."


That's what Lady Abernathy always wished na lagi ko namang tinatanggihan because I'm not made to do such activities.


Bago ako sumakay sa karwahe, nilapitan ako ni Lorea at Isadora para abutan ng panyo, "You're not yet a knight, pero nawa'y gabayan ka ng mahabaging Zephyr sa iyong pagbabalik." Isa sila sa mga sumama sa paghatid sa 'kin, ngunit may hiwalay na karwahe ang mga ito. 


Each family of every knight, nobles and squires are here to send us off the battlefield. Maririnig mo ang iyak ng ilan at kanya-kanyang habilin ng mga ito sa kanilang mga mahal sa buhay. Pare-parehas naming alam na baka ito na ang huli naming pagkikita at hanggang may oras pa'y ninanamnam na ng mga ito ang oras ng isa't isa.


Tinignan ko ang aking pamilya na tahimik lamang akong pinagmamasdan. Ganyan sila ngunit mga nanggigilid na ang mga luha ng mga ito. "Babalik ako, huwag kayong mag-alala," pangako ko sa mga ito at isa-isa silang niyakap. Pati si Lorea at Isadora ay narito rin para makita ang aking pag-alis.


"Nawa'y gabayan kayo ng Panginoong Zephyr," dasal ng aking ina.


"Knights, Nobles, and Squires! Go to your respective line ups!"


The moment Commander Belzine announced that, we started departing from our families. "Ruby! Tatalunin kita sa laban natin pagdating mo!" rinig kong sigaw ni Eli habang patuloy lang akong naglalakad sa pwestong inatas sa 'kin. "You better be," bulong ko bago tuluyang magsara ang tarangkahan.


Sa aking paglalakad, naglandas ang tingin namin ni Kristov. "You promised me," I saw him mouthed. I squeezed my eyes shut as I walked straight to my designated area. "May pagpipilian pa ba ako?" bulong ko sa sarili.


"Aesira, huwag kang mamamatay ha?" Pabirong usal sa 'kin ni Kiel, dahilan para batukan ko ito. "Pasmado talaga minsan 'yang bibig mo, Kiel." Itinawa na lang namin ang aming pag-uusap na iyon hanggang sa sumeryoso ang atmospera. "We're gonna be knighted after this," aniya habang diretso ang tingin sa lupaing mabubuhusan ng pawis at dugo.


"Let's not die, shall we?"


Tumunog na ang senyas panlaban at sama-samang inusal ang aming mga pangako bago sumabak, "May our blood and loyalty be bestowed upon our beloved Einarian Empire." After that, you can hear the screams of the knights, nobles, and even squires as one as they charge towards the battlefield.


Sa unang mga sandali, nababasa ko na agad ang hindi magandang pagkakalinya ng Einarian Empire ngayong natatanaw ko na ang sa kabila. "Screw this," I gritted my teeth as I charged with my comrades. Seeing their stance and how proud their faces are, I can guarantee that the front lines of Aphelian Empire are all high-ranking knights.


In that situation, mauubos ang front line.


Her BladeWhere stories live. Discover now