Ilang araw akong naghintay na dumating ang araw na pag-alis namin ni Dion para pumunta sa kapitolyo. Naging maganda rin ang resulta ng pagresolba namin ni Nyx sa salon ng namayapang ina ni Dion kaya pare-parehas na kaming nakahinga nang maluwag.
Masigla ang pagkakagising ko at mabuti naman ay nandito na agad si Reina sa aking silid para ayusan ako. "Maganda ata ang timpla ng iyong gising," aniya't kumuha ng pampunas para tuyuin ang aking buhok. "Hindi lang maganda, Reina. Sobrang ganda," pagtatama ko rito dahilan para mapatawa ito.
"Sa bagay, sino ba namang hindi matutuwa at masasabik kung ang kasama mong mamasyal ay ang duke?" pang-aasar nito sa 'kin ngunit hindi ko na lamang ito pinatulan.
Ilang araw na rin kasi niya akong inaasar kay Dion na kesyo palihim ko raw itong tinitignan o kaya naman bigla na lamang akong nangiti nang hindi ko namamalayan. I won't deny that I noticed myself doing that sometimes but her accusations are sometimes unbelievable.
"Kasama naman namin kayo ni Sir Locket. Ayaw mo no'n? Itanong ko kaya kay Sir Locket kung may nobya siya?" asar ko sa kanya. Sinuklay naman nito ang aking buhok habang ako naman ay tinitignan ang reaksyon nito sa pang-aasar ko. "Kahit anong tingin mo pa sa mukha ko ay wala kang makikitang reaksyon mula sa 'kin," matawa-tawang usal nito habang diretso lamang siya sa kanyang ginagawang pagsusuklay sa 'king buhok.
Mukha kasing bagay sila kung pagsasamahin mo kaso parang ayaw naman ata ni Reina. Baka naman may kasintahan na 'to?
"Nakita mo ba si Sir Locket, Reina? Ano bang ayaw mo sa kanya? Matipuno, matangkad, mabait, magalang. Kulang nga lang sa reaksyon minsan. Based on what I heard, Sir Locket is one of the knights here in our duchy na madalas pagkaguluhan ng kababaihan," pagpupumilit ko rito. Tumigil naman ito sa pagsusuklay at tinignan ako mula sa salamin.
"Ikaw ba? Hindi mo ba nakita ang duke? Bakit ba ayaw mong umamin sa kanya?"
Natahimik naman ako sa tinanong nito sa 'kin at sinamaan ko na lamang ito ng tingin habang hinihintay siyang matapos sa kanyang ginagawa sa aking buhok. "Oh? Natahimik ka d'yan, ano?"
Two weeks have already passed since Dion confessed. And up until now, I still don't know how to respond. He's not afraid to gamble what he has, but what about me?
Will I be brave enough to gamble what I have in exchange for something uncertain?
"Ayos na ba ang mga susuotin mo o gusto mong ako pa ang pumili?" tanong sa 'kin ni Reina habang tinitignan ang mga damit sa aking aparador. "Get me a nice victorian blouse, navy blue high-waisted pants and black boots," usap ko sa kanya kaya isa-isa niyang inilabas ang mga damit na aking nabanggit mula sa aking aparador. Sandali niya itong pinagmasdan at tila nagugulumihanan itong tumingin sa 'kin. "Hindi ka magsusuot ng coat?"
"No? Mainit sa labas kaya ayaw kong magsuot ng maiinit na damit ngayong araw," sagot ko rito habang isinusuot ang mga damit na inilabas ni Reina. "Kaya mo na ba 'yan? Aayusin ko pa ang iba mong gamit dahil tatlong araw tayong nasa kapitolyo para ipagdiwang ang pista. Hindi p'wedeng kulang ang gamit mo." Tumango na lamang ako habang isa-isang isinusuot ang mga damit na iniabot sa 'kin.
YOU ARE READING
Her Blade
RomanceAPHELIAN SERIES #1 From slums to nobility, from hunger to leisure. That's what Aesira experienced after Abernathy came to her life. The support. The affection. The life itself. She always wished to be a knight and serve honor to her country and se...