Eili's
Finally, after 15 hours of duty ay nakauwi na rin ako sa apartment. Time is 45 minutues past 10:00H at sigurado akong nasa office na yung housemate ko.
Tumunog yung phone ko, si Isabel nag-text.
"Have you met?"
"No chance yet, I've work."
At tuluyan nang tumawag si Isa.
"San ka galing?"
"I just got home from Dubai."
"I see."
"Ha?"
"Kaya pala wala yung auto mo dyan kagabi. Pero kanino yung Altis?"
Napakunot yung noo ko.
"Nandito ka kagabi?"
"Oo, hinatid ko si Kaya. We are now colleagues, in case you forget."
Napahilot ako sa sentido. Oo nga pala, si Ingrid yung nagpasok kay Kaya sa company kung saan nagta-trabaho si Isabel.
"Baka auto niya? Alam ko nag-drive yan papunta rito from Laguna."
"Okay, but please, you two need to talk, E."
"I know."
"Gotta go now, I've work and you rest."
"Thank, Isa. Bye."
Pinuntahan ko yung fridge kung saan ako nag-iwan ng note pero wala siyang sagot doon.
"Kaya, Kaya. When are we going to meet? I missed you so much."
Kausap ko sa sarili ko. Nag-ayos na ako at natulog. May two legs flight ako bukas ng hapon tapos off ko na. Sana makausap ko na si Kaya.
Nagising ako sa alarm ko.
Thirty minutes past 6PM na at ang alam kong out nila Isabel ay 5PM, sigurado akong nandito na si Kaya sa apartment. Tumayo ako at nag-ayos bago lumabas ng cuarto ko.
Kung minamalas ka nga naman, saktong palabas si Kaya bago ko pa matawag yung pangalan niya.
Goodness gracious! Kailan kaya ulit kami magkikita nito?
Inis na tinawagan ko si Isabel.
"Hey dear bessy, want to join us? We are having a few drinks, treat ni Kaya kasi first sahod niya."
Naririnig ko yung ingay sa likod niya, EDM music. Malamang nasa bar siya at hinihintay yung mga kasama nito, isa na si Kaya doon.
"Pass, Isa. I've work tomorrow baka next time na lang."
She scoffed.
"Two bottles lang, Eili. Do not be a wussy, come here na! What time's your flight ba?"
Napahilot ako sa sentido sa pamimilit nitong si Isabel.
"I really can't, babawi ako next time, I promise."
Pangako ko na lang sa kanya.
"If you say so, anong oras nga flight mo? Papahatid ka ba?"
"Yes, I need a ride tomorrow. Be here by 10AM and please do not be late, Isa. Baka maulit na naman yung last time na ako na lang yung hinihintay ng flight deck crew, nakakasira ka ng records eh."
Natawa naman ang gaga kong kaibigan sa kabilang linya.
"Not my fault na traffic dito sa city. But sure, be there before 10AM."
She is about to hang-up the call but I stopped her.
"Si Kaya, ihahatid mo ba?"
"Hindi! May dala siyang sasakyan and you know that K is not a drinker. Mas santa pa yun kay Maria Clara, um-order na nga ako ng sangria for her."
Napakunot yung noo."Eh alak yan, wine?"
Tumawa na naman si Isa.
"It contains very low ABV, pustahan tayo two glasses lang ayaw niya na. She'll get home safe and sound, don't worry."
"Hanggang anong oras ba kayo dyan? Wala ba kayong pasok bukas?"
Hindi agad nakasagot si Isabel sa tanong ko dahil dumating na yung order nilang mga alak at pulutan.
"Hey Sabado bukas Friday ngayon kaya nga kami lumabas. Sige na Elli, matulog ka na lang kung ayaw mong sumunod dito. Sweet dreams!"
Sagot ni Isa sabay baba ng tawag. Pambihira talaga, kapag alak ang usapan hindi magpapaiwan itong kaibigan ko.
Umakyat na lang ulit ako sa cuarto pagkatapos kong kumain ng dinner at mag-prepare ng overnight oats na kakainin ko bukas ng umaga.
Lumipas ang ilang na nakahiga lang ako at nagpapa-antok. Balak ko sanang hintayin si Kaya pero alas dose na at wala pa siya. Hindi naman ako pwedeng magpuyat dahil may duty pa ako bukas.
Better luck next time, Eili.
Nagising ako sa alarm ko, 8AM na. Naligo agad ako at nag-prepare.
Tapos na akong mag-make-up nang maalala kong nasa locker ko nga pala sa office nga pala yung uniform ko at napamura ako ng mahina.
Paano ba naman kasi, labahan lahat ng uniforms ko dahil mamaya pa lang pag-uwi ko balak labhan yun. May extra akong uniforms sa hand carry baggage ko pero ayokong galawin yun at hindi pwedeng wala akong dala na extra uniform.
Agad kong kinuha ang cell phone ko at tinawagan si Isa.
Putragis.
Nakaka-tatlong missed calls na ako pero hindi pa rin sumasagot si Isa. Magbu-book na sana ako ng cab nang biglang tumawag si Isa.
"Goodness, may balak ka bang sunduin ako o wala?"
Naiinis kong bungad.
I heard her groaned, mukhang may hangover ata.
"Sorry dear, my head hurst as fudge. Parang binibiyak, I can't drive you E, sorry talaga. Yung friend ko papunta dyan, siya na lang."
Naawa ako sa babaeng ito kahit papano, mahal ko pa rin naman tong gaga kong best friend kahit na lasengga.
"Okay, okay. Please drink a pain reliever and lots of water. Go back to sleep, Isa."
Tila nakahinga naman ng maluwag si Isa sa kabilang linya.
"Thank, E. Safe skies, love you."
At binaba niya na yung tawag.
Bumaba na ako sa may living room at kinuha yung maleta ko. Dire-diretso na ko palabas at saktong may huminto sa tapat ng bahay. Ito na siguro yung friend ni Isabel.
Nag-text si Isa at nandito na raw yung sundo ko. Binuksan ko yung comparment sa likod at sumakay na sa may shot gun, baka magreklamo pa yung kaibigan ni Isa at sabihin ay ginawa ko siyang driver.
Binuksan ko yung pinto at laking gulat ko nang makita kung sino yung driver.
"Wilkins."
"Eili."
Sabay naming sabi ni Kaya Wilkins, yung the one that got away ko.
💜
![](https://img.wattpad.com/cover/278178399-288-k761480.jpg)
BINABASA MO ANG
E L E C T R I C I T Y
Short StoryEven if I could I would not turn on you I would stop the world for you, you know I want to let you know I will never let this feeling go This love has no ceiling I cannot deny