Kaya's
Hindi na ako nakauwi ng apartment kagabi dahil inuwi ko si Isabel sa condo na tinutuluyan niya. Lasing na lasing at walang dalang sasakyan, kaya pala malakas ang loob magpakalango sa alak.
Pasado alas dos na ng umaga nang makarating kami sa condo niya. Kasama namin yung iba niyang college friends, akala ko kasama rin sa kanila yung taong gusto kong hanapin pero wala raw, busy.
Sakto naman at nahimasmasan si Isabel pag-uwi namin sa condo niya at dun niya na ein ako pinatulog. Ang bait na sana pero sa lapag daw ako matulog dahil queen size bed lang ang meron siya at ayaw niya ng katabi. Hindi na ako umarte dahil pagod na rin ako.
Nauna akong nagising sa kanya kaya naisipan kong magluto ng breakfast pero walang laman ang ref niya maliban sa itlog at ilang karton ng fresh milk. May laman naman yung pantry cabinet niya pero hindi ko na lang ako nangialam kahit na sinabi niya kanina bago matulog na feel at home. Kumuha na lang ako ng gatas at nag-scroll sa phone ko.
9:30 nang magising si Isabel dahil may tumawag sa kanya. Yung kaibigan daw niya nagpapasundo pero dahil may hangover si Isabel ay pinaki-usapan ako nitong sunduin na lang yung kaibigan niya. Dun daw maghihintay sa bahay kung saan ako tumutuloy.
Baka kaya siguro siya tanong nang tanong noon kung doon nga ako nakatira dahil yung kaibigan niya ay taga roon din?
Malapit lang naman yung condo ni Isabel sa apartment na tinutuluyan ko pero binilinan niya muna ako na bumili ng kape sa isang sikat na coffeeshop sa baba ng unit niya paranibigay daw doon sa kaibigan niya bilang peace offering niya raw.
Isang iced caramel macchiato na medium, vanilla syrup is replaced by raspberry syrup ang in-order ko dahil yan daw nag gusto nung kaibigan niya.
Well, I know someone who loves iced coffee.
Naalala ko na naman.
Pagka-order ng kape ay umalis na rin ako kaagad. Bumili lang ako ng isang roasted vegetable frittata at green tea dahil hindi naman ako mahilig sa kape.
Malapit na ako sa bahay nang tumawag si Isa. Pinarada ko muna sa tapat yung bahay bago sagutin ito at may nakita akong babae na nag-aabang pero nakatalikod sa akin. Binusinahan ko ito nakita kong umikot siya sa likod para ilagay yung mga gamit niya.
"Oo Isabel, nandito na ko. Nilalagay niya lang yung maleta niya sa likod."
"Thank you Kaya, I owe you one pero mukhang hindi na ata haha ingat kayo!"
Sabi niya ay napakunot ako ng noo pero binaba niya na yung tawag bago pa ako makasagot. Bumukas yung pinto ng passenger's side at nagulat ako nang makita yung taong gustong-gusto kong makita.
"Eili."
Tahimik na sumakay si Eili at sinimulan ko na ulit magmaneho.
"S-saan kita hatid?"
Mahina kong sabi.
Nakita ko sa peripheral view ko na lumingon siya sa akin pero naka-focus lang ako sa daan.
Pucha, ang ganda ng pasahero ko nanginig bigla yung kamay ko.
"Sa may inflight center lang. Anong ETA? Kaya ba na 10:30 nandun na tayo?"
Tumingin ako sa wrist watch ko at nakita kong five minutes past ten am na.
"Oo."
Maikli kong sagot at narinig kong nagpasalamat siya.
"Is this for me?"
Tanong niya sa akin sabay turo doon sa iced coffee na nasa cup holder.
"Ah oo, pinabili ni Isabel for you."
BINABASA MO ANG
E L E C T R I C I T Y
Historia CortaEven if I could I would not turn on you I would stop the world for you, you know I want to let you know I will never let this feeling go This love has no ceiling I cannot deny