Kaya's
I woke up extra early today because this is my first day of work.
I got a job in one of the leading banks in the country as a Business Development and Marketing Manager.
Nag-ayos na ako at bumaba na para mag breakfast. Kakainin ko na lang yung ginawa kong overnight oats kagabi.
Pagkatapat ko sa fridge ay nakita ko yung note na iniwan ko kagabi. Kung anong ini-ingay ng housemate ko kapag nagsasara ng pinto, yun namang ikinatipid niya sa reply sa akin.
Noted.
Nainis ako ng bahagya pero sana lang ay makipag-cooperate siya sa akin. Ayoko ng gulo.
Niligpit ko na yung pinagkainan ko at lumabas na. Halos thirty minutes yung drive papunta doon sa office kung saan ako magta-trabaho at medyo malapit na ito sa airport.
Winelcome ako ng isang HR Staff at itinuro na sa magiging cuarto ko. Pagkatapos ay pinakilala ako sa mga sales manager at isang mukha ang nakilala ko. Kasabay niyon ay ang muling pagbabalik ng mga ala-ala ng kahapon.
"Miss Kaya this is Miss Isabel, one of the sales manager here at Banco de Ciudad."
Imbes na makipag-handshake ay niyakap ako nito.
"I missed you baby girl. Kamusta?"
I felt awkward and looked around but they seemed that they do not mind. Parang nabasa naman ni Isabel yung nasa isip ko.
"We know each other, college days. Friends kami nito ni Kaya."
Paliwanag nito sa HR staff.
"Sabay tayong mag-lunch later ha, my treat."
Sabi nito sa akin at kami ay bumalik na sa kanya-kanyang opisina.
Hindi ko namalayan na lunch break na pala kung hindi kumatok si Isabel.
"Hey busy bee, let's eat. Mamaya na yan."
Aya nito sa akin habang nakangiti.
She still has this smile that will convince you to just go with her.
"How are you, Kaya? It has been two years, hindi ka nagparamdam. Okay ka lang ba?"
Tanong agad nito sa akin pagkaupong-pagka-upo ko sa table namin.
"Wow, hot seat agad, Isabel. Can't we eat first?"
Lumapit yung waiter sa amin upang ibigay yung menu pero hindi niya na iyon tinanggap.
"The usual set for two. Thanks."
"So anong nangyari sayo? Hindi ka nagparamdam sa amin. Wala rin kaming balita sa iyo bukod sa tikom yung bibig ng best friend mong si Ingrid kung nasaan ka. Halos mabaliw yung best friend ko kahahanap sa iyo noon pero ayaw mong magpahanap."
Dire-diretsong sabi nito.
"You know what? I do not owe you an explanation. Mali ata na sumama ako rito sa iyo ngayong lunch."
Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Sorry. It's just that I want to hear what happened to you. I am also worried, you are my friend. But what pains me more was seeing my best friend clueless and hurt."
Tinignan lang ako nito pero nag-iwas ako ng tingin kaya tumikhim siya.
"Anyway, you may not answer that if you are not comfortable. Okay lang naman. We have a lot of time to catch up now since we work in the same company."
Dumating na yung orders niya at tahimik kaming kumain. Medyo naiilang ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin pero hindi ko na lang pinansin at pinagtuunan ng pansin yung pagkain.
BINABASA MO ANG
E L E C T R I C I T Y
Short StoryEven if I could I would not turn on you I would stop the world for you, you know I want to let you know I will never let this feeling go This love has no ceiling I cannot deny