VI

9 1 0
                                    

Eili's

After my two legs flight ay tinawagan ko agad si Isa dahil ginulat niya talaga ako kaninang umaga. Hindi lang agad ako nakapag-text sa kanya dahil male-late na ako.

"Isa, how could you! Why didn't you tell me that Kaya was picking me up earlier?!"

Sigaw ko agad dito at sinagot naman ako nito ng isang malakas na tawa.

"Hangover bessy, okay lang yan. Anong balita sa inyong dalawa?"

I scoffed.

"Wala. Baka mag-usap kami mamayang pag-uwi ko."

"Teka, kailangan mo ng sundo?"

"Hindi na, nadala na rito sa office yung auto, hinatid na ng staff ng casa."

Sagot ko rito bago in-start yung auto.

"Alrighty, drive safe, E. Off mo bukas di ba?"

I checked the date and it's the 18th of the month. Off ko nga, three days staight.

"Yes."

"Buti naman! Labas tayo kahit dinner lang, with our college buddies. Tomorrow night after work at the mall near our office. You cannot say no to this, Eili. Magagalit na talaga ako."

"Oo na lang."

Sabi ko at binabaan ko na ito ng tawag. Pumunta ako sa admin's office para kunin yung susi ng auto pero uminit ng bahagya yung ulo ko dahil wala doon yung susi, wala pa raw hinahatid na sasakyan.

Agad kong kinuha yung phone ko para tawagan yung casa pero sabi nila ay nag-text daw sila sa akin two days ago pa na sa makalawa pa mare-release yung sasakyan ko. Agad kong tinignan yung inbox ko at may text message nga doon muna sa kanila.

Nakakainis, hindi kasi ako nagbabasa ng text messages kaya ang daming unread messages dito.

Inis na umalis ako sa admin's office nang makasalubong ko si Juliana Lopez, kapwa ko FA na naging ka-close ko na dahil ilang beses na rin kaming naging magkalipad nito, na sobrang bihira sa trabahong ito.

"Pauwi ka na, Ei?"

Tumango ko at nilampasan ito. Hindi ko napansin na nakasunod pala siya.

"Howdy, Ei? Grumpy mo, sabay ka na sa akin pauwi?"

Nakangiting humarap ako sa kanya at tumango. Natawa naman ito at sabay na kaming pumunta ng parking.

"San ka galing?"

Tanong ko rito habang nagmamaneho siya. Alam niya kung saan ako nakatira at kahit na medyo out of way ang Parañaque sa Quezon City ay hinatid ako nito.

"LAX, ikaw ba? Dami bang pax kaya ka nakabungasot kanina?"

Tanong nito at bahagyang tinapunan ako ng tingin.

"Guam lang, turnaround. Kainis kasi yung auto ko kala ko madadala ng casa ngayon sa office, di pa raw ayos."

"Buti na lang nakita kita kanina."

"True, thanks so much Jules. Appreciate it."

Sagot ko rito at nginitian.

Makalipas ang halos thirty minutes ay nakarating na kami sa apartment. Napansin ko yung sasakyan ni Kaya, linggo ngayon at baka hindi siya umalis ngayon.

"Salamat, Jules. Ingat pauwi."

Sumaludo ito sa akin at umalis na. Hinahanap ko yung susi sa hand bag ko para sana buksan ang pinto pero bumukas na ito.

Si Kaya.

Binuksan niya ang pinto para makapasok ako at kinuha nito ang maletang dala ko.

Nginitian ko naman ito at nagpasalamat. Paakyat na sana ako pero tinawag niya ako.

E L E C T R I C I T YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon