Kaya's
Naiilang ako.
Paano ba namang hindi, lahat ng mata sa table kung nasaan kami ngayon ay sa akin nakatingin.
Nandito kami ngayon sa isang Japanese restaurant sa Parañaque kasama yung college small set of friends namin. Yung set of friends ko at set of friends ni Eili, close rin kami nitong barkada niya.
"Ano bang problema nyo? Na-miss nyo ba ko ng malala kaya ganyan kayo makatingin?"
Inis na tanong ko sa kanila. Walo kasi kami lahat sa table, ako, sila Eili, Ingrid, Isabela, Kaye, Jana, Rey, Kevin at Olive.
"Bakla, kayo ba?"
Tanong ni Rey pero Reyrey ang tawag namin sa kanya. Batch mate ni Eili nung college at isa na ring flight steward sa ibang airline nga lang.
"Wala ngang kami, bakit ba ang kulit nyo?"
Uminom na lang ako ng iced tea sabay baling sa phone ko.
"Harboe baby!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.
Harboe baby, really? Sino naman tong babaeng to? Fling ni Eili?
"Morena, matangkad, pang-beauty queen pak, mga tipo ni Eili."
Sabi ni Kevin.
"Bakla, lahat naman tipo nun basta tipo siya."
Segunda ni Isabel.
"So true mars!"
Tili ni Reyrey.
Nakita kong masayang lumapit yung tumawag na babae kay Eili sabay yakap dito. Ito namang si Eili tuwang-tuwa.
"Mga ka-batch ni Ei yan sa work kaya magaganda rin. Mahahalata mong FAs pa rin kahit hindi naka-uniform based doon sa tindig at itsura."
Sang-ayon ako doon sa sinabi ni Isabel. Naramdaman kong may tumapik sa akin at nakita ko ang concern na tingin ni Ingrid.
"Hindi ka okay. Nag-usap na ba kayo?"
Bilib talaga ako sa best friend ko, alam niya kung kailan ako okay at hindi.
"Kagabi, okay naman kami."
Sagot ko rito at uminom ng beer. Tumingin ako sa gawi nila Eili at ng mga katrabaho nito na mukhang seryoso ang usapan.
Pero nagulat ako nang biglang halikan ng isang babae si Eili sa labi at umalis na.
Dimwit, ako lang dapat humahalik dyan!
Bumalik sa table namin si Eili na good mood. Tumingin ito sa akin at nginitian ako.
Yung mga ngiti niyang yan yung nagpabaliw sa akin noon. Ewan ko, may something lang sa ngiti ng mga tao na maaring tunawin o wasakin ka.
"What did I miss?"
Tanong nito sabay inom ng beer at hinawakan yung kamay ko sa ilalim ng table, nilalaro niya yung mga daliri ko habang nakikinig sa usapan ng mga kaibigan namin. Paminsan-minsan din siyang sumasali sa usapan nila.
"Hoy Eili, kayo na ba nitong si bakla?"
Tanong ni Reyrey kay Eili kaya lahat ng mata ay nasa amin na naman.
"Kailangan pa ba nun?"
Tumaas yung kilay ko sa sagot nitong babaeng to. Maha-highblood ata ako ng wala sa oras.
"Waley kayong label bakla? Mahirap yan mga sis."
Sabi ni Kevin na sinang-ayunan naman ng lahat.
"Ligawan mo ko, Ei."
Bigla kong sabi na ikinaubo nitong si Eili.
"Hoy Harboe, yang mukha mo ha gulat na hulat? Ano marami ka bang side chicks dyan na hindi mo ma-let go para si Kaya lang yung main chick mo?"
Napakunot yung noo ni Eili sa sinabi ni Reyrey.
"Akala mo hindi ko alam yung flings mo sa iba mong kalipad ha, maharot ka pa rin, E."
Naiiling-iling na sabi ni Reyrey.
"Bakla ka dati pa yun! Seryoso na ko ngayon, two years kong hinintay dumating tong katabi, ayokong itapon na lang."
Sagot ni Eili sabay hawak sa kamay ko.
"Eh sino yung humalik sayo kanina?"
Tanong ko rito.
"Selos ka?"
Aba't gaga talaga tong babaeng to.
"Hindi kaya ako pumayag na magpaligaw sayo?"
Naiinis kong sagot dito at napasimangot naman.
"Ex fling mo?"
Tanong ko.
"Hindi. Close ko lang talaga yang si Juliana, lasing na kaya nanghahalik."
"Wait Juliana Lopez ba yan?"
Biglang tanong ni Kevin.
"Oo, bat mo kilala?"
Kevin and I work in the same company, ako nasa Inflight Service Department habang siya ay nasa Marketing Department naman.
"Na-chika lang sa akin nung friend ko sa crew scheduler naka-ilang bid daw yan this month papuntang Palawan."
Napakunot yung noo ko. Anong gagawin nun sa Palawan?
"Eh diba kayong mga crew once a month isang bid lang pwede?"
Tanong nito na sinang-ayunan ko naman.
"Hayaan na natin si Jules, malaki na siya."
"Mahal mo ba?"
Biglang tanong ni Kaya.
"Ikaw oo, ako mahal mo rin ba?"
Inirapan lang ako nito at nakakuha kami ng pang-aasar sa mga kaibigan namin.
"Landi nyo, sana all may jowa!"
Sabi ni Ingrid.
"Hindi kami!"
Sigaw ni Kaya.
"Leche, dun na rin papunta yon!"
Bawi uit ni Ingrid.
"Tayo na lang kasi agad, magpapaligaw ka pa eh dun nga rin papunta yon."
Kamot ulo kong sabi.
"Edi wag kung ayaw mo. May mga nanliligaw naman sa aking iba, sila na lang bibigyan ko ng chance."
"Ano?!"
Gulat na tanong ko pero hinawakan agad ni Kaya yung mukha ko para kalmahin ako.
"Kidding, Ei. I'm yours already, shut up and kiss me now."
Nagulat ako sa sinabi ni Kaya.
Hindi pa nga ako nakakabawi nang maramdaman ko ang malambot biyang labi sa labi ko.
💜

BINABASA MO ANG
E L E C T R I C I T Y
Kısa HikayeEven if I could I would not turn on you I would stop the world for you, you know I want to let you know I will never let this feeling go This love has no ceiling I cannot deny