Rupok

0 0 0
                                    

| •

×

   Sabi ko noon, huwag mo 'kong hahawakan.
   H'wag mong sasabihin kung mahal mo na naman.
H'wag mong aaminin ang 'yong nararamdaman.
   H'wag mong hayaang mahulog ka na naman.

  Dahil sinasabi ko sa'yo, kapag inamin mong mahal mo ako.
babalik at babalik tayo sa kung ano tayo noon.
   Mamahalin ulit natin ang isa't isa.
magpapakabaliw sa lambing ng bawat isa.

   Natatakot akong maulit ulit sa umpisa.
kasi baka matapos na naman na ako lang mag-isa.
   Handa kasi akong tanggapin ka ng paulit-ulit.
kahit nauulit lang din naman sa puso ko 'yung sakit.

   Magtatanga-tangahan na naman ako.
Maniniwala sa mga salita mo.
    Makakalimutan ang nakaraan.
Babalik na naman sa katangahan.

Pero nagmamahal lang naman talaga ako
kahit palagi nalang ginagago.

Pinag Sama samang Tugma ( Tipa ng Dyosa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon