Pagmamahal Ko, Ngayong Pasko

63 0 0
                                    

  Nakapako na naman sa tv aking tingin

Inaabangan pag tatapos para countdown na ay sabihin,

Malapit na naman ang pasko

Ilan kayang regalo matatanggap ko?

Maging mabuti sa kapwa at maging mabait

Upang regalo mula sa Diyos ay makamit

Regalong ipapaabot nya sa kanyang alagad

Na hindi mo mararamdaman pag 'sya ay naglakad

Mataba't malaki ang hubog ng katawan

Santa Claus nga ang kanyang ngalan

May bitbit na sako,laman ay regalo

Na ipag kakait sa matitigas ang ulo .

Ang gaya kong isa lamang paslit

Nasasabik na pasko na ay sumapit

Masiglang aawit kapag nangaroling

Habang may kinakalampag na tansang ginawang tamboring

Sa kaunting baryang kanilang iaabot

Ngiti ng gaya ko sa langit na ay aabot

Masayang magbibilang,ng baryang naipon

At agad kong ilalagay sa itinatabing garapon

Sa mismong araw nga nitong pasko

Isusuot ko na mga bagong damit ko

Maagang gigising sa araw na ito

Para makapag simba pa kasama si Tito.

Sabi pa nga nya araw ito ng pagbibigayan

Na may kasamang pagmamahalan .

Kaya pala si ninong at si ninang

Sa kanilang bahay ay nag aabang

Magmamano agad ako Gaya ng kinasanayan ko

Hahalik sa pisngi,kasunod ay aginaldo

Itatago kong muli sa bulsa ng aking sando.

Pag tapos nitong araw

Masigla akong dadalaw

Sa kay amang puntod

Ako agad ay luluhod

Bitbit ko'y pumpon ng mga bulaklak

Inipon ko ng patak-patak

Mga napamaskuhan ko't napangarolingan

Bulaklak para kay ama ang pinag ipunan

Pang ilang pasko ko na nga ba sya 'di nakakapiling

Ilang taon na nga ba sya dyan nakalibing

Hindi ko na matandaan,ito ata'y akin ng nakalimutan

Pero ang mag dala ng handog sa kanya'y hindi ko nakaligtaan

Sumapit na naman ang paskong may kalungkutan

Kailan naman kaya ang paskong may kaligayahan

Kailan ako babalikan ni Inay?Na nag tatrabaho sa malayo,kaya nawalay

Ilang pasko pa ba ang papalipasin

Na wala kayong dalawa sa akin ?

Alam ko namang di na tayo mabubuo

Pagkat mangyari ito ay malabo

Nasa langit na nga si ama

At ang panginoon na ang kasama

Si ina naman ay malayo din

Nag papakahirap para sa'kin

Ngayon na nga ang hiling ko

Sa bagong taon si Ina ay makapiling ko

Pagkat ayoko ng umiyak pa pag dating ng putukan

Ang gusto ko naman ako at si ina ay magyakapan .

Kaya bago ko tapusin itong aking tula

Nais kong bitawan ang aking huling talata

Habang andyan pa ang iyong magulang

Mahalin mo sila at igalang

Mag pasalamat kayo dahil inyo silang kasama

Hindi tulad kong mag isang nagdadrama

Maligayang pasko .

Taos pusong bati ko.  

Pinag Sama samang Tugma ( Tipa ng Dyosa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon