Ombre

15 1 0
                                    


  MAPANG-akit nyang mga mata
Pag akin na ngang nakikita
Wari'y ako'y nakakalimot
Sa dating naramdamang poot.
-
Maging ang perpektong ilong nya,iyong pagmasdan
Hindi ba't nakakahalina kapag natititigan .
Labing parang laging nang aakit
Matatanaw mo hanggang sa iyong pagpikit.


  

  Kay kinis ng balat,
Tikman mo't anong alat.
Gwapo't perpekto sayong paningin
May bahong lihim na tinatago din.
-
Basta ang aking paalala ay pagka tandaan
Ang lalaking may ari ng ganyang kariktan
Masasaktan ka lang pag iyong hinawakan.
At ang puso mo'y mababasag na naman.


  

  H'wag kang paloloko sa kanyang anyo
Pagkat ang kapalit nyan ay muling siphayo.
Panlabas na itsura mabubura din ng panahon
Kaya wag sa kanya itutok ang atensyon.
-
Makisig na pangangatawan na kanyang pag aari.
Wag lalapatan kahit dulo ng sariling daliri.
Baka magsisi ka,kasalanan nya'y mahawaan
At ang kainosentihan mo dis oras mawakasan .


  Ipaubaya mo na sa iba ang OMBRE na iyan

Pagkat walang mabuti na idudulot ang tampalasan.
Pag pasensyahan mo na lang binibini
Kung ang aking ginawa taliwas sa iyong nais.
Ako ay may konting pait na may halong pakla
Sa mga kagaya nila.
-
Akin ngang pupuruhin
Kasunod ay wagas na lalaitin
Pagkat mahirap ng tiwala sa gaya nya'y ibigay
Matapos kang gamitin iiwan kang walang kamalay malay.
Na trauma na ako sa tulad nyang mapagbalat kayo.
Kaya paniniwala ko'y lalaking gwapo dulot lang ay Siphayo.
-



A/N:

What can you say Boring ba?

  

Pinag Sama samang Tugma ( Tipa ng Dyosa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon