Nagmahal ka lang

4 0 0
                                    


Nagmahal ka lang
—ChammiexXx

Nagmahal ka lang naman ng tapat,
Kahit na alam mong ito'y hindi nararapat.
Nagmahal ka lang sa maling tao,
Dahil akala mo, masosolo mo ang puso nito.

Nagmahal ka lang, kahit na alam mo.
Kahit na alam mong hindi nya kayang saluhin ang puso mo.
Nagmahal, nagmahal ng taong hindi malaya,
Nang taong sa'yo ay nagpapaligaya.

Alam kong ikaw lang naman ay nagmamahal.
Kahit alam mong talo, ikaw parin ay sumusugal.
Maipapanalo mo nga ba ang puso niya.
Kung alam mong hindi mo makukuha ang buong siya.

Alam kong nagmahal ka lang,
At alam mong may isang siya na humahadlang.
Siya—siya na alam mong mas mahal niya.
Hindi ba't naalala ka lang pag wala siya.

Lahat ng pagmamahal at pag-aaruga.
Ginawa mo na lahat ng pag-aalaga.
Na nauuwi lamang naman lahat sa wala,
Pagpapakatanga mo lamang ang lumalala.

Wala tayong magagawa,
Kahit magmukha ka ng kawawa.
Nagmahal ka lang naman.
'Yon nga lang sa taong may mahal naman.

Pinag Sama samang Tugma ( Tipa ng Dyosa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon