Selos

1 0 0
                                    

Selos
Ni Chammie

Bago sa aking pakiramdam,
Tahimik kong dinaramdam.
Nang makita kang kasama sya,
Luha sa mata ko'y nagbabadya.

Napailing ng paulit-ulit.
Anong tawag dito, bakit parang masakit.
Kumirot sa dibdib ko.
Nang makita ang ginagawa mo.

Tahimik kang siya ay pinagmamasdan,
Naka-akbay sa balikat na parang inilaan.
Hibla ng buhok minsan pang napaglalaruan.

Anong meron kayo,
Teka wala din naman palang tayo.
Nawalan na ng gana,
Ang buhay kong masigla kanina.

Bagay na ito sa dibdib dapat alisin.
Dahil hindi kaaya aya sa akin.
Nakakapag pabigat ng nararamdaman.
Parang nais lahat ba ay sukuan.

Pinag Sama samang Tugma ( Tipa ng Dyosa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon