mahal

0 0 0
                                    

| ×

   

       Araw-araw ipinaparamdam mong ako lang ang mahal mo.
   Araw-araw sinasabi mo kung gaano mo ako pinapahalagahan.
   Hindi matatapos ang buong araw, na hindi mo nasasabing ako'y mahal mo.
   At pagsibol muli ng bagong umaga, sasalubungin ng mga ngiti mong may halong pagtatangi sa akin.

Mahal, nasasanay na ako sa presensiya mo.
    Nasasanay na ako sa lambing at pagmamahal mo.
Ang gaan sa loob ko ng mga salitang binibitawan mo.
napapanatag akong, ako lang ang mahal mo.

   Mahal, huwag na sanang matapos ang pagkakataong ito
h'wag na sanang magwakas o magbago man ang pagmamahal mo.
Nasasanay na ako, natatakot na darating tayo sa dulo.
    Ayokong mawala sa paningin ko ang bawat ngiti mo.

Ayoko ng mawala ka pa sa buhay ko,
    At dito sa muling pagsugal ko.
Sana huwag na akong matalo.
  Pero kung sakali man.
alam ko na sa sarili ko, natalo man ako.
   Lumaban ako ng patas, katulad ng pagmamahal mo.

  Mahal kita sa paraang alam ko.
At mahal mo naman ako sa paraang hindi ko pa naranasan.
    Maraming salamat.
huwag na sanang matapos ang lahat.

Pinag Sama samang Tugma ( Tipa ng Dyosa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon