Sapat na Siguro

1 0 0
                                    

Sapat na sigurong nagmahal ako ng sobra noon,
ibinigay ang lahat ng nagmula sa'kin
Sapat ng wala na akong itinira sa sarili ko
para lang masabi kong... minahal kita ng sobra

Sapat ng binuo kita sa paraang alam ko,
Kahit ang kapalit ay dinurog mo ako.
Kahit alam kong sapat, kinulang pa din.
pero...tama na, ako naman muna

Sarili ko naman ang bibigyan ko ng panahon.
pagkatao ko muna ang ibabangon ko,
matapos apak apakan ng katulad mo.
sarili ko naman muna, sariling inalipin ng pag-ibig sa'yo

Babalikan ko ang dating ako, noong walang ikaw sa paligid ko
Babalik ko ang sigla, ang layunin at pagiging matatag
na nawala simula ng ikaw ang aking inatupag
Minahal kita, pero ngayon sarili ko naman muna.

Hindi na ako muling luluha dahil sinaktan mo,
Aayusin ko na nga itong winasak mo.
'Yung pinaramdam ko sa'yo...
ipaparamdam ko nalang din sa sarili ko

Bago ikaw, ako nalang muna ulit
dahil alam kong sarili ko lang din naman.
ang mananatili sa tabi ko magpakailan man.
Mahal kita, pero tama na.

Rerespetohin ko muna,
ang laging nandyan para sa'kin.
ang dating ako...
na nagpaka tanga dahil sa manloloko...

Pinag Sama samang Tugma ( Tipa ng Dyosa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon