CHAPTER 3 - First Day ft. Class 12-04

523 57 1
                                    


Frances POV

After namin nagpakilala lahat ay umalis narin yung prof namin dahil oras na para sa next subject namin. Nagpakilala lang yung ibang mga prof at walang pinagawa since first day of class pa naman.

After ng three subject ay lunch na namin. Nagstart na ako mag-ayos ng mga gamit ko ng may biglang lumapit sa akin.

"Hello Frances, sama ka sa amin maglunch?" Ate Ella said. Kasama niya sina Gabb and Coleen.

"Oo nga Frances sumama kana sa amin. I wanna be friends with you." Sabi namn ni Coleen.

"Sure, I wanna be friends with all of you rin naman." Sabi ko naman.

"Yehey! Lets go na." Excited na sabi ni Coleen.

Lumabas na kami ng classroom at nagpuntang cafeteria.

"Ococ nak, dito na kayo. Sabay sabay na tayong lahat dito." Sabi ni ate Ecka.

Lumapit naman kami sa kanila at complete kaming mga class 12-01 sa mahabang table. Since 26 lang naman kami. Pinagdugtong ata nila yung dalawang mahabang table.

"Oh andito pala si Frances, come join us. Wag ka mahiya wala rin naman kaming hiya." Sabi ni Amy.

"Ikaw lang Amanda, nandamay ka pa." Sagot naman sakanya ni Laney.

So naupo na ako at katabi ko si Jaydee sa left and sa right ko naman si ate Ella.

"Nakapag order na ako guys and kasya na yun sa atin lahat. Libre ko narin since first day naman. Pawelcome narin kay Frances." Sabi ni ate Abby.

"Wow thank you po. I'll make bawi next time po." Sabi ko naman.

Dumating na yung order namin at nagsimula na kaming kumain.

"Wait, pansin ko lang ang tahimik yata ni Jaydee ngayon." Daryll said.

"Baka nahihiya kay Frances." Amy said.

Tiningnan ko naman si Jaydee at ayun pangiti ngiti nahihiya yata talaga.

"Gagi wag niyo ako asarin." Jaydee said.

"Kumain ka lang frances. Wag mo silang pansinin." Dagdag pa niya sabay ngiti sakin.

Kumakain kami at naguusap usap ng biglang may pumasok na group of girls.

Jaydee POV

Habang kumakain kami at nagtatawanan ay biglang pumasok ng caferia yung mga taga class 12-04 GAS strand at nung nakita kami ay lumapit sila sa amin.

"Uyy, nandito pala yung mga genius." Nang-aasar na sabi ni Gia.

"At may transferee pa." Nakangising sabi ni Jie.

"In fairness ha ang ganda niya at mukhang matalino rin." Tatawa tawang sabi ni Cherprang.

"Hi Ella." Bati naman ni Gia kay ate Ella at kumindat pa.

Nginitian lang siya ni ate Ella. Napansin ko naman yung pag iiba ng mood ni Gabb. Hinawakan naman ni ate Ella yung kamay niya para pakalmahin.

"Hi babe. I missed you." Sabi ni Jie habang palapit sa akin. Nag backhug naman siya nung nakalapit na siya sa akin.

"Get off me." Mariin kong sabi sabay baklas ng pagkakayakap niya sa akin.

"Bakit ba kayo nandito? Ayaw namin ng gulo ha first day pa lang nagsisimula na naman kayo." Sabi ni ate Lara.

CLASS 12-01Where stories live. Discover now