Jaydee's POV
Ayaw niya ba akong kasama? Bakit naman niya pinapauwi. Haynako. Nagring naman yung phone niya after ng ilang minutong katahimikan.
"Hi mommy." Sagot niya
"Its okay po, I'll commute nalang po."
"Yes po. See u po, I love you too."Tinitingnan ko naman siya habang kausap niya yung mommy niya. Ang ganda talaga niya. Kaya naman nung lumingon siya sakin nagulat siya nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Ano ba yan Jaydee nakakahiya tuloy.
"You can go home na Jaydee, thanks sa pagsama sa akin magwait ng sundo. I'll commute nalang manong can't fetch me e. See you tomorrow." Sabi niya.
"Hatid na kita, baka gabihin ka sa daan." Sabi ko sakanya. Baka isipin neto gusto ko siya, e totoo naman hahahaha char crush crush lang.
"No Jaydee, baka ikaw yung gabihin. Nakakaabala naman ako masyado sayo." Sabi pa niya.
"Hindi ka nakakaabala and wala rin naman akong gagawin. So hatid na kita wag ka ng umangal." Sabi ko at pinagbuksan na siya ng pinto ng sasakyan ko.
Pumasok naman siya wala naman siyang magagawa mapilit ako e. Umikot na ako sa kabila para sumakay sa drivers seat. Habang nasa byahe kami ay tahimik naman siya.
"Saan pala address mo?" Tanong ko.
"Sa ***** village." Nagulat naman ako kasi same address kami. Nagpatuloy nalang ako sa pagdadrive at tinuro niya sa akin kung saan block bahay nila. Nasa 3rd block lang pala e nasa 1st block kami .
Habang nasa byahe ay nagsalita naman si frances.
"So are we friends na ba?" Tanong niya.
"Pwede rin more than HAHA tsar." Biro ko naman sakanya.
"Crazy HAHA you're into girls pala?" Tanong niya naman.
"Uhm yes, hope komportable ka parin sakin hehe." Nahihiya kong sabi. Baka iwasan ako e.
"Sira, okay lang naman not big deal." Tatawa tawa niyang sabi.
"Ilan na ex mo?" Tanong ko naman wala na ako maisip na question e.
"I don't have ex. NBSB ako hehe my parents is strict when it comes to that thing." Sagot naman niya. Nako paktay strict pala yung magulang.
"Ikaw ba? I heard kanina kay Gabb you're babaero daw." Natatawang sabi niya.
"I'm not babaero I'm just friendly. Kung may lumalapit sa akin na girls iniisip nila na nakikipag flirt ako e nakikipag friends lang naman ako yung iba kasi binibigyan ng meaning. I only have 2 exes." Sagot ko naman sa kanya.
"Who?" Tanong niya.
"Jie and Madie. Jie is yung sa cafeteria kanina." Sagot ko.
"what's the reason ng break ups niyo?" Tanong niya ulit.
Nako po daming tanong pero sinagot ko nalang. Wala naman na kasi sakin yun move on na ako duh.
"Madie was my first girlfriend kaso ayaw ng dad niya sa akin dahil babae daw kami parehas then yun she broke up with me at umalis papuntang US. While Jie naman after 5 months ng break up namin ni Madie naging kami siguro naging panakip butas ko lang siya. Then one day nakita ko nalang may kahalikan siya sa bar, hindi naman ako nasaktan kasi nakahanap ako ng reason para iwan siya." Mahabang sagot ko sakanya.
"You're such a player." Natatawang sabi niya.
"Siguro nga ganon yun hahaha pero nagbago na ako di na nga ako nakikipagflirt sa iba. Hihintayin ko nalang dumating yung the one baka nga nasa tabi ko na." Banat ko naman.
YOU ARE READING
CLASS 12-01
FanficFrandeesal, Uniphant, Seby, Labrei, Shelice, Colaney, Cocotyang, Becka, Pikababe and many more.