Jaydee's POV
I'm on my way para sunduin si Frances sa bahay nila dahil after nung nangyare last week yung ginawa ni Eze ay napagkasunduan namin ng daddy niya na magsabay na kami lagi pumasok. Araw-araw ko siyang susunduin at ihahatid narin.
Nag usap narin yung parents ni Frances at Eze. Galit na galit yung daddy ni Frances kay Eze at ganon rin yung parents ni Eze sakanya. Ipapadala daw siya muna sa US para magtino. Mabuti nga yun para wala ng manggugulo sa amin.
"Goodmorning, Nandy." Frances greeted me pagbaba ko ng sasakyan. Pinagbuksan narin siya ng pinto.
"Goodmorning, Mill." Bati ko rin sakanya at pumasok naman na siya ng sasakyan. Pagkapasok ko naman ng driver's seat ay agad kong pinaandar yung sasakyan.
"Did you bring extra shirt? Screening ngayon and start narin ng practices for sure pagpapawisan talaga tayo." She said.
"Yes naman, usto mo ba dalhin ko pa buong closet ko?" I asked then chuckled.
"Sira. Tinatanong ng maayos." Umiirap na sabi niya.
Natututo narin siya magsalita ng tagalog like yung straight na tagalog, hindi conyo. Pero minsan conyo parin talaga. Nasa dugo na niya yun.
"Just kidding, pikon ka naman." Asar ko pa sakanya.
Nag asaran lang kami buong byahe hanggang sa nakarating na kami ng school. Dumeretso naman kami agad sa classroom namin.
Nagsiupo naman kami para magmeeting sa gaganapin na founding. Hindi mkakapasok si miss Mae dahil busy rin ito. May klase parin kami pero dipende sa prof yun kung ibibigay yung time niya for practices nalang. For senior high magkakalaban daw yung grade 11 and 12 so basically magkakampi lahat ng strand ng grade 12.
"Ano ano daw ganap sa MNLU week and LMD?" Ate Ella asked ate Abby.
A/N: LMD means Literary Musical and Dance Contest. Ginaya ko lang yung ganap every founding sa school namin guys hehe.
"Sa MNLU week which is 2 week straight yun everyday may ballgames. Like basketball, volleyball, badminton, at table tennis, May screening daw mamaya para sa sports. For LMB naman ay song solo, group singing, modern dance, folk dance, battle of the band and etc. Di pa sure kasi kung isasama yung iba sa categories. Meron din booths at each section dapat may booths na ihahanda. Mag-isip narin tayo ng booths na gagawin natin. Meron rin booths yung ibang organization dito sa school like SEC so magiging busy kami nina Sela at si Ella nalang maghahandle sa inyo. Magtulungan nalang tayo and magcooperate." Mahabang paliwanang ni ate Abby.
"Ngayong umaga pala yung start ng screening for LMD categories and sa hapon naman for sports. Sa class 12-02 ang screening for modern dance and folk dance, sa class 12-03 naman ang song solo and group singing, sa class 12-04 ang battle of the band and last is yung ibang categories sa class 12-01. Siguro Cheer dance yung dito or may iba pa." Ate Sela also explained.
After ng meeting namin ay nagstart narin ang screening kaya nagsilabasan na kami ng room. Kasama ko si Frances, Amy, Laney, Cole and Coleen. Sasamahan namin ang isa't isa para magscreening. Napagkasunduan namin lahat na magscreening sa modern dance well except kay Cole. Sa sports nalang daw siya. Pumunta naman kami sa room ng class 12-02 at nadatnan namin ang maraming tao sa hallway.
"Nako po. Andaming mags'screening. Makakapasok kaya tayo neto?" Amy asked.
"Tiwala lang Jagiya." Laney.
Lumapit naman kami doon at naroon rin yung ibang class 12-01. Grinoup ng 5 members at sabay na mags'screening and kami kami magkakagrupo nina Frances, Amy, Laney, and Coco. Luckily ay pasok rin kami at kasali na kami sa modern dance. Kasama naman namin sina Gabb, ate Sheki, ate Sela, ate Abby, ate Belle, ate Jan, Gia, Jamie, ate Alice, ate Brei, and ate Ella.
YOU ARE READING
CLASS 12-01
FanfictionFrandeesal, Uniphant, Seby, Labrei, Shelice, Colaney, Cocotyang, Becka, Pikababe and many more.