CHAPTER 17- Basta gulo to

450 70 1
                                    

Jaydee's POV

Today is tuesday and next week na ang start ng practices for founding. Naglalakad na ako ngayon sa hallway mag isa at papunta ng classroom. Hindi ko kasama si Frances kasi sabi niya mauuna na daw siya sa classroom dahil tatapusin pa daw niya ang assignment niya na di niya natapos gawin sa bahay nila. I was walking silently ng may biglang humarang sa dinadaanan ko. Hinihingal pa ito na halatang tumakbo para puntahan ako.

"Oh ate Aly. Bat ka po tumatakbo?" Tanong ko sakanya.

"S-si F-fran-ces, d-dina-la n-ni E-eze s-a r-room n-nila." Hinihingal na sabi niya at muntik ko pang hindi maintindihan.

Hindi na ako nag aksaya ng oras at agad na akong tumakbo papunta sa classroom ng 12-04.

Pag may ginawa talagang masama yung Eze na yun kay Frances babangasan ko talaga yun. I was running sa hallway hanggang tumapat ako sa room ng 12-04. Agad ko naman sinipa ang pinto na mukhang nasira yata.

Nadatnan ko naman si Queen na nakapikit ng mariin at nasa harap niya si Eze na akmang hahalikan na siya. Agad ko naman itong hinila at pinadapo ang kamao ko sa mukha niya.

Frances POV

I'm on my to school and I texted Jaydee na hindi kami makakapagsabay dahil kelangan ko pa tapusin ang assignment ko na hindi ko natapos gawin sa bahay. Di ko kasi gets e kaya magpapaturo rin sana ako sa mga classmates ko.

Pagkababa ko ng sasakyan ay mabilis akong naglakad but someone's grab my wrist and pull me. It was Eze.

"Hey, san mo'ko dadalhin?" I said angrily and nagpupumiglas sa hawak niya

"Relax ka lang Frances. Maaga pa naman maglalaro lang tayo sa room." She said and lumingon sa akin at nagsmile pa.

"Let me go." Nagpupumiglas parin na sabi ko. But she still pulled me hanggang sa napunta kami sa classroom nila.

"Oh bakit dinala mo yan dito?" Gia asked her.

"Maglalaro kami ng uno cards. Maaga pa naman." Eze explained.

"I don't have time for your shit Eze. Just let me go." I said.

"Saglit lang 'to Frances. Kung sino ang panalo she can do what ever she want to do and if natalo naman ay may dare." Eze said.

"Ok fine. Lets start na ng matapos na itong kalokohan mo." I agreed like as if I have choice.

Nagsmirk naman siya at umupo nalang ako. Nagstart na kami and kasama pala sina Gia, Ruth, and Jie. I'm nervous baka kasi matalo ako at ano pa ang ipagawa ng Eze na 'to.

After ng ilang turns na lapagan ng cards ay nanalo ako agad. Sanay ako maglaro ng uno e. Libangan namin ito ng mga class 12-01.

"I won. So may I go now?" Nakataas kilay na tanong ko.

"Di pa nagkakaalaman kung sino talo. May dare pa." Eze said.

Hindi na ako umimik at tiningnan nalang sila maglaro. Natapos naman ang laro at si Eze ang talo.

"Karma mo ata pre." Natatawang sabi ni Gia.

"Dare na agad ng makaalis na ako." I said.

"Ako na magd'dare." Jie said.

"I dare you to kiss Frances. Tutal paalis naman na siya." Dagdag pa niya.

"What?! No way!" Reklamo ko. But Eze pushed me back sa upuan at nilapit yung mukha niya sa akin hindi naman ako makagalaw dahil baka dumikit na talaga ng tuluyan yung lips namin. I closed my eyes and pray na sana may pumigil sakanya and tinupad naman agad ni lord, mahal yata ako ni lord dahil nakarinig nalang ako ng ingay ng upuan. Pagmulat ko ay nakita ko kung paano suntukin ni Jaydee si Eze.

CLASS 12-01Where stories live. Discover now