CHAPTER 8 - Celebration ft. confessions

475 67 3
                                    

Flashback con.

Frances POV

After ng tig tatatlong shots ay naglaro na kami. Medjo tipsy narin ako. Like duh tatlong shots yun.

Pinaikot na ni Jaydee yung bote at tumapat kay Mari. Truth naman agad yung pinili niya.

"Kung sakaling ligawan ka ni Dian, may chance ba?" Jaydee asked.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Dian.

"Meron naman, bakit may gusto ka sa akin Dian?" Mari asked.

"Bat ka nagtatanong, ikaw ba yung tinapatan ng bote kanina?" Natatawang sabi ni Dian.

"Nagtatanong lang e." Nakapout na sabi ni Mari. Kinurot naman ni Dian yung pisnge niya.

"Oh tama na ang harutan, maya na yan. Tuloy na natin ang laro." Ate Brei said.

"Bitter naman ng bweiliit na'to." Ate Sheki said.

"Antangkad mo naman bonita." Ate Brei said sabay irap kay ate Sheki.

Natawa nalang kami sa dalawa. Pinaikot na ni Mari yung bote at tumapat naman kay Cole.

"Truth po." Sagot ni Cole agad.

"Ano pwede itanong kay Cole mga ate?" Mari asked.

Binulungan naman siya ni Dian.

"Laney daw or Coleen?" Mari asked.

Napatingin naman kay Cole si Amy. Hmm I smell something.

"Jaydee, I think Amy likes ut ut." Bulong ko kay Jaydee.

"Tingin ko rin. Ssshhh ka nalang" Jaydee said at nagsign pa wag na ako maingay.

Hindi naman sinagot ni Cole yung tanong at uminom nalang ng tequila.

"Luh babaero rin tong anak ko." Jaydee said.

"Hindi naman mommy. Ayoko lang pumili parehas lang sila importante sa akin." Paliwanag ni Cole.

"Like mother like daughter." Ate Ecka said.

Nilingon ko naman si Jaydee. Hmmp babaero pala to. Nilingon niya rin ako pero inirapan ko lang siya. Tiwananan lang ako ng abnoy.

Pinaikot na ni Cole yung bote ate tumapat kay ate Brei.

"Dare na agad." Ate Brei said.

"Confess something to ate Lara." Cole said.

"Ay bet." Ate Sela said.

"Uhm ano, Lang crush kita." Namumulang sabi ni ate blBrei.

"Alam ko Aubrey di ako manhid tulad mo." Natatawang sabi ni ate Lara at natawa narin kami.

"Kapal mo naman Lang, crush lang naman kita." Ate Brei said at umirap kay ate Lara.

Pinaikot na ni ate Brei yung bote at tumapat kay ate Ella. Truth naman pinili niya.

"Mahal mo ba si Gabb?" Ate Brei asked.

"Oo naman, papayagan ko ba yan ligawan ako kung hindi." Ate Ella answered. Napangiti naman ng malawak si ate Gabb.

CLASS 12-01Where stories live. Discover now