CHAPTER 15 - Flag Ceremony gone wrong

507 72 9
                                    

Jaydee's POV

Nandito ako ngayon sa may first gate ng school para antayin si Frances. Ganito naman lagi yung routine ko, pag nauna ako sakanya papuntang school hihintayin ko siya pag nauna naman siya its either pinapasamahan ko siya ko sa mga kaibigan or nauuna nalang siya pumasok mag-isa sa classroom.

Early ako ngayon dahil magagalit si Frances pag late na naman ako, late ako last flag ceremony e. Busy kasi kami nina Gabb tuwing weekends kaya pagod kami pag monday na at late na nagigising. May ginagawa kami nina Gabb e, ang reason namin sa iba ay may pinapagawa yung parents namin sa amin. Pero hindi naman yun totoo dahil ang totoo ay may training kami sa martial arts at firing. Yes, nagtetrain kami ng martial arts at kung pano bumaril. Alam ng parents namin para narin daw sa safety naman, para marunong kami sa self-defense. Actually si ate Abby yung nagyaya sa amin dahil dati na siyang nagtetrain e so tinanong niya if gusto rin namin pero secret lang daw. Pumayag naman kami nina ate Abby, Cole, ate Lara, ate Ecka, Daryll, Princess, ate Dana, ate Alice, and Dian. Kaya minsan late kami nakakapasok pag monday na.

After ng ilang minutong paghihintay ay dumating narin si Frances.

"Good morning, mill." I greeted her pag kalapit niya sa akin.

"Good morning." She said while smiling.

Sabay kaming naglakad papuntang classroom at konti pa nga yung nandoon.

"Good morning, people." Bati ko sa kanilang lahat.

"Wow himala hindi ka late." Amy said.

"Ayoko maglinis ng classroom e." I said.

"Weh? Yun lang ba yung reason or baka takot ka lang kay Frances." Natatawang sabi ni Laney.

"Under ka pala papa Jades." Natatawa rin sabi ni Cole.

"Hinde ah, top ako hahahah--- aray!" Sabi ko at bigla akong binatukan ni Frances.

"Your mouth Jaydee." Seryosong sabi niya.

"Hehe joke lang." Sabi ko with peace sign pa.

"Ahh hindi under." Natatawang sabi Cole.

Babatuhin ko sana siya ng notebook ko kaso nakatakbo na siya papunta kay Laney at ginawa pa itong panangga.

"Ano ba Cole, ang likot mo ke aga aga oh." Laney said.

Niyakap naman siya ni Cole, back hug.

"PDA. Sumbong ko kayo sa guidance." Amy said.

"Ing---" Hindi natuloy ni Cole ang sasabihin niya ng biglang magring ang bell, hudyat na kelangan na namin pumuntang field kung saan gaganapin yung flag ceremony. Naglabasan naman kaming lahat at pumuntang field. Pagdating namin doon ay pumila na kami.

Someone's POV

"Taena oh, nasa harap na naman ako tas maya maya magrereklamo na naman kayo na di niyo makita yung nangyayare sa harap." Cole said habang nagpapadyak ng paa niya.

"Pisteng yawa oy, duun na kasi kayo sa harap, Jem at Sheki." Lara said.

"Wow kami lang? Bakit tumangkad na ba si Brei?" Jem said at nakataas pa yung isang kilay.

"I won't tolerate you this time, Aubrey. Doon na kayo sa harap." Seryosong sabi ni Lara.

"Owshi, english yun. Galit na nga si ate Lara." Natatawang sabi ni Jaydee.

Umirap naman si Brei kay Lara bago pumunta sa harap hila hila si Jem at Sheki.

Maayos na yung pila nina Jaydee at nasa harap niya lang si Frances. Hindi pa nagsisimula dahil inaantay pa yung magl'lead sa harap which is sila.

CLASS 12-01Where stories live. Discover now