CHAPTER 4

17 1 0
                                    

NATANAW ko si Erica na kakababa lang ng tricycle ni Mauro.Halos magkasunod lang pala kami.Mabuti pa siya hatid sundo ni Mauro.Gustuhin ko man makisabay hindi ko na magawa dahil minsan nalalate ako dahil sa dami ko pang ginagawa sa bahay.Masisipag kasi masyado mga kasama ko sa bahay.

Tsk!

Papasok na sana ako sa grocery store Ng matanawan ko si Mr.Masturbate.Mukhang may binobola na nman babae.Kinikilig nman ang bruha kulang nalang mamilipit SA sobrang pagkakilig.Napailing ako bago pumasok na sa loob.

Binati ko muna si Erica bago pumunta sa aking puwesto.Dati ako pang umaga kaso Lang pinagpalit kami ng manager nmin ni Bob.Na dati ay panggabi.Pareho kami ni Erica cashier dito.Boring NGA kapag gabi Kasi halos kokonti nalang ang costumer.Kaya minsan nakakaantok.Pero komo malapit lapit na nga ang fiesta dito kahit gabi marami Ng namimili Kaya ayos Lang.

"Sasabay Ka na ba sa amin Mae?"tanong ni Erica pagkalabas nmin ng grocery store.Tapos na ang shift nmin.

"Oo nman Noh!Dun din nman uwi ko eh."pabalang kong sagot.

Well sanay nman sila sa akin.Ganito kami magkakaibigan.Walang plastikan at totoo SA isat Isa.Hindi Ka kaibigan Kung masyado kang pabida.

"Hi Miss!Pauwi na kayo?"tanong Mula kay Mr.Masturbate.

Napaismid nman ako.

"Oo Bakit?"mataray kong tanong.

Ngumiti nman Ito ng makalaglag panty.Heh!Nagpapacute ba siya?

"Wala nman tinatanong ko Lang.Ingat kayo ah!Lalo.ka na aasawahin pa kita."nakangising turan nito sabay kindat.

Abat!

Nasundan ko nalang ng tingin Ang papalayong motor nito.

"Sino ba Yun?Kilala mo ba yun Erica?"maangas kong tanong.

"Bakit mukhang interesado Ka?"mapangasar na tanong ni Mauro.

"Excuse me tinatanong ko lang!"inis kong singhal.

Natawa nman si Erica sa amin dalawa.

"Defensive Ka nman masyado.Napaghahalataan ka tuloy."tudyo pa ni Mauro.

"Ikaw nga hanggang ngayon wala pa rin.Zero visibility Ka pa Rin Kay Erica."

"Ano yun masamang panahon?"

"Oo Kasi sumasama ang panahon kapag andyan Ka!"sarkastiko kong saad.

"Ha.ha.ha!nakakatawa!Sumakit tiyan ko Doon ha!Huwag mo nang uulitin ha baka tabawan ako eh."

"Tangna mo!"

KINABUKASAN,naisipan kong maglako ng gulay SA bahay bahay.Pandagdag Kita na rin.Tutal wala Rin nman ako ibang ginagawa ngayon.Nagawa ko na ang lahat ng iyun.Nakatapos na ako maglaba.Muntik na akong abutin ng tanghali dahil SA dami niyon.Nagluto na Rin ako ng almusal bago umalis.Asahan na Rin ang sangtambak na hugasin pagdating ko.

"Gulay!Gulay kayo dyan!Huwag puro karne kung ayaw niyo mahighblood!Magaral kumain ng gulay ng humaba ang buhay.!"sigaw ko habang naglalako.

"Magkanu ga iyong gulay mo,ineng?"tanong ni Aling Gloria.

"Bakit ho bibili kayo?"balik tanong ko.

"Kaya nga ako nagtatanong eh!"masungit nitong sagot.

"Malay niyo ho nagtatanong lang kayo.Anong gulay ho ba?"tanong ko.

"Hindi na ako bibili!Sayo na iyang gulay mo.Parang ayaw mo pa ibenta."galit nitong sigaw.

Napakamot ako sa aking ulo.Kilalang bungangera si Along Gloria dito SA lugar nmin.Kaya ilag ang mga Tao dito sa kaniya.

"Talaga nman hindi ho kayo bibili.Kunwari pa kayo."depensa ko.

"Abat itong batang to!Lumayas Ka na dito!Kung ayaw mong masaktan!"salubong ang kilay nitong pagtataboy sa akin.

"Gusto niyo lang ako magpaalam sa inyo...hehe sabi ko nga ho Aalis na!"pekeng tumawa ako saka naglakad na para makalayo sa tapat ng bahay ni Aling Gloria.

Sayang Yun may benta na Sana ako.Malas yata ako maglako ng gulay ngayon.Apaka Kasi ni Aling Gloria.Daming kaekekan hindi nman bibili.Naglalakad ako sa kalsada sa gitna ng kainitan.Kahit paano may benta na ako.May natanawan akong waiting shed.Dito muna ako nagpahinga.Pakiramdam ko pati singit ko pawisan na.

Lumapit si Manong Domeng SA akin.Nakapangsaka pa itong damit.Halatang kagagaling lang sa bukid.

"Magkano gulay mo ganda?"nakangiting tanong nito.

Parang kumislap ang aking mga mata dahil sa mga pambobola ni Manong Domeng.

"Dahil binola niyo ako,Mang Domeng bibintahan ko kayo."masigla kong turan

Dismayado itong kumamot ng ulo.

"Akala ko pa nman eh may discount."tumatawang turan ni Mang Domeng.

"Sumakay kayo ng bus manong.Sigurado may discount kayo.Señor citizen na kayo eh!"

Mayor's WomanWhere stories live. Discover now