MABUTI nalang medyo okay na si Erica.Maayos ayos na pakiramdam niya.Bumabalik na Rin sa dati ang kulay ng kaniyang balat.Hindi na rin bumalik si Mr.Almonte simula ng magkamalay si Erica.Ayon kay Dave busy daw ngayon si me.Almonte dahil tumatakbo Ito bilang mayor ng Tagkawayan.
Dumalaw nman ang nanay ni Erica.Ngunit saglit lamang SA kadahilanan hindi maiwan si Erin.Dinalhan lamang nito ng damit si Erica.Kaya ako na Ang nagprisentang magbabantay SA kaniya.Wala nman ibang maaasahan magbabantay SA kaniya.Nakapagpaalam na rin nman ako sa aking mga magulang.Although tutol sila na manatili ako dito wala nman silang nagawa.Kailangan ako Ng kaibigan ko.At Isa pa kailangan nilang matuto na wala ako sa kanilang tabi.
Paminsan minsan pumupunta nman dito si Dave.Kung anu ano Ang dala.Lahat daw iyun ay galing kay Mr.Almonte.Kasalukuyan kong pinagbabalat ng apple si erica nang may bumulong sa aking tainga.Na siyang ikinapula ang aking Mukha at ikinapanindig ko ng balahibo."Baby nakunan Ka?Sayang,Akala ko pa nman nakabou na tayo."bulong Ni Dave sa akin.
Siniko ko Ito saka inilayo sarili ko sa kaniya.
"Lumayo Ka nga!Baka mamaya kung ano Isipin ni Erica sa ating dalawa.Saka anong pinagsasabi mo?"masungit kong singhal sa kaniya.
"May tagos Ka baby.Sayang iyong baby natin."saad nito na parang normal lang iyun sinabi niya.At kumindat pa ang loko.
Nagiinit ang aking Mukha ng sulyapan ko si Erica.Nakakunot ang noo niya sa aming dalawa ni Dave.Nagiwas ako ng tingin SA kaniya ng mapansin ang nanunukso niyang tingin.At ano ngayon sabi ni Dave.M-may tagos ako.Omg!Bakit ngayon pa wala pa man din akong dalang napkin.Natataranta akong napatingin kay Dave.Na ngayon ay abala sa pagaayos ng mga dala Niya kanina.
Hays,bahala na!
"Bili mo ako napkin!"lakas loob kong utos kay Dave.
Napahinto ito sa kaniyang ginagawa.Ang kaninang nakangisi nitong Mukha ay napalitan ng pagkadisgusto ng hindi pa Rin siya kumikilos.
"Why me?"di makapaniwalang tanong nito itinuro pa ang kaniyang sarili.
"Sinong uutusan ko si Erica?Alangan nman ako ang pumunta.Gusto mo magkalat ang dugo ko sa daan."Naiinis kong saad.
"Nasaan ang pambili?"sumusukong tanong nito.
"Utang muna wala pa ako pera."nakangisi kong turan.
Umiling iling nalang si Dave bago lumabas ng kuwarto.Wearing he's poker face.Natawa nalang ako.Hindi ko Akalain na mapapasunod ko ang isang maskuladong si Dave na hindi ko pa alam ang apilyedo.Pumunta na ako ng banyo para maghugas ng alam niyo na.Hindi Rin nman nagtagal si Dave kalaunay dumating din ito.Dala ang aking pinabiling napkin na isang supot halos.Inabot niya SA akin lahat iyun.Nakasilip lang ako dito sa pinto ng banyo.
"Lahat iyan ipagagamit mo sa akin?"napapantastikuhan kong tanong.
"Ilan ba kailangan mo?"medyo irita ng tanong ni Dave.
"Isa lang mister,Isa lang ha!"para akong nagpapaliwanag sa isang bata.
"Tsk!"dumukot ito ng isang balot bago Inabot sa akin.Kulang nalang isupalpal sa aking pagmumukha.
Nginisihan ko lang nman ito.
"Salamat!"saad ko bago isinara ang pinto ng banyo.
At Kung mamalasin Ka nga nakalimutan ko pang magdala ng panty.Dyahe nman gamitin ko pa iyong hinubad ko eh may stain na iyun.Waahh..sobra sobrang kahihiyan na talaga ito.Ikaw nman kasi dalaw ngayon Ka pa dumating.
Muli kong binuksan ang pintuan ng banyo.Sumilip ako bago alanganin tinawag si Dave nakaupo na sa couch habang nagcecellphone.Nakakunot ang noo nitong lumingon sa akin
"P-puwede mo ba a-akong abutan ng panty?"nakayuko kong pakiusap.Kumakabog ang dibdib dahil sa kahihiyan.
Narinig ko ang pagbungisngis ni Erica.Wariy aliw na aliw sa amin dalawa.Sinamaan ko nman siya ng tingin.Nagpeace sign nman Ito sa akin subalit naroon pa rin ang nakakalokong ngisi.Napailing nalang ako.
"Bilisan mo nman umaagos na iyong dugo ko eh!"pagmamando ko SA kaniya.
Pansin ko ang pamumula ng tainga at leeg nito.Sh*t ang cute lang talaga!Itinuro nman ni Erica ang mga gamit ko.Halos gusto ko na lamang lamunin ng lupa sa mga sandaling ito.Kababakasan na ng iritasyon ang mukha nito habang kinakalkal ang aking bag.Napapansin ko rin ang pagtataas baba ng Adams apple nito.That makes him more hotter.
"Finally!"he murmured.Sabay ladlad ng underware ko.
Literal na nanlaki ang mga mata ko.Pakiramdam ko kulay kamatis na ang aking mukha.
"Baka gusto mo ako pa maglagay ng napkin sayo?"sarkastiko nitong tanong.
SA inis ko at sobrang kahihiyan naihampas ko sa kaniya iyong panty ko.Kapwa kami natigilan dalawa.Dali Dali kong isinara ang pintuan ng banyo.Tumitibok ng malakas ang aking puso.Ang panginginit ng aking mukha ay lalong tumindi.
Ano ba Itong pinagagawa ko?Mas nakakahiya pa ito yata ito sa naranasan ni Erica ah.Pero buti nalang at hindi butas panty ko.Napailing ako.Syempre hindi nman ako kasing tipid ni Erica.Hanggat nagagamit pa niya talagang gagamitin pa niya.Ganoon siya magpahalaga sa mga gamit.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan.Tinitigan kong Andito pa si Dave.Napamulagat ako ng makita ko siya sa sopa prenteng nakaupo habang nakatingin sa akin.Umarko ang kilay niya ng mapansin ang pagiging balisa ko.Relax Mae,act as if nothing happen..yeah!
Hindi ko siya tinapunan ng tingin.Umupo ako sa gilid ng higaan ni Erica.Kumuha ako ng isang orange pagkuway binalatan.Mayamayay may pumasok na nurse.Chinek lamang ang IV ni Erica.Naguusap kami ni Erica Ng makarinig kami ng bungisngisan.Napalingon kami sa kaniyang gawi or should I say sa kanila.Ayun nakikipaglandian Lang nman siya sa nurse.Hindi ko magpaliwanag ang inis na aking Nararamdaman.
"Erica labas muna ako bibili lang ako ng makakain natin."pagpapaalam ko.
"Sige,medyo gutom na rin ako."nakangiting sagot nito.
Bahagya ko itong nginitian bago lumabas ng kuwarto.Bumuntonghininga ako ng makalabas ng kuwartong iyun.Pakiramdam ko biglang sumikip sa loob.Naiiling na naglakad na ako patungo sa canteen nitong hospital.No,hindi ako pwedeng magkagusto sa kaniya.Dahil Alam ko sa huli ako rin ang talo.
"Akala ko ba wala kang pera?"habol sa akin ni Dave.
Nagkunwari akong walang narinig.Nagpatuloy ako sa paglakad.So,Tapos na siya makipaglandian huh?
"Where are you going?mayamayay muli nitong tanong.
Hindi ko siya kinibo.Hanggang sa nakarating kami sa canteen.Umorder lang ako Ng makakain nmin dalawa ni Erica Ramdam ko nman ang mainit na titig ni Dave.Pero ipinagsawalang bahala ko nalang iyun.Manigas siya dyan.
Pagkatapos kong makuha ang order ko bumalik na Rin ako sa kuwarto ni Erica.Nakabuntot pa rin sa akin si Dave.Malapit na ako sa pintuan ng haklitin nito ang aking braso."What's your problem woman?"galit nitong tanong.
"Ikaw?Anong problema mo?Bitiwan mo nga ako!"asik ko sa kaniya.Pagkaraay binawi ang braso sa kaniya.
Muli akong tumalikod SA kaniya pero muli nitong hinaklit ang aking braso.Saka mariin hinalikan na ikinalaki ng mga mata ko.Sobrang bilis ng tibok ng aking puso.Idagdag pa ang panghihina ng aking mga tuhod.Malakas ko siyang naitulak Ng makaipon ako ng lakas.Kapwa kami hinihingal.D*mn him he just kiss me.My first kiss he just stole it.
Nakatulala lang ako at tila wala sa sariling kumakain.Mabuti na Rin at Umalis na si Dave.Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang malambot niyang mga labi.Nalalasap ko pa rin kung gaanu katamis iyun.
"Mae kailangan ba talaga isabaw mo iyang tubig sa kanin mo?"pukaw sa akin ni Erica.
Nanlalaki ang aking mga mata na napatingin sa akin kanin.Umawang ang aking mga labi ng makitang halos malunod na iyun sa tubig.Maging ang aking ulam.
Patay kang bata Ka!
YOU ARE READING
Mayor's Woman
RandomIsang dalagang sa tingin ng iba ay puro kalokohan lang ang alam.Hindi marunong magseryoso at mahilig mamilosopo.Ang hindi nila alam sa kabila ng masayahin niyang mukha nagtatago ang tunay niyang Nararamdaman.Deep inside she's sad..alone at uhaw sa p...