"SALAMAT manong!"pahabol ko pa matapos niyang umalis pagkabili ng talong.
Sigurado bibili yan ng itlog Tapos magtotorta.Napangisi ako ng makitang bumili nga siya ng itlog.Galing ko talaga.Bumili pa ng itlog may itlog Naman siya kaso nga lang makunat na.Lihim akong napahalakhak.
T*ng'na!
Mukha akong t*Ng* dito.Muli akong naglako ng gulay SA gilid Ng kalsada kung saan may bahay bahay.Mabuti nalang hindi masyado mainit Ang panahon ngayon.Syempre naka jacket tayo saka salukot panlaban sa init ng araw.
"Pabili nga ineng!"sigaw ni Aling Maria.
"Yown,ganun ang mga padali.Siguradong bibili hehe!"aniko nman.
Natawa nman si Aling Maria.Bumili ito ng isang supot na gulay pakbet.
"Alamang nalang kulang niyan,Aling Maria."suhestiyon ko.
"Oo nga.Tamang tama may binili si Mauro sa bayan kanina."Yes tama kayo ng basa nanay siya ni Mauro.
"Ilahok niyo na rin ang bunso niyo anak para may taba kalahok."sabi ko pa.
Pabiro nman ako nitong hinampas sa braso.Napangiwi nman ako.Parang may galit ha.
"Aray nman,Aling Maria!Ang bigat nman ng kamay niyo."daing ko.
"Manang mana ka talaga sa tatay mo pareho kayong mapagbiro."
"Syempre nman ho hindi nman ho puwede SA inyo ako magmana.Eh di pareho na tayong chismosa"binuntutan ko pa ng halakhak.
Nakitawa nman si Aling Maria.Pagkakuha ng sukli naiiling na umalis.Dakilang tsismosa kasi ang matandang iyun.Hindi nman sa pamimintas.
"B*yag na bulok!"biglang tili ko ng may bumusina sa likuran ko.
Inis kong nilingon ang w*l*nghiyang salarin.Isang magarang kotse iyun.Bumaba Ang salamin ng bintana.At iniluwa niyon ang nakangising si Mr.Masturbate.Napaikot ako ng mga mata.
"Oh,anong atin?"mataray kong tanong.
"You look cute with that looks!"usal nito habang matiim akong pinapasadahan ng tingin.
"Tss,yan lang ba sadya mo dito ang bolahin ako.Nagsayang Ka lang ng gas."nakasimangot kong turan
Naiiling Ito habang nakangisi pa rin.Bumaba ito ng kotse kaya pinagtitinginan Ito.Sino ba nman hindi mapapalingon dito?Takaw pansin nman talaga.Idagdag pang napakalaking tao nito.Akala mo basketball player sa NBA.Sinuri nito ang mga gulay na bitbit ko.Napakunot ang noo ko.
"Naghahanap Ka ba ng ginto?Wala kang mahahanap dyan.Kaya huwag mong lanigin mga gulay ko."saway ko sa kaniya.
Tumawa lang nman ito.Pagkatapos kinuha ang wallet niya sa bulsa ng pantalon niya.
"I'll buy it all.So you can go home now."seryosong wika nito.
Itatanong ko sana kung seryoso ba siya.Pero ng mapansin seryoso nga siya.Never mind nalang.
"Salamat."pormal kong Saad.
Kinunutan ako nito ng noo.Bahagyang pinisil ang baba ko.Tinabig ko nman ang kamay niya.
"Huwag mong hasain baka tumalas!"
Napahalakhak si Masturbate.Iyun muna tawag ko sa kaniya.Hindi ko pa kasi alam pangalan niya.Dyahe nman magtanong.
"You're very interesting woman huh?I like it!"naaaliw na saad nito.
"Playboy sweet words!"bulong ko sapat para marinig niya.
He chuckled again.Ginulo gulo pa ang aking buhok ng Alison ko ang aking salukot.Inis ko nman itong tinabig.Saka siya sinamaan ng tingin.Aware sa mga tao sa paligid.
"Ano papakyawin mo pa ba ang mga gulay ko?"naiinip kong tanong.
Ngumiti nman si Mas...
"Puwede ko bang malaman pangalan mo?"lakas loob kong tanong.
"I'm Dave and you are?"inilahad nito ang kamay.Indicating a shake hands.
"Okay na yun.Ito na mga gulay mo.Teka hindi kasama itong mga timba okay?"bumaling ako say tindahan ni Aling Doria."Meron ho ba kayong echo bag dyan?"
"Wala,sako bag lang."
"Ayos na ho iyan Basta may bag."sagot ko.
Pinaglalagay ko lahat iyun sa say sako bag.Bago inabot Kay Dave.Kumunot ang noo ko ng hindi niya abutin iyun.
"Anong inaarte mo dyan?"tanong ko habang nakataas kilay.
"I will buy it all if you tell me your name."seryoso niyang tugon.
Ah may kundisyon.Pagbibigyan ko ba?Napabuntonghininga ako kapagkuwan.
"Fine!Maerabella!"
"Nice name."nakangising anas niya.
"Huwag Ka ng mambola wala ng discount yan."paiwas kong asik.
Napailing si Dave bago kinuha ang sako bag.Inabot Ang lilibuhin sa akin.Maang ko nman siyang tinignan.
"Kailan pa nagkahalaga ng isang libo ang isang gulay ko?"wala sa sariling bulong ko.
Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko saka inilagay dito ang pera.
"Just accept it.I know you need it!"saka ito tumalikod bago sumakay ng kotse nito.
Naiwan akong tulala habang nakatingin sa kamay ko.Hanggang ngayon ramdam ko pa Rin ang init ng palad niya.Na naghatid ng kuryente sa akin.
YOU ARE READING
Mayor's Woman
RandomIsang dalagang sa tingin ng iba ay puro kalokohan lang ang alam.Hindi marunong magseryoso at mahilig mamilosopo.Ang hindi nila alam sa kabila ng masayahin niyang mukha nagtatago ang tunay niyang Nararamdaman.Deep inside she's sad..alone at uhaw sa p...