Chapter 1

3.2K 33 8
                                    

   RATED MATURE: This story contains foul languages and scenes not suitable for minors and closed-minded people. It also includes sex, drugs, violence and the likes. READ AT YOUR OWN RISK.

March 2006

TAHIMIK na kumakain si spaghetti si Siggy sa lamesa kasama ang mga magulang niya, pati na mga kamag-anak at mga nakatatandang pinsan. Nasa bahay sila ng kaniyang lola dahil nagdaraos ito ng sixtieth birthday nito. Umuwi silang lahat sa Mindoro para sa espesyal na araw ng lola nila, mabuti ang summer vacation nilang magpipinsan kaya't makakatagal sila roon. Nagkakagulo sa labas ang mga pinsan dahil minsan lang magkita-kita, saglit siyang nagpaalam sa mga ito dahil nakakaramdam siya ng gutom. Being a sixteen-year old boy is not easy, bigla siyang tumangkad at lumakas lalo ang kain, ang kaso patpatin pa rin siya.

"Nabalitaan ninyo ang nangyari doon sa anak ng businessman sa Maynila?" tanong ng tita Alona na nag-aahon ng bihon sa malaking kawali. "Na-kidnap 'yung bata, hanggang ngayon hindi pa nahahanap."

"Ilang taon na nga?" tanong ng lolo niya. Sixty-eight na ito pero matikas pa rin.

"Katorse," ang mommy niya ang sumagot. Napanood nga niya sa balita ang nangyari sa bilyonaryong businessman na nakalimutan niya ang pangalan. May malaking pabuya na ibinigay ang pamilya para sa makapagtuturo kung nasaan ang anak. "Sana makita na ang bata, siguradong trauma ang abot n'on! Biruin mo tatlong buwan nang nawawala!"

"Iba talaga kapag mayaman, parating nasa peligro ang buhay," komento ng tito Arnel niya. Middle-class ang pamilya nila, nakakapag-aral siya sa maayos na paaralan at nakakain siya more than three times a day. Mabilis niyang inubos ang spaghetti at kumuha ng bihon na kahahain lang sa lamesa.

"Kuya Siggy! Matagal ka pa?" Pawisang lumapit sa kaniya ang nakababata niyang pinsan na si Gabe, fourteen ito. "Bilisan mo, hinihintay na nila tayo!"

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Tito Arnel, ito ang ama ni Gabe.

"Sa ilog po." Ang ilog na tinutukoy ni Gabe ay ang paborito nilang tambayan, magbibisikleta silang anim papunta roon. Binilisan niya ang pagkain, uminom ng tubig at sabay silang lumabas ni Gabe. Naka-ready na ang mga pinsan niya, kinuha niya ang bike na nakasandal sa poste, aangkas sa kaniya si Gabe, sana ay kayanin niya dahil mataba ang pinsan niya.

Lawit na ang dila ni Siggy dahil sa pagod, itinigil niya ang pagpedal at pinababa si Gabe sa likod, paahon ang malubak na daang tinatahak nila. Malayo-layo na rin ang narating ng mga pinsan niya at naiwan silang dalawa.

"Ako naman ang iangkas mo," reklamo niya kay Gabe.

"Kuya, hindi ako marunong mag-bike!" Nag-martsa si Gabe papunta sa gilid ng kalsada, may malaking puno ng mangga roon kung saan puwede silang mamahinga. Medyo mataas na ang sikat ng araw. Itinulak niya ang bisikleta para isandal sa katawan ng puno, mabuti at nagdala siya ng tubig, uminom muna siya bago binigyan si Gabe.

"May naririnig ka?" tanong niya rito. May kaluskos. "Kuya, tanghaling tapat nanakot ka!" Naubos ni Gabe ang tubig sa bote. "Hindi ako nanakot!" Sinundan ni Siggy ang munting kaluskos na naririnig, may mataas na damo sa likod ng puno, hinawi niya iyon hanggang sa may makita siyang pigura ng babae na nakadapa sa lupa. "Gabe!"

SIGGY breathe in and out before knocking on the door three times. Nang walang sumagot ay pinihit niya ang door knob. Ilang segundo siyang sinalubong ng napakadilim na kuwarto, after his eyes adjusted, he went to the side of the huge room to open the thick curtain. Pumasok ang liwanag sa loob, kasabay niyon ay pagbangon ng pigura sa kama. Hindi alintana ng babae ang kahubdan, pinapagitnaan ito ng dalawang lalaki na wala ring saplot sa katawan. Bago ito bumaba ng kama ay binigyan muna nito tig-isang halik ang dalawang lalaki.

Chained Destiny (Book 1 of 3)Where stories live. Discover now