Chapter 12

436 16 2
                                    

MONDAY morning. They are back in the office. Dahil nagbakasyon sila ng isang linggo ay tambak ang trabaho nila pagbalik. Humiram siya ng isa pang secretary sa HR para sa iba pang office duties na hindi na niya magagawa. He felt light and ready to go back to work because the week he spent with Destiny is a a nightmare. Kinuha niya ang Ipad sa lamesa at pumasok sa opisina ni Destiny. She's busy with her laptop and she's wearing headset, may kausap ito sa cellphone.

"No. I want a farm in Isabela. Just send me all the information and I will personally visit the land for inspection. Bye." She lift up her head. "Do you need something?"

"It's your uncle's birthday next month and he will be having a party. You are invited." Sa loob ng opisina ay boss-employee ang turingan nila pero sa labas, they can do whatever they want.

"I'll think about it." Hindi ito mahilig um-attend sa mga parties. Hindi rin ito nagpa-party sa birthday nito pero nagdaraos ng anniversary party ang kumpanya at doon lang ito uma-attend. "Come here, Siggy." Lumapit siya rito. "Closer." Mabilis itong kumilos para halikan siya at hindi siya nakailag. Now she's being touchy but back in Maldives, she's inseperable with Adison. May pait na sa mga labi niya tuwing babanggitin niya ang pangalang iyon.

"Akala ko ba no touching sa opisina?" Hinapit niya ang beywang nito at padampi-damping hinalikan ang mga labi ng dalaga. She wrapped her arms around his neck, not wanting to let him go.

"Can't resist. You are addicting," She licked his lips and then sucked it. This is not a good time to have a boner! "Are you still doing something?"

"Yes, I am busy. What do you want? Bakit namumula na naman ang mga mata mo? Don't tell me-" She sealed his mouth shut and let go. Is she still smoking weed even at work?!

"Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi."

"You can sleep here. May kuwarto ka rito."

"Even if I want to, hindi ko kaya. I'll just tire myself and hoping to sleep soundly tonight." Naawa siya rito. Alam niya na may insomnia ang dalaga, hindi na rin epektibo rito and sleeping pills. He princess carried her into the bedroom and tucked her in. Hinubad niya ang sapatos nito at inilagay sa ibaba ng kama. Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero hindi nagsalita. Napansin niya na nakakatulog ito ng mahimbing sa tabi niya. Isinara niya ang kurtina para dumilim at saka tinabihan si Destiny.

"You will sleep. Babantayan kita." Umunan ito sa braso niya at sumiksik. Hinaplos niya an likod nito at maya-maya lang ay nakatulog na ang dalaga. Mahigpit ang kapit nito sa damit niya na nagsasabing huwag itong iiwan. Every now and then, he's starting to witness Destiny in her vulnerable state, kadalasan ay sa pagtulog. Ilang umaga niya itong naaabutan na walang ibang katabi sa pagtulog hindi gaya ng dati. Must be the reason why she can't sleep.

Isang oras nang ganoon ang posisyon niya, his arm went numbed already. Mukhang malalim na ang tulog nito kaya puwede na siyang bumalik sa labas. Marami pa siyang tatapusin. Dahan-dahan siyang bumangon at naglagay ng unan sa tabi ng dalaga. He put her arm around the pillow for her to hug it. Pinatay niya ang side table lamp para hindi maistorbo ang tulog nito. Tahimik na lumabas siya ng kuwarto.

Habang nag-aayos si Siggy ng mga dokumentong kailangang pirmahan ni Destiny ay may narinig siyang bumagsak sa kuwarto. Out of panic ay binuksan niya ang pinto to check her. The room was so dark.

"Destiny?"

"Don't come near me!" She almost choked.

Kinapa niya ang kama pero wala ito roon. He finally thought of turning on the light and there she was, sulking on the corner, hugging her legs tightly, heads down. Maingat na lumapit siya rito at umupo sa harap nito. She must have had a nightmare.

Chained Destiny (Book 1 of 3)Where stories live. Discover now