Chapter 24

439 16 5
                                    

SINUNDO si Destiny ni Congressman Amorsolo Gonzales gamit ang helicopter, she was told that they will be having their dinner in Ariana Resort in Batangas. Kaibigan raw nito ang may-ari ng resort at masarap raw doon ang seafood. Mabilis silang nakarating sa hotel kung saan katabi lang ang seafood restaurant. They were welcomed and escorted to a booth. Mabilis silang binigyan ng menu. Hindi na siya nag-abala pang magpalit ng casual na damit, she kept her office attire. Nang makapili at maibigay sa waiter ang order ay uminom siya ng tubig. Hinilot niya ang sentido, sumasakit na naman ang ulo niya.

"Are you okay?" May concern sa boses ni Congressman.

"Yes, just a mild headache."

"I'm sorry, if you want to go home, it's alright. The chopper is still here."

"Kailangan ko rin sigurong kumain para mawala ang sakit ng ulo ko. Thank you." Napalingon siya nang may marinig na click. Did someone took a picture of her? Wala naman siyang nakitang kahina-hinala, baka may mga customers lang na nag-pi-picture ng sarili o mga pagkain. Masyado na siyang nagiging tuliro dahil sa mga sunud-sunod na stress sa buhay niya.

"Hindi ko alam kung naaalala mo pa noong bumibisita kayo sa mga feeding program sa Sablayan noong mayor pa ako doon. Your father was a generous man, parati siyang may donation sa mga programs na isinagawa ng opisina ko. How about Lorenzo, my son, do you remember him?" The calamari was served. Tumusok siya ng isa at isinawsaw sa garlic-mayo sauce at isinubo iyon. Umiling siya sa tanong nito. He took out his phone at showed her an old picture of a cute boy. "This is my son. Parati kayong naglalaro kapag bumibisita kayo sa bahay." He swiped left. Family picture ng mga Gonzales, ang cute na bata noon ay binata na, he's good-looking as well! Hawig ito ng ama. "He is working with the law enforcement. Gusto kong ma-meet mo ulit ang anak ko." Nasa mukha nito ang pagiging proud na ama.

Sinapo niya ulit ang noo, her head was pounding again.

"I have a trick to migraine, is it okay to hold your hand?" Naglabas ito ng maliit na bote ng hand sanitizer at naglagay sa kamay. Tumango siya. Pinisil nito ang pagitan ng thumb at index finger niya. Habang lumalakas ang pressure ng pagpisil ay nawawala kahit paano ang sakit ng ulo niya. "May migraine rin ang asawa ko, I always to this to her." May kakaiba sa paghawak sa kanya ni Congressman, marahan niyang hinila ang kamay niya nang dumating ang pagkain nila.

Their dinner ended and her stomach was full. Gustong-gusto na niyang humiga at matulog dahil sa sakit ng ulong hindi pa rin nawawala. She decided to book a hotel for the night dahil hindi na niya kayang sumakay pa sa helicopter. Nagtanong ito kung pwedeng makigamit ng banyo dahil bago bumiyahe pauwi, she said yes. The Congressman bid her goodbye after relieving himself at nag-thank you sa kanya. Mabilisan siyang nag-hot shower at pansamantalang sinuot ang bathrobe na provided ng hotel. Dinala rin ng bellboy ang damit na pinakisuyo niyang bilhin sa isang kalapit na boutique para pantulog. She sent a message to Siggy na sunduin siya nito bukas ala-singko ng umaga at magdala ito ng fresh set ng office suit niya, didiretso na siya sa opisina bukas.

INIP na inip na ang thirteen-year old na si Destiny, it was Christmas morning and she wanted to go outside. Busy ang buong mansion dahil may paparating ulit silang bisita ngayong araw. Katatapos lang niyang maligo at magbihis, suot niya ang mamahaling dress na binili pa ng mommy niya sa Paris. Inikot niya ang mga mata sa buong kuwarto, princess-style pa rin ang silid niya, gusto niya iyon dahil prinsesa naman talaga siya. Everything is sparkly and pink. Bumaba siya sa kusina kung saan naroon ang mommy niya. Gumagawa ito ng fruit salad kasama ang isang katulong. She kissed her mother's cheek and greeted her 'good morning."

Nakangiti namang sumagot ang kanyang ina ng 'good morning' rin. Para kay Destiny ay pinaka-the best ang mommy niya, hindi ito nakakalimot sa bawat school activity na kailangan nitong daluhan. Her father also did his best to come last parent's day pero nagkaroon ito ng emergency sa sa trabaho.

Chained Destiny (Book 1 of 3)Where stories live. Discover now