Chapter 22

300 14 0
                                    

BUONG lakas na sumigaw si Destiny nang subukan siyang lapitan ng lalaking nakaputi, nagpakilala ito bilang doktor. Nasa loob sila ng isang clinic, kasama niya ang mga mgulang niya. It's been a week since she escaped from hell at hindi na maibabalik ang lahat. Sumiksik siya sa dulo ng examination bed at nakita niya kung paano humagulgol ang mommy niya. Niyakap niya ang mga binti at isinubsob ang mukha.

"Doctor Atienza, I can handle it from here." May boses ng babae na hindi pamilyar sa kanya. "Destiny?" Hindi siya nag-angat ng tingin. "I'm Doctor Zalmeda, I'm here to help you." Malumanay ang boses ng babae kaya sinubukan niyang itong tingnan. She looked like an angel from heaven. "Can you tell me your favourite TV show?" Hindi niya ito sinagot. Umupo ang doktora sa kabilang dulo ng kama.

"She won't talk," sambit ng kanyang ama na yakap ang mommy niya. "She won't even cry."

Yes, she won't cry. There's no more reason to cry. Lahat ng luha niya noong nasa kadiliman siya ay binuhos na niyang lahat. She cried for help, desperation, she cried with joy when she remembered all the happy moments and thats it. Sinabi ng doktor na ito na gusto nitong tumulong sa kanya, nasaan ito noong kailangan niya ng anghel?

"Look," may inilabas itong picture sa wallet nito. "Isn't she cute?" Litrato ng batang babae na mas bata sa kanya ng ilang taon. "She's my daughter. Do you want to have your picture taken like here?" Binuksan ng doktora ang drawer sa tabi at kinuha ang camera. Mayroon siyang ganoon, you have to put a film inside and then bring it to the studio to have it developed. Ipinatong nito ang camera sa tabi niya at inabot niya iyon. "Gusto mong kunan ako ng picture?" Pinaglaruan niya ang camera hanggang sa maubos ang film nito. Binigyan pa siya ng isa pang film ng babae. "Can you take a picture of your bruises?"

Tinitigan niya ito. Bakit kailangan nitong picture-an ang mga sugat niya?

"I need to know what happened, sweetie. Kailangan ko ng pictures para magamot kita." How she hated her expression! May awa sa mga mata nito.

Bakas pa rin ang mga pasa at sugat niya sa katawan but the wound inside her will never be healed. Dahil sa inis ay binato niya ang camera at nagkalasog-lasog iyon nang bumagsak sa sahig. Ayaw na niya sa lugar na ito. Humiga siya in fetal-position at ikinubli ang sarili.

Kung hindi dahil sa busina ng sasakyan sa likod ay hindi pa babalik sa kasalukuyan ang utak ni Destiny. Malapit na sila sa subdivision. Maraming salamat sa pagiging tahimik ni Siggy buong biyahe kung hindi pati ito ay pinaalis niya. Nang tuluyang makapasok sa driveway ay nagdire-diretso si Destiny sa loob, narinig niya ang pag-ibis ng sasakyan. Ramdam ni Siggy na ayaw niyang makipag-usap. Naghubad siya ng damit at binuksan ang gripo sa tapat ng jacuzzi para lagyan ng mainit na tubig bago pinatakan ng sangkatutak ng essential oil na rose ang scent. Lumabas siya at dumiretso sa kusina, she rummaged through her wine cabinet and took a whole bottle of wine. Pagbalik sa banyo at kalahati na agad ang jacuzzi, she jumped in and lit another roll of weed. Nang umabot ang tubig sa collarbone niya ay pinatay na niya ang tubig.

Ilang linggo rin ang naging pagkikita nila ni Dra. Zalmeda, pinursige siya nito na magpa-medico legal at nagtagumpay ang babae. Pagkatapos noon ay nasunog ang clinic kung saan naroon ang records niya. She remembered the doctor visiting her before the incident, kinumusta siya nito pero nagmamadaling umuwi and she left something behind-the medico legal results na itinago niya at hindi pinaalam sa mga magulang. After that, they went to US for her therapy at wala na siyang naging balita tungkol sa doktora.

Halos mabitawan niya ang bote ng wine nang biglang bumukas ang pinto. It was Siggy!

"I thought you left?!" asik niya rito.

"I parked your car. Kanina pa ako kumakatok pero hindi ka sumasagot. I already hired private investigators per your request." Pilit ang pagiging civil ng binata sa kanya. "Do you really want me out of your life, Destiny?" Naroon na naman ang desperation sa boses ni Siggy.

Pilit niyang nilunok ang invisible na bara sa lalamunan sa tulong ng alak bago niya sinagot si Siggy. "Yes." Her phone sitting on the sink rang as well as Siggy's phone. Hindi nila pinansin ang tawag pero naging sunud-sunod ang mga iyon. Siggy fished the phone out of his pocket at inanunsyo kung sino ang caller.

"Mr. Riviera," ipinakita nito ang screen ng phone. Mukhang nakatunog na ang mga board members tungkol sa blind item. Ito na nga ba ang sinasabi niya! Kaya niyang gumawa ng eskandalo para sa sarili sa kontroladong paraan tulad ng pagkakaroon ng maraming flings at pagiging bitchesa at hindi sa ganitong paraan.

"Answer it," utos niya bago humithit ng weed. Inilagay ni Siggy ang tawag sa speaker.

"Siggy, is your boss with you?" Kunwaring concern na tanong ni Gerry Riviera.

"I am here," faggot. Ngali-ngali niyang idugtong.

"The board heard something about you today. It was the blind item that was spreading like a wild fire." Kahit na subtle ang panunuya sa boses nito ay halatang-halata naman niya.

"I don't know why a man of high status like you read that kind of rubbish. Hindi ba kayo napapagod sa kahahanap ng intriga tungkol sa akin?" She finished her joint and threw it out on the toilet bowl. Ibinuga niya ang usok palayo sa direksyon ni Siggy pagkatapos ay sumimsim siya ng alak.

"If you need therapy, just let us know and we will support you." Boses iyon ni Benito Angeles. May date pala ang dalawang matanda. Base sa ingay ng background ay nasa casino ang mga ito.

"I don't need any of your concern. Say hi to your mistresses for me." Pinindot niya ang end call button at iiling-iling na tumungga ulit ng red wine, nangangalahati na siya. Siggy flushed the toilet bowl, closed the lid and sat there. Hindi na rugged ang hitsura nito, he's back to being neat and handsome.

"You shouldn't have saved me, Siggy." Wala sa sariling sambit niya. Both the alcohol and marijuana are taking its effect. Triple ang pagiging high niya dahil humithit na siya kanina pa sa opisina. She leaned back her head on the headrest of the jacuzzi. Sa halip na mabawasan ang stress niya ay nadagdagan pa iyon dahil sa letseng blind item na iyon. Hindi naman siya makakapagsampa ng demanda sa writer dahil hindi naman literal na naka-print ang pangalan niya sa article at makukumpirma lang na siya nga ang tinutukoy kapag gumawa siya ng aksyon.

"Go home. Kailangan mo ring magpahinga. I think to be alone and think how to get out of this mess." Walang imik na lumabas si Siggy. Tanging tunog lang ng jet spray ng jacuzzi ang naglilikha ng ingay.

"You don't have to do anything, Destiny. Keep quiet and let those rumours die on its own," pagkausap niya sa sarili. "Humpty Dumpty sat on the wall..." she started singing the famous nursery rhyme. "Humpty Dumpty had a great fall... all the king's horses and all the king's men... couldn't put Humpty Dumpty together again..." And like Humpty Dumpty, no one can put her broken and missing pieces back.

Once more, her phone rang, she ignored it dahil ayaw niyang tumayo not knowing it was Adison calling.

Chained Destiny (Book 1 of 3)Where stories live. Discover now