Chapter 15

291 11 2
                                    

AU: Just a short update! Sa wakas may update! Thanks @Wintermoonie dahil 

dahil nagka-idea ito kung ano ang susunod na chapter. 

                                   *******

BAGO bumaba si Destiny ng sasakyan ay nakailang silip na siya rear view mirror dahil napansing niyang may sumusunod sa kanya. Kalmadong pinatay niya ang engine, sinamsam ang mga gamit bago bumaba. Siniguro niyang nakapatay ang GPS ng sasakyan niya, maging electronic devices. Could someone be following her? Dumiretso siya sa lobby ng isang four-star hotel at nag-check in under a different name. She's wary until she went inside the suite.

Binuksan niya ang luggage at kinuha ang disinfectant spray at nag-spray sa bawat sulok ng silid. The room was clean but her OCD wouldn't let her be at ease hangga't hindi siya nakasisigurong walang dumi roon. Pagkatapos ay binuksan niya ang shower tsaka naligo. Halos isang oras rin siya nagbabad roon.

Habang nagbibihis ay may kumatok sa pinto. Ito na yata ang pagkain na in-order niya kanina habang nagche-check in. She donned herself a white silk terno pajama, nakabalot pa rin sa tuwalya ang basa niyang buhok. Pinagbuksan niya ang hotel staff pero hindi unipormadong empleyado ang nakita niya sa labas ng pintuan. A woman in a plain white long sleeved polo shirt, tattered jeans, and Vans loafers. May sling bag na kulay asul na nakasabit sa balikat ng babae. Malaki rin ang suot na shades sa mga mata. Nakatali naman ang buhok nito.

"Destiny Lauchengco?" confident na tanong ng babae. Pamilyar sa kanya ang mukha nito.

"Who the fuck are you?" maangas niyang tanong. Wala siya sa mood makipag-usap kahit kanino. Kung kailan siya may tinatakasan ay tsaka naman may nakasunod sa kanya.

"Hope Montecillo," nagtanggal ito ng salamin sa mata. Tumaas ang kilay niya nang maalala kung sino ang nagmamay-ari ng pangalang iyon. She's a reporter, a hard-headed one. Ilang beses na itong nag-request sa kanya ng interview lalo na noong pumutok ang balita ng pagkamatay ni Lena Madrigal.

"Get out of my face," akmang isasara na niya ang pinto nang pigilan nito gamit ang kaliwang paa. Huminga ng malalim si Destiny para i-compose ang sarili.

"I heard something about you at gusto kong malaman kung totoo nga iyon." Sa gulat niya ay itinulak ni Hope at pinto at iwinelcome ang sarili sa loob. Isa na lang ay kakaladkarin niya ang babae palabas. Umupo ito sa sofa at kinutinting ang aerosol spray can na nakapatong doon. "Year 2005, Christmas day, what happened to you?" Seryosong tanong nito at tiningnan siya sa mga mata. She didn't even blink.

"I have the rights not to answer your question. Now, get out before I call the securities on you." Itinuro niya ang pinto palabas. Paanong nakaamoy ang reporter na ito patungkol sa nangyari sa kanya noon? She's sure that Siggy did not open his mouth, hinding hindi nito gagawin ang bagay na iyon sa kanya.

"Come on, Destiny!" tumayo ito at lumapit sa kanya. "Gusto ko lang namang malaman."

"I should file a restraining order against you." She looked her in the eye. Nakipagtagisan naman ito ng titig sa kanya. Talagang matapang ang babaeng ito pero hanggang saan?

"Wala akong ginagawang masama." There's fire in her eyes.

"Do you have a paper and pen with you?" Destiny smiled. Agad na naghanap ng papel ang ballpen si Hope sa bag nito. Hinawakan niya ang kamay ni Hope na may hawak ng ballpen at inilapit ang bibig niya sa tainga nito. "Now, write this," bulong niya sa dalaga at bigla niyang itinaas ang kamay nito at ibinaon sa braso niya ang ballpen na hawak nito.

"W-what-" mabilis itong lumayo sa kanya at nabunot sa braso niya ang ballpen na nahila nito pag-atras. She pressed her bleeding arm with another hand para pigilan ang pagdurugo.

"Now, I can file a restraining order." Destiny's mischievous smile appeared on her lips while Hope was in shock, nabitawan nito ang ballpen.

"Y-you're crazy!" Bakas sa mukha nito ang takot habang nagpalipat-lipat ng tingin sa ballpen at sa kanya.

"I am crazy." Tumalilis na si Hope nang sagutin niya ito. She picked up the hotel's phone and dialled the reception desk. "H-hello?" She labored her breathing. "I n-need help... a reporter stabbed me..." biglang nag-panic ang babae sa kabilang linya. Sinabi nito na may tinawag na itong pulis. Kinuha niya ang ballpen ni Hope at ibinalot sa tissue, itinago niya iyon sa bag niya. Habang naghihintay sa pulis ay umakyat ang manager at empleyado na may parehong first aid training. Nilapatan ng paunang lunas ang sugat niyang nagdurugo pa rin. The police came and asked her about what happened.

"That reporter barged into my room dahil gusto niya akong interview-hin. Ilang beses ko siyang sinabihan na umalis na but to my horror, she stabbed me on my arm!" eksaheradong sumbong niya sa pulis.

"Magsasampa ho ba kayo ng kaso ma'am? Puwede ho nating i-pull out ang CCTV bilang ebidensiya, 'yung ballpen ho ba nasaan?"

"No. No need. I will contact my lawyer about this first. Pero kung mapilit pa rin siya, I will file a case." Nang masigurong ayos na ang lahat ay dinala siya ng mga ito sa ospital para matingnan ng doktor. Luckily, hindi masyadong malalim ang sugat. Tinahi iyon ng doktor at niresetahan siya ng maraming antibiotic at painkiller. Bumalik si Destiny sa hotel nang may ngiti sa mga labi.

Kinagabihan ay inaliw niya ang sarili sa panonood hanggang sa ipalabas ang balita. There's a blind item about a certain reporter who stabbed a businesswoman inside a hotel. Ngayon ay sigurado na siyang hindi na siya gagambalain ng reporter na iyon.

Chained Destiny (Book 1 of 3)Where stories live. Discover now