Eternal and Mortality
Chapter Thirty"Hindi ako makapaniwalang sa kabila ng lahat ng nangyari ay gra-graduate tayo," wika ni Calvin habang inaayos ang kaniyang neck tie sa harap ng salamin.
"Tangina, hindi ko nga akalain na nag-aral ako dahil sa inyo," nakangising wika ni Trevor habang nagsasapatos.
"Hindi ko naman sinabing sundan ninyo ako sa mundo ng mga tao. And since matitigas ang ulo nyo, why not make a use of the two of you," pabirong wika ni Adeera habang siya ay inaayusan ng glam team ng palasyo.
"Naging bodyguard tuloy ako. Pucha. Ni hindi man lang ako naka-landi," reklamo pa ni Trevor.
"Nariyan naman si Marie. Maganda naman siya. Matalino pa. She's also a human army," pang-aasar ni Calvin dito.
Napangiwi si Trevor sa sinabi nito. Marie is innocent as fuck. Napaka-hinhin nitong kumilos. There's no way he'd like that girl!
"Yuck, dude! Did you even hear what you're saying? Marie? Pucha. I'd rather fuck a nun. Mas mahinhin pa nga siya sa mga madre eh." Tinawanan naman ni Calvin ang sinabi nito.
"Whatever you say, dude!"
Matapos nilang maayusan ay kaagad na silang bumaba. Naroon naman na sina Calia at ang kaniyang mga magulang. They will be attending their graduation ceremony.
Si Marie naman ay kararating lang din kasama ang kaniyang Ina. Seryoso ang mukha nito at malamig ang mga tingin.
"Salamat sa paggastos ng pagpapaayos ng anak ko, mahal na reyna." bahagyang yumuko ang matanda at sumunod naman si Marie.
"It's a pleasure. Malaki ang naitulong ni Marie sa kaharian. She deserves it," nakangiting wika ni Adeera.
"I think she heard us," mahinang bulong ni Calvin kay Trevor. Tumingin naman sa kaniya si Trevor. May kung anong dumaang emosyon sa mata nito bago nagkibit-balikat.
Hindi na nagsalita pang muli si Calvin dahil baka doon pa sila mag-away ng kaibigan. Bahala na si Trevor sa buhay pag-ibig niya.
Pagkarating nila sa university ay marami na ring tao roon. Pero ang naagaw ng pansin ni Adeera ay ang matikas na pangangatawan ng isang lalaki. Bagay na bagay rito ang tuxedo na suot. Maayos din ang buhok nito.
Naglakad siya palapit kay Daerrone na kausap ang kaniyang mga magulang. Nang maramdaman ni Daerrone ang presensya ng dalaga ay nilingon niya ito. Malaki ang ngiting sinalubong niya ang binata. She look stunning on her white dress. Lalong nakita ang kaputian ng dalaga.
"You're gorgeous," nakakaakit na wika ng lalaki. Ngumiti naman si Adeera sa lalaki.
"You're handsome," aniya.
Mahigpit naman siyang hinapit ng lalaki habang hawak ang kaniyang bewang. They went straight to his parents.
"Dad, Mom, this is Adeera, my fianceé." Nagulat siya sa tinuran ng binata. Pero agad din siyang nakabawi at inilahad ang kamay sa mga ito.
"It's a pleasure to finally meet you, Mr. and Mrs. Ashton," magalang na wika niya.
Ngumiti ang ginang at sa halip na tanggapin ang kamay niya at niyakap siya nito.
"I've been wanting to see you pero itong si Daerrone ay hindi na umuwi sa bahay. Napaka-damot," nakangusong wika ng Ginang. "Anyway, my name's Sophia. Ito naman ang Tito Calum mo. But since engaged na kayo ng anak ko nang hindi namin nalalaman, you can start calling us Mom and Dad."
"We can arranged a formal engagement party. If that's okay with you," nakangiting wika ng dalaga. Lumabas naman ang malaking ngiti ng nanay ni Daerrone.
BINABASA MO ANG
Eternal and Mortality | Soon To Be Published
Vampire[Completed | Unedited] To fullfil the promise she made, she turn herself into human with a fake identity as Kristine Morganthe. Sa pag-aakalang pagtupad lang ng pangako ang kaniyang pakay sa mundo ng mga tao ay nagkakamali siya. Dahil sa mundong iyo...