Eternal and Mortality
Chapter Eight"Hmm, let's do sword fighting, Princess." wika ni Tristan at itinapon paitaas ang espada. Kaagad naman itong nasalo ni Kristine. Inikot-ikot ng dalaga ang espada at pinakiramdaman sa kaniyang kamay saka itinutok sa lalaking kaharap.
"Are you sure about this, Tristan?" nakangising wika ng dalaga. Nagkibit balikat lamang ang kaharap. Paikot silang naglalakad habang nakatutok sa isa't isa ang espada.
"I just want to confirm something.« he started to attacked and Kristine's just dodging him. She's a monster in sword fighting and she will not lose control.
"Then, be it." Ngumisi ang lalaki at agad na umatake. Nakailag naman si Kristine at agad na nai-sangga ang kaniyang espada.
Patuloy pa rin si Tristan sa pag-atake kay Kristine at patuloy rin ang dalaga sa pag-ilag at pagsangga ng kaniyang espada. Kailangan niyang kontrolin ang sarili niya. She don't want to harm anybody. Kung totoo mang may alam it tungkol sa pagkatao niya ay alam niyang biktima lamang ito ng kung sinong kumokontrol sa kaniya.
Hinigpitan ni Kristine ang hawak sa espada at idiniin lalo sa espada ng kalaban para hindi tumalsik ang espada niya. Malakas na itinulak ng lalaki ang espada kaya napaatras si Kristine ng kaunti. Tumalon ito patalikod at umatras ng bahagya. Na-alerto ang dalaga nang umiikot ito sa ere at bumagsak ito sa harapan niya. Isinangga niya ang kaniyang espada at inikot-ikot ito kasabay ng espada ng kalaban. Ngumisi ito. Parehas natigil ang dalawa nang tumutok sa leeg ng dalaga ang espada ni Tristan at ang kay Kristine naman ay sa tagiliran ng kalaban. Kung titingnan ay mas dehado si Kristine ngunit ang laban na ito ay kinakailangan ng pambihirang bilis.
Mabilis na tumingin si Kristine sa lalaki nang may napagtanto ang kaniyang isipan. Ang pag-talon nito ng paatras, ang pag-atras nito ng bahagya, ang pag-ikot nito sa ere, ang pag-tutok ng espada nito sa leeg niya. Pamilyar ang mga galaw na iyon. Napaka-pamilyar.
Lalong lumaki ang kaniyang pag-ngisi ng lalaki kahit pa nasa likod ng maskara ang mukha nito na para bang alam na nito ang nasa isip niya.
"Are you, perhaps..." hindi na naituloy ni Kristine ang kaniyang sasabihin nang mabilis nitong ibinaba at iwinasiwas ang kaniyang espada gamit ang espada nito. Good thing, hindi iyon nabitawan ni Kristine.
"What do you think, Princess?" hindi mahagilap ni Kristine ang tamang salita. Nakatingin lang siya sa lalaki at nakakunot ang kaniyang noo.
"Come on, Princess. Alam kong hindi lamang iyan ang kaya mong gawin. You are more than doing dodging." Mariing pinikit ni Kristine ang kaniyang mata at muling nag-angat ng tingin sa lalaking nasa harap.
Isa lang ang paraan para malaman niya kung sino ito. She must fight him. Alam niyang gusto ng mga ito mapakita niya ang kaniyang kakayahan sa espadahan upang makompirma nila kung sino talaga siya. Kung hindi niya ibibigay sa mga ito ang kagustuhan nila ay hindi niya malalaman kung sino ang mga ito at kung ano talaga ang pakay nila.
"I'm controlling myself not to harm you, Tristan. But you gave me a reason not to. Prepare for the consequences you might take." Sandali itong ngumisi sa dalaga bago sumeryoso ang kaniyang mukha.
"I'm always prepared, Princess."
They positioned themselves. Agad na umatake ang lalaki at ganoon din si Kristine. Tumalon si Kristine at naglakad sa ere habang nakatutok ang kaniyang espada sa kaniya. Pagkababa niya ay agad niya itong inatake. Dahil sa lapit nila sa isa't isa ay madali na lamang sa dalaga ang itulak sa dito ang kaniyang espada. Paikot na lumayo si Kristine rito dahilan upang masugatan ang kalaban dahil sa pagtama ng kaniyang espada sa braso nito. Masama itong tumingin sa dalaga ngunit ngisi lamang ang kaniyang iginanti.
BINABASA MO ANG
Eternal and Mortality | Soon To Be Published
Vampire[Completed | Unedited] To fullfil the promise she made, she turn herself into human with a fake identity as Kristine Morganthe. Sa pag-aakalang pagtupad lang ng pangako ang kaniyang pakay sa mundo ng mga tao ay nagkakamali siya. Dahil sa mundong iyo...