Chapter 1: First day.

78 3 0
                                    

Ito nanaman, gigising nanaman ako na puro lovebirds sa bahay man o sa school. Kahit yata diyan lang sa labas ng bahay eh. Syempre, ano pa ba ieexpect ko sa nanay at tatay ko? Tapos sa school puro PDA dun. Kala mo naman bagay sila, nakakasawa na.

Nagsuot na ko ng sapatos at lumabas na ng bahay. Nagsimula na kong mag'bike papuntang school ko. Malapit
lang naman samin halos isang kanto lang nandun na.

Ako nga pala si Cara. 17 years old, and no boyfriend since heartbroken. First love ko na heartbroken ako, sabi nga nila pag nag'mahal ka di maiiwasan masaktan. Oo, bitter ako sa mga "First love never dies." Hello? Magsasawa din kayo. First love ko si Tristan, yes siya yung tinutukoy ko. I hate him, he hates me too. ((sobra)) Mutual feelings diba? Pero syempre joke lang yung akin. Buong 9 months namin, minahal ko siya. Sobra sobra kaya siguro madali niya kong nauto.

Nandito na ko sa school, grabe umagang-umaga ang daming naglalandian dito. Hays, paaralan to. Kinuha ko ang libro ko at nag'kabit ng earphones sa tainga ko. I hate world, i hate people.

"Hi." Sabi ng isang babaeng lumapit sakin sabay kalabit. Nagulat ako, kaya tinaggal ko yung earphones ko.

"Hello." Mataray na sagot ko. Ibabalik ko na sana yung earphones ko kaso hinigit niya. Aba ayos to ah?

"Problema mo?" Masungit na tanong ko, nakakairita kasi.

"My name is Trisha, and you?" Ngumiti siya at inabot ang kamay niya.

"Cara." Matipid kong sagot at inabot ko din yung kamay ko.

"Nice name, will you be my friend? Sali ka sa group namin. " sambit niya, at tila naka'ngiti parin siya.

Inayos ko yung gamit ko at tumayo na, at iniwan ko na yung babaeng yon. Wala akong panahon sa mga ganung tao. Yung papasalihin sa grupo ng mga babae na ubod ng arte. Mas gugustuhin ko pang mag'isa.

Habang nag'lalakad ako, nakita ko pang hinahabol niya ko. Kaya, tumakbo ako at boom. May nabangga siya. Ha-ha buti nga sakanya.

Trisha's P.O.V

Nakita ko, nakita ko si Cara. Di ako nag'kakamali. My brother's ex girlfriend. She's beautiful, smart pero when it comes to attitude? No way, unang pag'memeet pa lang namin pero ang rude niya na sakin. Di ko alam kung anong nagustuhan ni Tristan dun. Inalok ko lang naman siya maging kaibigan because of my brother. Ganun kasi ako sa mga nagiging girlfriend niya, i don't know pero mas gusto ko close ko sila. Pero kay Cara? Ano pa bang ieexpect ko sakanya? Iniwan niya lang ako dun, without answering my question.

Hinabol ko siya pero nung tumakbo siya at tumakbo din ako, may nabangga ako. Pag minamalas nga naman oh.

"What the hell?" Sabay naming sambit sa isa't isa.

"Nabasag ang salamin ko, bayaran mo." Utos niya sabay tingin dun sa salamin niyang nabasag.

"Kasalanan ko ba, kung hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" Inis na tanong ko sakanya.

"Oo, tumatakbo ka eh. Habang ako tahimik na nag'lalakad tapos babanggain mo." Sagot niya.

"Pake mo ba kung tumatakbo ako? Edi sana tumabi ka diba?" Sabi ko at umalis na ko. Umiinit lang ulo ko dito eh.

Pero bago pa ko makalayo, hinigit niya yung braso ko upang maiharap niya ko sakanya. Wtf? Sino ba to?

"Pwede ba!?" Inis na inis na sabi ko sakanya at binabawi ko yung braso ko na hawak niya.

Nagulat ako, dahil tinanggal niya yung cap&scarf niya. Napatitig ako sakanya ng ilang minuto.

"Pwede wag mo kong tignan ng ganyan? Ayokong matunaw." Sambit niya saba ngiti. Yung mga ngiti na yan......sobrang familiar.

"Oh......my.......God." Napahawak ako sa bibig ko, dahil sa gulat.

"Miss me?" Sambit niya sabay kindat.

---

Si Cara yung nasa picture. :))

One Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon