Kevin's P.O.V
"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Jamsine at hinawakan ko yung kamay niya.
"Kailan ka pa nag'karoon ng pake sakin, Kevin?" Halata sa boses niya ang galit na nararamdaman niya sakin ngayon.
"Jasmine please forget the past between us."
"You don't understand kev. Hindi naman ikaw yung iniwan eh. Diba ikaw yung nangiwan?" Nakita kong may luha na pumapatak sa mga mata ni Jasmine. Shit, ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak. Pinunasan ko yung mga luha niya.
"Sorry." Yun lang yung nasabi ko sakanya. Tumakbo siya paalis.
"Sino yun? Bakit sinundan mo siya? Ano mo siya, Kevin? Ang kapal ng mukha niya na pahiyain ka sa mga classmates natin. Hindi porket model siy--" may biglang nagsalita likod ko at agad akong lumingon.
"Please, Trisha. Kahit ngayon lang leave me alone." Favor ko sakanya at umalis.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta kung saan nalang ako dalhin ng mga paa ko. Nakita ko si Manong guard na may inaayos, nagmadali na kong lumabas ng gate para hindi niya makita. Napahinto ako sa isang coffee shop, dito na nga ako siguro dinala ng mga paa ko. Coffee and Cake kasi ang comfort food ko.
Pumasok ako sa coffee shop at nagulat ako kasi nandun din si Cara. Iniwas ko yung tingin ko sakanya pero hindi ko magawa. Naka'salamin siya, may frap na nakalagay sa table at meron din isang slice ng chocolate cake. Habang hawak niya namqn yung libro, nagaaral ata.
Teka, may klase ngayon ah? Pumunta na ko sa cashier, buti nalang walang masyadong pila.
"Yes sir, ano pong order nila?" Naka'ngiting tanong sakin nung cashier.
"Isang order ng dark coffee and isang slice ng chocolate cake."
"Yun lang sir?"
"Yes."
"Uhm, sir? Ano pong name niyo?"
"Kevin." Tipid kong sagot.
"Sige po sir, serve nalang namin sa table niyo." Kumuha siya ng pentelpen at cup at sinulat yung name ko.
Naghanap ako ng table na bakante pero wala na talaga. Ah, kay Cara nalang.
Pumunta ako sa table niya, 2 naman yung upuan na magkaharap."Cara, pwedeng makishare ng table? Don't worry table lang naman. May sarili akong pagkain." Pagpapaalam ko sakanya nakatitig lang siya sakin, habang hawak niya yung highlighter niya.
"Wala man lang hi? Paano pag hindi ako si Cara? Sure, pwede kang makishare ng table, pwede mo na din alisin yung upuan." Pagmimilosopo niya.
"Bwiset." Tumawa naman siya.
"Sir Kevin? Eto na po yung dark coffee and yung chocolate cake niyo. Enjoy your food with your girlfriend." Nilapag niya yung pagkain, at umalis na.
"Weird." Narinig kong bulong ni Cara sa sarili niya.
"Cara, bakit nandito ka?" Tanong ko para naman hindi maging awkward.
"Bakit masama ba?" Nag'kunwari siyang gulat na gulat.
"Seryoso." I gave her a death glare.
"Kasi wala daw teachers ngayon. May meeting sila, pero may quiz daw bukas kaya magaral ka." Sambit niya at nag'scan sa libro.
"Sus, stock knowledge lang yan."
"Wow ah, sige pag nataasan mo ko, treat kita."
"Deal." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Pero pag natalo kita, ikaw mag'ttreat ah?" Hamon ni Cara sakin.
"Oo ba."
"Kevin, ano mo si Jasmine?" Tanong ni Cara. Nagulat ako, hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sakanya. Parang gusto kong tumakbo para takasan yung tanong na yun. Parang gusto kong lumubog dito sa kinauupuan ko.
"Ano bang klaseng tanong yan, Cara?" Tumawa ako.
"Seryoso kasi, Kevin. Parang ang lakas ng impact mo sakanya. Ano nga?" Pangungulit niya.
"Pagkakatiwalaan kita, Cara ah? Simula ngayon magkaibigan na tayo, yung hindi lang dahil sa ring natin. Magpapakilala ako ng umaayos, but promise me, magpapakilala ka din ng maayos." Sabi ko sakanya.
"Promise." Sambit niya at nag pinky swear kami.
BINABASA MO ANG
One Last Chance
RomanceCara is my name, gusto ko lang naman magkaroon ng isang mala'fairytale lovelife. Our lovestory was like a fairytale na. Pero biglang nag'laho na parang bang panaginip lang? I love him, he loves me too. Correction, he used to love me too. Yun naman a...