Chapter 3: Stars

98 4 2
                                    

Cara's P.O.V

Buti naman nakagising ako ng hindi badvibes. Ang daming nangyari kahapon na hindi nagpa'goodvibes sakin. Una yung kay Tristan, pangalawa yung kapatid kong sobrang iyakin. Dahil sakanya nakilala ko yung pakialamerong lalake na si Kevin.

After naming sumunod kay mam este sir kahapon, pinunta kami sa principal's office para mag'explain. Yon ang mahirap dito, maliit na bagay pinapalake. Bwiset, buong hs years ko dito hindi pa ko nag'kakarecord sa office. Ngayon lang, hays.

Nag'vibrate yung phone ko kaya, tinignan ko kaagad kung sinong istorbo.

"Pumunta ka sa Canteen, kung ayaw mong mapahamak."
From: Unknown number.

OA naman neto, mapahamak agad?Aayain lang ako mag'date sa Canteen lang? Joke.

To: Unknown number.
"Luh? Sino ka para puntahan ko?"

Ha, bagay lang sakanya yan. Maya maya nag'vibrate nanaman. Aba?

"Kevin to, as if you don't know. May atraso ka pa sakin, babae."
From: Unknown number.

Panira talaga siya ng araw.

To: Kevin/Panget
Papunta na PO. Masaya ka na? At please next time wag'magtanong sa iba para lang makuha number ko. Chansing na yan eh.

Di na siya nag'reply, aba speechless ang loko. Pumunta na ko sa Canteen, may kasama siyang 2 lalake.

"Anong gusto mo?" Iritang tanong ko.

"Sino yan, Kevin?"
"Ikaw ah, kaya mo na pala ipag'palit si Trisha." Pangaasar sakanya ng dalawa niyang kasama.

Trisha? May girlfriend tong mokong na to? Akalain mo, may'kayang tiisin ang ugali neto?

"Shut up." Rinig kong sabi niya sa mga kasama niya. Tapos may binulong, ano yon?

"Sige bro, una na kami ah? Btw, hi Cara? Im Jacob." Pagpapakilala niya.

"And im Sydney." Dadag pa nung isang lalake.

"Cara." Tipid kong sagot.

"Alam naman nila." Singit ni Kevin.

"Kausap ka ba? Sila kausap ko eh."

Nakita kong nag'katinginan yung tatlo. Problema nila?

"Sige, bye Kevin. Nice meeting you, Cara." Paalam nilang dalawa at umalis na.

Nang'nakaalis na yung dalawa, lumapit sakin si Kevin.

"Diba tinatanong mo kanina kung anong gusto ko?" He grinned

"Joke lang yon."

"Simple lang, Cara. Dahil hindi pinagamit ni Daddy sakin yung kotse ko dahil sayo, sasamahan mo ko mag'commute ngayon." Utos niya sakin. Wow ah?

"Jusko, kalalaki mong tao hindi ka marunong mag'commute? Yung totoo? Bakla ka ba? O duwag?" Pangaasar ko sakanya. Halatang medyo nainis ata.

"Bakla?" Mas lalo pa siyang lumapit. Hello? Nakadikit na ko sa table. "Kung bakla ako, madaming babae ang magdudusa." Pagmamayabang niya sabay kindat. Akala mo naman gwapo, oo gwapo kaso nagiging panget sa ugali niya.

"Bago pa dumami yang kasinungalingan mo, hahatid na kita sa bahay niyo." Inilayo ko siya at aalis na sana. Pinapatagal pa eh.

"Sinong may sabi na uuwi tayo?" Tanong niya. Huh? Gulo ng utak neto ah.

"Eh san tayo pupunta?" Walang gana kong tanong.

"Pupunta tayong mall. May bibilhin ako."

"Eh, bakit kailangan idamay mo pa ko? Kaya mo na yan." Sabi ko sakanya.

One Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon