Jasmine's P.O.V
Naglakad ako kung saan-saan, bahala na kung saan ako mapunta. Bakit ba napaka-unfair ng buhay? Bakit kailangan ko ulit makita siya? Bakit kung kelan nakalimutan ko na siya saka siya susulpot? Nananadya ba ang tadhana?
"Ouch." Tumingala ako para makita kung sino ang nakabunggo ko.
"Sino ka?" Tanong ko.
"Ikaw? Sino ka ba? Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" Tanong niya sakin at halatang medyo iritado siya.
"Sorry.." Napayuko ako.
Aalis na sana ako kaso bigla niyang hinawakan yung balikat ko at hinarap ako sakanya.
"'May kailangan ka pa?" Tanong ko.
"Tristan nga pala." Pagpapakilala niya.
"Jasmine."
Trisha's P.O.V
Ilang beses ko na tinatawagan si Kevin pero hindi niya pa din sinasagot. Anong problema niya? Tinawagan ko ulit siya at walang pang tatlong ring, sinagot niya na agad.
"Hello?"
"Kevin!" Masaya kong bati sakanya.
"Why?"
"Nasan ka? Walang teacher ngayon. Lunch tayo, at bakit bigla ka nalang nawala?" Tanong ko sakanya.
"Sorry, Trisha. I'm with Cara, nasa coffee shop kami malapit sa school."
"What!? Kasama mo siya? Pupunta ako dyan. Wait for me."
"But, Trish--" hindi ko na pinatapos, binaba ko na yung phone.Pagpasok ko sa coffee shop, hinanap ko na agad si Kevin. Nakita ko siya sa pinaka'dulo at tama nga siya kasama niya si Cara. Nagmadali akong pumunta sakanila at umupo dun sa bakanteng upuan sa tabi ni Kevin.
"Trisha." Matipid na sabi ni Cara.
"Yes. Ako si Trisha, crush ni Kevin." Sambit ko at tinaasan ng kilay si Cara. Halatang nagulat si Kevin.
"Crush mo pala si Trisha eh!" Sambit naman ni Cara habang tumatawa.
"What? Trisha, you're crazy!" Halata ang pagkairita ni Kevin.
"Hindi ba totoo?" Tanong ko sakanya. Nakita kong nagpipigil ng tawa si Cara at si Kevin naman napairap lang.
Cara's P.O.V
Nandito na ko sa bahay. Ang bilis ng pangyayari pero pagod na pagod ako. After ng asaran namin sa coffee shop ay pumunta naman kami sa mall para samahan si Trisha bumili ng mga kailangan niya daw. Nung una ayaw pang sumama ni Kevin dahil daw boring pero hindi rin naman niya kami natiis.
Dumapa ako sa kama at binaon ang mukha ko sa unan. Biglang nag'ring yung phone ko, agad kong tinignan kung sino yun.
[Kevin(Panget)]
"Hello?"
"Labas ka." Utos niya.
"At bakit?"
"Basta. Bye." Binaba niya na agad yung phone.Na-curious naman ako kaya bumaba ako.
"Cara, may nag-iwan pala nito kanina. Pinqpa'bigay niya lang, hindi ka na niya pinatawag." Sabi ni Manang Tessa at inabot sakin ang pa'square na box at may ribbon sa gitna.
"Ah sige po. Thank you, manang." Kinuha ko yung box at umupo sa sofa. Binuksan ko yung box at nagulat ako sa Doll shoes na nakalagay doon. Yung doll shoes na color black at may ribbon na color silver with glitters.
Teka, ito ba yung.............."OH MY GOD." Napasigaw ako dahil sa pumasok sa isip ko.
"Kevin Santiago..........May something ka talaga na wala sakanya." Bulong ko sa sarili ko at ngumiti.

BINABASA MO ANG
One Last Chance
RomanceCara is my name, gusto ko lang naman magkaroon ng isang mala'fairytale lovelife. Our lovestory was like a fairytale na. Pero biglang nag'laho na parang bang panaginip lang? I love him, he loves me too. Correction, he used to love me too. Yun naman a...