Cara's P.O.V
Ito kasi yung nangyari nung pumunta kami sa mall.
"Wow, ang ganda naman nung doll shoes na yun oh!" Sabi ko sabay lumapit at hinawak yun.
"You want that?" Tanong sakin ni Kevin at ngumiti siya.
"Uhm, next time nalang siguro. Hindi ko pa naman kailangan eh." Ngumiti ako ng tipid sakanya. Pero yung totoo ubos na yung pera ko!
Paalis na kami ng mall, nasa parking na kami. Sumakay na si Trisha sa likod ng kotse. Dun kami parehas, ayaw namin sa tabi ni Kevin. Joke lang, para daw walang away dun nalang kami parehas. Feeling nanaman si Kevin! Si Trisha lang naman may gusto tumabi sakanya eh!
Sumakay na din ako sa kotse, tapos biglang binuksan ni Kevin.
"Why?" Tanong ni Trisha.
"Uhm, girls. May pinapabili si Daddy sakin, kakatext niya lang." Naka'hawak siya sa batok niya at nakatingin sa phone niya.
"Gusto mo samahan kita? Cara will--" tanong ni trisha.
"Ah, hindi na. Saglit lang naman ako eh." Sambit naman ni Kevin at umalis na.
Maya maya bumalik na din si Kevin at pinaandar na yung kotse. Nilagay niya yung binili niya dun sa tabi niya. Ano yun?
"What's that, Kevin?" Tanong ni Trisha. Naunahan ako.
"Ha? Alin?" Inosenteng tanong ni Kevin at parang naiilang siya.
"Duh? The box?" Maarteng sabi ni Trisha at umirap.
"Cake yan." Matipid na sagot ni Kevin at binalik niya yung attention niya sa pag'da-drive.
"Cake? Parang hindi naman." Sambit ni Trisha.
"Shut up, Trish. Wag ng maraminh tanong." Sabi naman ni Kevin.
Jusko! Speechless ako sakanila. Akala ko puro sila kaartehan pag mag-kasama sila, nagaaway din pala to.
Nag-back to reality ako kasi biglang nag-ring yung phone ko. "Unknown number." Sino naman to?
"Hello?"
"Meet me at the school grounds tomorrow at 10 am."
"Huh? Sino ka ba?"Binabaan ako!? Bat ko siya pupuntahan eh di man lang siya nagpakilala? Baka mamaya kidnapin lang ako nun! Lord, wag naman po sana! Hahanapin ko pa yung happy ending ko!
---
"Ano nanamang kadramahan sa buhay mo, Cara?" Nagulat naman ako sa tanong ni Jackie! Nandito kami sa cafe, Lunch break naman namin eh.
"Wala." Tipid kong sagot habang pinglalaruan parin yung straw sa shake ko.
"Anong wala!? Lokohin mo na lahat, Cara. Wag lang kaming dalawa ni Xander." Sambit naman ni Jackie.
"Oh, damay nanaman ako?" Pa'inosenteng tanong ni Xander.
"Maki'ride ka naman! Kahit minsan wag ka naman maging KJ!" Nag'pout si Jackie.
"Tss. Oo na. Oy, Cara wag kang mag-drama tapos ka na dyan diba?" Ang cute talaga nilang dalawa! Oo nga, tama si Xander, tapos na ko sa mga drama sa buhay. Pero hindi naman to dahil kay Tristan eh. Medyo naka'move on na din naman ako, simula nung huling pagkikita namin sa starbucks. Oo, siya yun. At sino nagsabi na nagda-drama ako? Sila Jackie talaga! Hindi lang ako maka'move on dun sa ginawa ni Kevin. Hays, suprise talaga yon!
"Hoy, Cara!" Sigaw ni Xander tapos pumitik siya sa harap ko.
"Aray ko naman, Xander! Pwede namang hindi sumigaw!" Sambit ko sakanya.
"Hindi sumigaw? Eh kanina pa kami salita ng salita dito, tulala ka pa din?" Sambit ni Xander at umirap pa. Bakla ba tong bestfriend ko? Daig pa ko kung umirap eh.
"Ah......eh....sorry naman. Ano naman yung sinasabi niyo?" Tanong ko sakanila.
"Sabi namin, una na kami. May pupuntahan lang kami ni Xander, okay lang ba sayo?" Tanong ni Jackie at halatang nagpipigil ng tawa.
"Oo naman! Date na kayo! Bye!" Tumayo ako at pinag-tutulak sila.
Hay, salamat. Wala na rin yung 2 kong makukulit na kaibigan! Makakapag-isip na din ako ng maayos.
"A-aray!" Sigaw ko dun sa humatak sakin at sinandal ako sa pader.
"T-tristan!?" Gulat kong tanong sakanya.
"I told you, puntahan mo ko sa school grounds at 10 am diba? Anong oras na? 1 pm? Do you hate me that much? Kaya, pinaasa mo ko na pupunta ka kahit hindi naman?" Halos galit na galit na sabi sakin ni Tristan.
"Wow! Excuse me ha, Tristan? First, hindi ka nag'pakilala sakin. Malay ko ba kung sino yun diba!? Im not that stupid, Tristan para imeet kung sino-sino lang. Second, ako pa paasa? Nahiya ako sayo, Tristan! Kung tutuusin, walang walang to sa ginawa mo sakin. Third, wala kang karapatan na kausapin at hatakin nalang ako kung saan-saan. Hindi pa kita pinapatawad sa ginawa mo sakin. Wait, pano kita papatawarin kung hindi ka naman nag-sorry?" Hindi ko na mapigilang umiyak pero pinipilit ko na hindi matuloy kasi ayokong mag-mukhang mahina sa harap niya.
Pinunasan niya yung luha ko pero tinanggal ko din agad. Paalis na sa sana ako pero hinawakan niya yung kamay ko.
"Im sorry....im sorry, Cara. I don't know. Hindi ko alam yung gagawin ko nung mga oras na yun. Mababaliw na ko sa kakaisip kung bakit ginawa ko yun. I swear, Cara. Nagsisi na ko." Sambit niya habang nakayuko siya.
"Do you think ganun lang kadali yun? Hah, you have ni idea Tristan. Its too late." Sambit ko sakanya at tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko at umalis na.
BINABASA MO ANG
One Last Chance
RomanceCara is my name, gusto ko lang naman magkaroon ng isang mala'fairytale lovelife. Our lovestory was like a fairytale na. Pero biglang nag'laho na parang bang panaginip lang? I love him, he loves me too. Correction, he used to love me too. Yun naman a...